Chapter 18

28 2 0
                                    

Dylan's POV

Nagiging close na kami ni Colé yun nga lang lagi kaming nag aaway ang sarap inisin e. Hahaha. President kasi siya sa class namen. Complete package diba? Lagi siyang naiinus saken. Hahaha. Kaya di ko dib masabi kay Colé na gusto ko siya tsaka etong si Ken kasi nagpatulong sakin na manligaw kay Colé pareho lang kami na 1st year palang crush niya na si Colé. Wala e, maganda siya. Hindi siya mapanglait at tumitingin sa labas na anyo kasi si Ken kahit ngongo siya pinayagan niya parin manligaw. Nakaka turn on lalo yun.

Kahit gustong gusto ko na siya ligawan di ko magawa may girlfriend din kasi ako tapos MU pa sila ni Ken di naman ako bastos na basta basta nalang manghihimasok ng relasyon.

Papunta na ako gym kasi may volleyball training pa kami nag eenjoy na din ako maglaro neto kasi nakakatuwa din yung mga kasama tsaka may bago akong kaibigan dito si Lester John Miranda. Lj tawag ko sakanya shortcut.

"Pre! Tara na jogging tayo. 5 rounds daw nalate tayo e." Lj.

"Okay, wait lang sintas ko lang sapatos ko."

Habang nagjo-jogging kami inoopen niya nanaman yung topic dun sa best friend niyang babae na nagkakagusto na sakin. Ugh. Lagi nalang niya akong kinukulit na syotain ko na daw kasi malakas na daw tama sakin nun. Ayoko naman kasi yun e. Hindi ko type.

"Pre sige na, inlove na sayo yung tao."

Pamimilit niya ULIT.

"May girlfriend ako pre."

"Okay lang yan. Sige na preeee."

"Oo na, oo na. Pota."

"Seryoso pre?! Talaga?! Wooh! Nice nice!"

Tuwang tuwa siya di nalang kasi siya yung manligaw e. Kainis. Pero nag oo na ako e. Bahala na.

"Pre text mo sya mamaya ha?!"

Tumango nalang ako para di na siya magsalita.

After ng training namin umuwi na ako. Nagpapahinga ako ng biglang nag text tong si Paula yung best friend ni Lj.

From: Paula

Hi Dylan! 😊

To: Paula

Yo. Why?

From: Paula

Kamusta ka? Namiss kita di manlang kita nakausap ngayong araw di ka kasi dumaan sa room namin e.

To: Paula

Ay sorry, busy kasi ako ngayon e. Okay lang ako, ikaw ba kamusta?

From: Paula

Ayos lang ako. Kain ka na. 😊

Halos araw araw na kami nagtetextan ni Paula wala e, makulit masyado tapos nung tumagal niligawan ko nalang din siya. Tapos after 3 days ayun, kami na. Diba ang bilis? Brineak ko nalang din yung girlfriend ko nun nagkaron din kasi ng ibang boyfriend kaya ayun.

Madalas kong puntahan si Paula sa room nila, no choice lagi akong kinukulit ni Lj. Kaya ayun, si Colé naman ayon medyo okay na sila ni Ken hindi ko na rin siya masyado nakakausap pero tinutulungan ko parin si Ken. Ang tanga ko no? Ha ha ha.

"Bee!"

Ayan nanaman yang si Paula si kaka-bee niya sakin pota. Mukha ba akong bubuyog?

"Hm?"

"Wala naman, tara kain tayo."

Tumango nalang ako tsaka sumunod sakanya. Kwento siya ng kwento di naman ako nakikinig.

Ganun lang madalas set up namin ni Paula sa school, pupuntahan ko siya tapos aalis din ako.

-

Nandito ako ngayon sa classrom wala akong gana lumabas. Di ko alam kung bakit tapos tumabi sakin tong si Ken.

"Tol, may problema ako." Panimula niya.

"Ano naman yun?"

"Medyo nagkakalabuan na kami ni Colé feeling ko nga wala na e."

"Bakit"

"Ewan ko din pre. Meron kasing umepal e."

"Sino?"

"Yung Angelong mukhang Demonyo at asal hayop."

"Ano ginawa?"

"Ewan ko ba, nagulat nalang ako ganun na sila kaclose ni Colé sobra kung makapagtawanan tapos sobrang dikit."

Hindi ko alam pero tang ina habang sinasabi niya yon sobra akong nasasaktan. Nagseselos, naiinis. Gusto kong patayin si Angelo tang ina.

Magsasalita palang sana ako nung nakita ko si Colé at Angelo na papasok sa classroom. Edi wow sila na masaya, sila na sweet. Di ko na matiis tumayo nalang ako at umalis sa classroom nakakairita kasi yung view.

-

Di ko alam kung anong nagyare bigla nalang ganon. Halos araw-araw ko nakikita si Angelo at Colé na sobrang sweet katulad nalang ngayon magkatabi nanaman sila tapos ang sweet nila, meron pa yung time na nakita ko na magka-holding hands sila, tapos nalaman ko pa kay Angelo na kiniss niya si Colé puta, kailangan pa bang ipagyabang mga ganong bagay?! Edi sila na. Kabadtrip.

"Dylan! Hoy Dylan! Nakikinig ka ba ha?! Kanina pa kita tinatawag parang wala kang naririnig!"

Sa sobrang pagkainis ko di ko na namamalayan na kinakausap ako netong si Jonas.

"Ano ba yon?"

"Ano susuot mo sa Christmas Party?"

Pota naman yun lang pala sasabihin kinukulit pa ako ng kinukulit.

"Hindi ko pa alam bahala na. Wag ka nga muna magulo diyan gusto kong tumunganga lang muna."

Mabuti naman at hindi na siya nag salita siguro narealize niya na wala akong kwenta kausap. Hahahaha.

"Goos bye class."

E?! Tapos na yung class namin? Parang wala pang isang oras a. Hay nako naman masama ata to a.

Pumunta nalang muna ako kay Paula bago ako umuwi para walang masabi yon. Lagi niya akong sinasabihan na i-hug ko siya pero ewan, ayoko hindi ako nasanay na ganun wala kasi akong physical contact sa mga naging chixx ko. Ayoko din.

Nandito ako sa labas ng room nila naghihintay kasi yung teacher niya may mga pinapagawa pa. Nag hila nalang ako ng upuan tsaka ko isinandal yung ulo ko.

"Sorry nag hintay ka."

Akala ko naman kung sino yung kumalabit sakin. Siya lang pala.

"Ayos lang. Uwi na tayo?"

"Mamaya na."

"Pano yung sundo mo malamang nandon na yon sa labas."

Yea, highschool na sinusundo pa siya. Rich kid e. Anak ng councilor dito sa lugar namin.

"Okay lang yan. Tara don sa likod."

Hinila niya ako papunta sa may daanan papunta sa extension ng canteen namin di nalang ako umimik. Wala na din masyadong dumadaan don dahil medyo hapon na.

Nang makarating kami dito umupo nalang muna kami sa hagdan tsaka niya hinawakan kamay ko, siya lagi first move sumasakay nalang ako kasi lagi akong pinapakiusapan ni Lj e. Nakatambay lang kami dito ng halos 20 min. at walang nagsasalita. Kaboringgg.

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sakanya.

"Wala naman gusto lang kitang makasama."

"Ah. 5:30 na dumidilim na oh. Baka kanina ka pa hinahanap ng sundo mo, tara na kaya medyo pagod din kasi ako tsaka masama pakiramdam ko.

"Ah, ganun ba. Sige tara na."

Naglakad na kami palabas tapos nagpaalam na siya tsaka dumiretso sa sasakyan nila, umuwi nalang din ako at nagpahinga. Ewan ko ba wala ako sa mood ngayon.

A/N: Pasensya na po kung matagal mag update tsaka boring. Medyo mahirap po kasi mag update lalo na pag hindi napapansin yung effort. Huhu. Mahirap kasi mag effort sa wala. Maga-update ako kapag may kahit 15 votes at 10 comments sa chapter neto. I promise!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon