Dylan's POV
Maglalakad na sana ako pauwi pero bigla akong tinawag ng papa ni Aly at sinabi niyang ihahatid na niya ako. Hindi pa ako kinausap ng papa niya simula dun sa hospital kaya natatakot ako, baka suntukin nalang niya ako pero okay lang tatanggapin ko kung patayin niya man ako okay lang din sakin. Pabor pa yun para magkasama na kami ni Aly. Di ko rin naman kasi siya masisisi nag iisang anak nila si Aly tapos bata pa ito kaya talagang kahit ako ang nasa posisyon ni tito baka hindi ko rin mapigilan sarili ko.
Habang nagdadrive si tito nagsimula na siyang mag salita.
"Dylan, alam mo hindi naman ako galit sayo." Panimula ni tito, hindi ako nagsasalita nakayuko lang ako.
"Masakit para sakin ang mawalan ng anak. Nag iisang anak ko siya, kung hindi pa siya naaksidente hindi ko pa malalaman na girlfriend mo ang anak ko. Pero ayos lang dahil naramdaman ko namang naging masaya siya sayo. Tuwing uuwi siya sa bahay lagi sing nanlalambing sa mommy niya, lalo na sakin. Sobrang close kami ng anak ko kaya hindi ko matanggap ang pagkawala niya halos ikamatay ko na rin iyon pero kinakaya ko para sa asaw ko. Ayokong pati siya mawala pa sakin."
Wala akong masabi. Tumulo nalang yung luha ko dahil ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya.
"Ipapa-cremate ko din ang katawan ng anak ko at pagkatapos nun aalis na kami ng bansa ng asawa ko. Dun na kami titira for good."
Napatingin ako kay tito at saktong punas niya naman sa luha niyang kanina pa pumapatak.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin, hindi muna ako bumaba at nag salita.
"Pasensya po kayo tito, hindi ko po sinasadya. Alam ko pong walang kwenta pasensya ko kung pwede lang po na ipalit ang buhay ko kay Aly gagawin ko po iyon."
Nag simula nanaman akong umiyak.
"Tito, sorry po. Sorry po. Mahal ko po si Aly, alam ko pong bata pa po kami pero mahal ko po talaga siya. Hindi ko siya makakalimutan. Mag iingat po kayo, hindi ko rin po kayo makakalimutan."
Niyakap ako ni tito. At pinababa na ako ng sasakyan para makapagpahinga na daw ako dahil bukas na din ang huling araw ni Aly.
Pagdating ko sa bahay kinulit naman ako ni mommy at daddy na kumain kaya kumain ako at pagkatapos nagpahinga na ako.
Kinabukasan naligo na agad ako at nag punta na kila Aly, nandun yung mga kabanda namin kinakausap nila ako pero wala akong masabi hindi ako nag sasalita. Di ko pa kaya. Dumiretso nalang ako sa tabi ni Aly at nag start nanaman tutulo luha ko.
Tanghali na at pinipilit nanaman akong kumain ng mga kaibigan namin pero hindi ako kumain. Hindi ako umiimik.
"Bro kain ka na. Pumapanget ka na oh." Pasimpleng biro ni Oj pero hindi ako nag salita.
"Dylan, ang panget mo na. Nagiging payatot ka na tulad ni Oj, wag kang tumulad diyan huy." Garry.
"Iwan niyo muna ako. Gusto ko muna mapag isa. Please."
Malungkot kong sabi. Buti nalang at sinunod din nila ako.
Nandun lang ako sa tabi niya magdamag at ilang oras nalang icre-cremate na siya. Kaya habang walang tao kinausap ko siya.
"Girlfriend, ang daya mo naman e. Sabi mo walang iwanan pero bakit mo ako iniwan? Parang kelan lang ang saya natin, ang sweet natin, tapos ngayon wala ka na. Pano nalang ako? Ano ng gagawin ko? Hindi ko na alam Aly."
Tumulo nanaman luha ko.
"I know you want me to be happy Aly. But I don't know, I really don't know. Hindi madali to para saken. Pero I'll try na gawin yung gusto mo. I'll try na maging masaya."
Pagkatapos nun nagpaalam muna ako sakanya na uuwi lang muna ako para mag bihis.
Nandito na kami ngayon kung saan icre-cremate ang katawan ni Aly, kasama ko magulang ko. Halos lahat ng kaklase, kaibigan, at mga kamag anak ni Aly nandito. Lahat kami iisa lang ang nararamdaman, lahat kami umiiyak.
Nang matapos nagpaalam na sakin ang mga magulang ni Aly na mamayang hapon din ay aalis na sila papuntang Canada. Sinabi nilang sana maging mabait ako, makakahanap din daw ako ng taong magmamahal sakin ng sobra pa sa pagmamahal sakin ni Aly, ipagpatuloy ko daw ang mabuhay para kay Aly at nangako naman akong gagawin ko yun.
Nandito na ako sa bahay ngayon, ngayon ko lang naramdaman yung pagod at panghihina. Kakayanin ko to, kahit wala na siya alam kong hindi niya ako papabayaan.
Bukas ay papasok na din ako dahil nagpa-excuse lang naman ako sa mga teacher ko. Ayoko paring pabayaan ang pag aaral ko. Kailangan ko maging malakas para sa mga taong nagmamahal sakin.
A/N: I decided na ituloy parin tong story. Sa mga susunod na chapter yun dun na po mag i-start ang real love story ko, namin ng girlfriend ko. Masyado na kasi siyang nagseselos kay Aly. Kaya sorry Aly, I have to kill you. Hahaha. Imagination ko lang din po yung lahat ng nangyari samin ni Aly, though naging crush ko din talaga yon. Oh baby, please wag ka na mag selos. Eto na talaga start na. Wag ka na magalit. Please, please. Alam mo namang epic ako sa lahat ng bagay e. Pero promise, I'll make it up to you. I love you baby C! 💗
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...