Chapter 9

31 5 0
                                    

Dylan's POV

"Dylan! Anong oras ng bata ka. Nakahiga ka diyan! Bumangon ka na! Male-late ka nanaman!" Ano ba yan yung bunganga ng nanay ko nanaman bumungad sa akin. Ugh.

Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak. Grabe naman kasi si Aly hindi manlang ako pinatulog.

Pag tingin ko sa oras shet! 7:00 na. Yung baklang teacher ko pa naman first subject namen. Huhu. Grabe na to.

Takbo agad ako sa cr. Ligong mabilisan nalang to.

Afer 8 min. tapos na ako. O diba? Tinde. 3 min. ako naligo, 5 min. ako nagbihis. Hahaha.

"Ma! Si daddy? Yung baon ko."

"Yan ang sinasabi ko sayo di ka gigising ng maaga tapos ngayong wala na daddy mo sakin ka hihingi."

"Ma naman bilis na late na ako." Pagmamadali ko, dami pa kasi sasabihin e. Bibigyan din naman ako.

"Kumuha ka nalang dun sa may bag ko. Alam ko bilang niyan." Sus. Akala mo naman kukupitan.

Pag dating ko sa school sakto paakyat palang si sir. Kunware mabait ako kaya tutulungan ko nalang siya.

"Good morning Sir Kenneth. Tulungan na po kita."

"No. Kaya ko na to. Late ka nanaman ha." Pagsusungit niya.

Nakakainis talaga tong baklang to. Siya na nga tutulungan siya pa maarte. Hay bwisit.

"Sorry sir. Hinatid po kasi namin tita ko sa hospital. Inatake po kasi." Sht. Alam kong ang sagwa ng palusot ko pero sana kumagat.

"Okay."

Di ko na siya hinintay. Nung napadaan ako sa room nila Aly hinahanap ko siya pero wala pa siya. Himala na-late yun. Ano kaya nangyari don?

Bored na bored na ako sa class ang tagal ng break time. Gusto ko na makita si Aly e.

*Kriiiiiiinggggggg*

Orayt. Lalabas na sana ako ng room pero pucha bigla ba naman akong inutusan na mag bura ng black board. Bwisit talaga.

Nung papunta na ako sa room nila Aly may nakita akong lalaking nag aabang don. Sino naman kaya yon? Tsaka sino inaabangan?

Pag labas ni Aly lalapitan ko na sana siya kaso inunahan ako nung lalake kaya di nalang muna ako dumiretso.

"Hi baby, good morning. Sabay na tayo pumunta sa canteen?" sabi nung lalakeng yun.

Parang bigla akong nanlumo sa narinig ko. Ano daw? Baby? Siya ba yung sinasabi niyang crush niya? Sabagay pogi naman din yun tsaka mukhang mayaman.

Tumalikod nalang agad ako. Ayaw ko ng makita kung ano pang pag uusapan nila baka masaktan lang ako.

Alyssa's POV

Grabe late na ako nakapasok si Dylan kasi pinakilig ako ng sobra. 😍

Hinihintay ko nalang mag break time baka sakaling makita ko si Poging Dylan ko. Ang korni ko! Ano ba yan.

Nung break time na paglabas ko biglang sumulpot tong si Alexis. Nakakasira ng araw. Kelan ba ako tatantanan neto? Di ba niya alam na ayoko sakanya? Sinabi ko na yun pero nakakainis naman. Di ba siya makaintindi?!

"Hi baby, good morning. Sabay na tayo pumunta sa canteen?" Ugh. Nakakairita. Baby ng baby. Hindi naman nakakakilig.

Bago pa ako sumagot ng ayoko, hinila nalang niya ako basta. Sakto pag hila niya sakin nakita ko si Dylan na naglalakad na sa ibang way. Oo alam kong si Dylan yun. Likod palang niya alam ko na.

Bago pa kami makababa ng hagdan netong Alexis na to hinila ko na kamay ko sakanya. Ayoko siya kasabay.

"Ano ba Alexis, ayoko!" Naiirita kong sabi.

"Bakit ba ayaw mo ako kasama? Kinahihiya mo ba ako? Gusto lang naman kita makasabay kumain. Ano bang masama dun?" Nakatingin lang siya sakin pero nakipagtitigan din ako sakanya ng may halong inis at pagkairita.

"Look Alexis hindi sa pinapahiya kita. Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko nga kasi sayo. Ilang ulit ko ng sinabi yan pero kulit ka ng kulit. Tapos ayan, nakakabastos hinila mo nalang ako basta sa harap ng mga kaibigan. Could you please stop bugging me? Naiirita na ako sayo!"

"Edi sige! Hindi na kita kukulitin. But please? Allow me to be your friend?" Nakita ko sa mata niya na sincere naman siya.

"Fine."

Ayoko ng makipagtalo sakanya mapapagod lang ako. Pagkatapos nun bumalik nalang ako sa room nawalan na ako ng gana kumain.

Naisip ko bigla si Dylan. Asan kaya to ngayon? Text ko nga.

To: Poging Dylan ♥

Oy panget. Nasan ka?

10 min. na di pa nag rereply ang arte naman neto. Edi wag bahala nga siya.

Grabe na tong araw na to. Wala ng magandang nangyari.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon