Dylan's POV
Medyo nagtatampo parin ako. Haay. Nakakainis kasi kailangan pa ba kasi talaga yun? Pero hayaan na nga maya-maya lang siguro naman mawawala na tampo ko tsaka wala naman akong karapatan mag tampo. Wala namang kami e. 😞
Maya-maya lang habang nakatunganga ako biglang tumunog yung phone ko. Dali dali kong chineck baka kasi si Aly na yun!
From: Rusty
Bro anong oras ka papasok bukas?
Ay si Rusty pala. Akala ko naman si Aly na.
To: Rusty
Mga 7 bro. Ayoko malate baka masigawan nanaman ako ng baklang teacher naten. Hay nako.
From: Rusty
Hahaha. Sige bro tulog na ako!
Di ko na sya rereplyan wala na din naman akong sasabihin nakakabading naman kung replyan ko siya ng good night. Itetext ko na nga lang si Aly.
*toot* open ko muna messageee.
From: My Everything ♥
"I like good morning and good night texts. I like phone calls. I like knowing that someone cares and they're trying. I like feeling wanted. 😌
Good evening! How's your day ppl? Text pls? -g."
Halla. Ano namang drama ng babaeng to. Kulit kulitin ko nga to. Hahaha yun lang pala gusto niya e. Ez!
*toot* di ko muna pinansin rereplyan ko nalang muna to si Aly. Hahahaha.
To: My Everything ♥
Sus. Ang drama mo naman Aly, ano nakain mo? Hahaha.
Sending.... Failed. Ay epal oh. Ayaw mag send. Send ko nalang ulit.
Sending.... Failed. Sending.... Failed. Sending.... Failed.
Ano ba yan?! Off ko nga muna phone ko baka nagla-log. Hay!
Pag open ko sa msg. Nakakabadtrip!
From: 8888
Nag-expire na ang iyong CA20 reward. Mag-ipon muli ng Rewards points para ma-enjoy ang offer na ito. I-text ang ITEMS to 4438 para malaman ang iba pang calls, texts o data promos na pwede ma-redeem gamit ang iyong points. Maraming salamat!
Nakakabadtrip naman. Ang hirap pa namang mag hanap ng loadan dito dahil subdivision to. Ugh. Lakad lakad lang muna ako.
Ano kayang dapat kong gawin para naman magkaroon na kami ng something ni Aly. Medyo matagal tagal na din kaming ganito. Friends parin hay nako.
Kung saan saan na ako umikot para lang makapagpaload pero wala parin. Nakakainis naman. Gustong gusto ko na siya i-text. Ano ba yan. Kakaiyak naman.
Uuwi na nga lang ako bukas nalang ako magloload titiisin ko nalang.
Mga 9:30 dumating pinsan ko. Sakto pag alis neto papaload ako! Orayt.
"Dylan, pahiram naman ako ng shoes mo. Kailangan ko kasi pang basketball bukas e." Sabi ng pinsan ko.
"Sige tol. Basta ba loloadan mo ako e."
"Sige, sige."
Umalis na rin siya agad. After 15 min. dumating na load ko ayos. Nung itetext ko na sana si Aly. Bigla naman nag utos si mommy. Ano ba yan!
Ginawa ko nalang agad utos niya and after nun sinabi ko na matutulog na ako at antok na ako kahit hindi pa.
Tatawagan ko nalang pala si Aly para mas maganda maririnig ko boses niya.
Mga 5 times din nag ring bago niya sinagot. Ano ba yan. Siguro natutulog na to.
"Ano ba! Sino ba to?! Makukuha ko na tulog ko e!" Halla. Sabi ko na nga ba tulog na to e. Tapos nagsusungit pa siya. Scary talaga tong babaeng to.
"Ay sorry, sige matulog ka na." Sabi ko nalang para di na siya mag sungit.
"Ay Dylan. Sorry ikaw pala yan akala ko kasi kung sino. Napatawag ka pala?" Naks. Buti naman umayos yung boses niya.
"Wala naman. Namiss kasi kita." Pabulong ko lang sinabi yung namiss. Syempre ayoko namang pahalata.
"Ha? Ano yun? Di ko naintindihan."
"Wala. Sabi ko ang ganda mo." Iniba ko nalang topic. Tsaka gusto ko lang mag sabi ng totoo.
"Sus. Bolero. Baliw." Bakit parang kinikilig boses niya? O nag aassume lang ako? Ang assuming ko talaga. Haha.
"Haha. Sige na, inaantok ka na ata. Matulog ka na. Good night Aly. Seeyouinmydreamsiloveyou." syempre binilisan ko ulit. Mamaya may iba palang gusto yung tao mapahiya pa ako. Hahaha.
"Ha ano?!" Naiinis na ata to. Hahaha.
"Walaaaa. Good night sabi ko! See you tomorrow."
"Okay, good night."
Pagkatapos nun pinatay ko na baka kasi di ko mapigilan na kausapin pa siya.
Shet lang. Anong oras na after nung pag uusap namen hindi na ako dinalaw ng antok.
Madaling araw na wala parin. Pabalibaliktad na ako sa kama, paiba iba na pwesto ko di parin ako makatulog. Ano ba yan. Kainis!
Mga 04:00am na tsaka lang ako inantok. Maya maya lang knock out na ako.
A/N: Sorry ngayon lang ako nakaupdate. Medyo busy po kasi dahil exam. Pambawi ko to.
P.S. Hi baby, comment please? HAHAHA. Mwa. 😘
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...