Dylan's POV
Naging masaya kami ni Aly. Halos araw araw kaming magkasama. Wala kami naging problema.
Nandito kami ngayon sa mall balak namin i-celebrate yung 4th monthsary namin. Ang bilis diba? Parang kelan lang crush ko lang siya, natorpe ako, iniwasan ko siya, pero ngayon 4th month na namin na couples. Hindi ko maiwasang mapangiti every time na mapapatingin ako sakanya.
"Boyfriend, bakit ngiti ka ng ngiti?"
"Wala naman. Masaya lang ako kasi kasama ka."
"Baliw ka. Para naman akong mamamatay niyan."
"Hoy wag mo nga sinasabi yan!" Nakakainis bakit niya pa kailangan sabihin yun?!
"Pero pano nga pag namatay ako? Ano gagawin mo?"
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Bakit ganun? Parang bigla akong natakot.
"Is naman. Syempre pag nangyari yun hindi ko na alam gagawin ko, baka mabaliw pa ako. Tigilan mo na nga yan."
"Alam mo boyfriend? Sobrang saya ko kasi naging tayo. Kahit na minsan ang abnoy mo kasi ang slow mo, lalo na pag namumula ako lagi mong iniisip na may sakit ako, e kinikilig lang naman ako. Hahaha. Tuwing kasama kita feeling ko ako na yung pinaka maswerteng tao dito sa mundo. Alam kong bata pa tayo pero wala akong pake dun, mahal kita e. I love you Dylan Chandler Vaughne forever and ever and everrrrrr!"
Halla siya, ang sweet naman ng babaeng to. Di ko tuloy maiwasang kiligin.
"Alam mo? Speechless na ako. Hahaha. Basta yun, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Hindi ko man masyado masabi, paparamdam ko nalang."
Nag kulitan nalang kami after nun, tapos kwentuhan ng kung ano ano. Ganun naman madalas naming ginagawa. Mga 5:30 na rin nung nag decide kaming umuwi na.
Habang palabas kami ng mall may nagkakagulo dun malapit sa high way. Nakita ko yung matanda na winawalang hiya lang na babaeng kasing age namen. Kaya hindi ko napigilan sarili ko na lapitan yun, ayoko talagang nakakakita ng binabastos yung mga matatanda.
"Uy, tama na yan." sabi ko sa babae.
"Anong tama na yan?! Di mo ba alam kung ano ginawa ng matandang yan saken?! Sabatero kalalaking tao!" Sabi ng babaeng to. Bastos nga talaga.
"Look, matanda yan. Wala ka bang lola at grabe mo bastusin si lola? Ano bang nagawa niya sayo?" Mahinahon kong sabi.
"Anong ginawa niya saken?! Yang walang kwentang matanda na yan! Binunggo ako! Nagsitapon lahat ng mga binili ko! Natapunan pa yung damit ko!"
Grabe tong babaeng to. Sumali na si Aly siguro hindi na niya makayanan tong babaeng to.
"Pagpasensyahan mo nalang si lola ate, baka naman hindi niya sinasadya. Tutulungan nalang kitang pulutin mga gamit mo na nalaglag."
Yuyuko na sana si Aly pero biglang hinila nung babae yung braso niya at nagalit nanaman tsaka hinila si lola at isinubsob siya.
"NO! Wag mong tutulungan yan! Hayaan mong yang matanda na yan ang mamulot!" Sigaw niya.
Aba sumosobra na tong babaeng to.
"Alam mo? Napaka walang kwenta mong tao, napaka sama ng ugali mo!"
Habang tinutulungan ko si lola tumayo tinatanong ko kung okay lang ba siya at tumatango lang siya hindi siya nagsasalita umiiyak lang si lola, nasasaktan ako sa nakikita ko. Narinig ko rin si Aly na nagalit.
"Sumosobra ka na talaga. Di bale ng ako yung sinubsob mo kesa sa matanda e!" Saka niya saka sinampal yung babae.
"Ah ganon?! Gusto mo palang maisubsob ha?! Wala akong pakealam sayo!"
Hindi ko napansin yung ginawa niya dahil pinupunasan ko luha ni lola at niyayakap ko siya.
Nakarinig nalang ako ng mahabang busina ng sasakyan at saktong pag lingon ko nakita ko na si Aly na kinaladkad ng sasakyan 2 meters away sa kinaroroonan namin.
Walang ibang lumabas sa bibig ko, pinaupo ko lang si lola atsaka ako tumakbo para puntahan si Aly. Buti nalang may mga tumawag din agad ng ambulansya nung nakita yung nangyari.
Habang nakayuko ako kay Aly, hinawakan ko yung kamay niya. Hindi ko na mapigilang umiyak. Nanlalabo na rin paningin ko dahil sa mga luha.
"Baby, please. Please. Wag kang matutulog. Stay awake. Please. Please. Hintayin mo lang may parating ng ambulance, gagaling ka. Okay?"
Habang sinasabi ko yan tumutulo luha ko, sipon ko. Wala na akong pake sa sasabihin ng ibang tao. Nakatitig lang si Aly sakin hindi ko na siya hinahayaang magsalita para hindi siya lalo manghina.
Nung dumating na yung ambulance sinakay na agad siya at sinabi ko sakanila na tawagan mga magulang ni Aly dahil hindi ko kaya makipag usap natatakot ako.
Habang bumabyahe kami hawak hawak ko lang kamay ni Aly ng bigla niya akong hilahin papalapit sakanya kaya dinikit ko agad tenga ko.
"I... L-lo..o...v.e y...ou Dy..l...a.n. P-le...a..s..e b-be ha..pp...y f-for m-me."
Habang sinasabi niya yun lalo akong naiiyak. Tuloy tuloy lang akong lumuluha.
"Aly please don't say that. Magiging okay ka. Please please. I love you too."
Nakangiti lang siyang tumitig sakin, ng bigla nalang nawala yung kapit niya sa kamay ko.
Alam kong sa point na yun, wala na. Wala na siya. Pero hindi ako sumuko, hinigpitan ko lalo hawak ko sakanya tsaka ako nagsisisigaw na gumising siya.
Hindi pa man kami nakaabot sa hospital binawian na siya ng buhay dahil sa tindi ng pagkakatama niya. Nagkaroon ng internal bleeding sa iba't ibang parte ng katawan niya.
Pag dating ng magulang niya hindi ko alam sasabihin ko, umiiyak lang ako ng umiiyak. Hindi naman nila ako sinisi, pero sinisisi ko parin sarili ko. Kung hindi ko siya pinabayaan sana hindi siya nagkaganun, sana hindi siya nawala.
Yung babaeng tumulak sakanya nahuli na at dahil bata pa hindi pa pwedeng ikulong kaya ipinunta muna siya sa DSWD.
Araw-araw akong nakabantay kay Aly, umiiyak, halos hindi na ako kumakain, wala akong gana. Gusto ko nalang din mamatay. Parang wala ng saysay buhay ko.
Ngayon, pang apat ng gabi ni Aly. Nung unang araw ang daming taong nag punta, dun ko napatunayan na maraming nagmamahal sakanya. Na maraming nasasaktan sa pagkawala niya. Akala ko sisisihin ako ng mga kaibigan niya pero hindi, tinutulungan nila ako na tanggapin ang nangyari. Wala daw may gusto non pero sabi ko kahit na, responsibilidad ko iyon. Hindi sila nagsasawang pag sabihan ako at pakalmahin ako.
"Dylan, anak umuwi ka na muna sa inyo at mag pahinga. Nangangayayat ka na. Hindi matutuwa niyan ang anak ko pag nakita ka niyang ganya."
Sabi sakin ng mommy ni Aly. Lagi siyang ganyan, lagi niya akong sinasabihang mag pahinga dahil di raw matutuwa si Aly kaya sa huli umuuwi ako at nagpapahinga at kinabukas babalik ulit ako at hanggang gabi ako magbabantay sakanya.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...