Dylan's POV
Ang sarap pala talaga sa feeling pag yung taong mahal na mahal mo nakakasabay mo kumain, katabi mo sa room, at kasabay mo sa pag uwi.
I can really say na ang ganda ng relationship namen, wala na akong ibang hihilingin pa. Lalo na sa girlfriend ko sobrang swerte ko na to have her. Nasakanya na lahat matalino, mabait, mapagbigay, maganda, maalaga, at mahal ako. Wala na talaga akong balak pang iwan siya kahit na ano mangyari.
"Bro, kamusta na?"
Langyang Oj na to. Nagmomoment ako tapos biglang susulpot.
"Ayos naman. Miss mo nanaman ako."
"Oo nga e. Labas naman tayo minsan."
"San naman tayo pupunta ha?"
Siguro may problema to.
"Kahit san lang pre. Basta, labas tayo."
Mukhang kailangan talaga neto ng makakasama kaya pinagbigyan ko nalang siya mamaya pa naman yun pagkahatid ko kay baby.
Uwian na. Hatid nalang namen si baby tapos pupunta daw kami ng tambayan.
"Mahal na mahal mo talaga si Colé no?"
Nagulat naman ako sa taong to. Pagkababang pagkababa kasi ni baby biglang bumanat ng ganyan e. Pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tanong niya.
"Oo naman bro. Bat mo natanong yan?"
"Wala naman. Hindi kasi kita nakitang ganyan kasaya kay Aly non. Ibang iba ngayon masaya ka kay Aly dati pero hindi ganyan, the way you look at Colé ibang iba parang pinapahiwatig mo sa lahat ng tao na "back off, that girl is mine" haha."
Yea, tama nga naman siya. Iba kasi talaga si Colé hindi ko ba alam. Nagayuma ata ako e. Hahahahaha. Pero ayos lang swerte naman. 😂
"Hahaha. Oo naman bro, teka nga. Ano bang problema mo ha? Kanina ko pa napapansin na may problema ka e."
Bigla naman siyang napabuntong hininga.
"Kasi pre, wala na kami ni Nami e."
Woah. Kaya naman pala.
"Bakit naman? Tagal niyo na a. Seryoso ba yan?"
"Oo pre. Ayaw na daw niya sakin e. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sakanyang masama o ano. Basta bigla nalang ayaw na niya."
Naaawa ako dito kay Oj naiiyak na siya pero pinipigilan niya lang.
"Baka naman may dahilan yun bro."
"Tang inang dahilan yan e. Wala naman akong pagkukulang lahat naman ginagawa ko sakanya. Ang sinasabi niya sakin aalis na daw siya ng Pinas kukunin na daw siya ng papa niya. Ngayon lang sila nagkakilala ng papa niya e."
"Oh, yun naman pala."
Nag start na tumulo luha niya. Di ako sanay lagi ko siyang nakikitang masaya tapos biglang ganito.
"Pre naman. Nakakagago naman porke ba kukunin na siya kailangan iwan na niya ako? Tang ina pre! Pwede naman kaming ldr. Kaya ko naman yon!"
Ganun lang napag usapan namin ni Oj tungkol kay Nami. Napayuhan ko din naman siya na baka may malaki talagang dahilan kaya ganon. Sabi niya bahala na daw kung ano mangyayari, sa huli sinabi niya na rin na kahit mahirap daw pipilitin niyang mag move on kasi kung mahirap daw yon mas mahirap napagdaanan ko nung nawala si Aly. Sabi niya din na baka magaya daw siya saken na after nun may mas magandang darating.
Ilang araw nalang pala valentine's day na. Hindi ko pa alam kung ano gagawin ko kay Colé na surprise. First time ko to. Try ko nalang magtanong sa mga babaeng classmate ko baka sakaling matulungan nila ako.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Genç KurguAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...