Chapter 10

41 3 0
                                    

Alexis POV

Ano ba nagawa ko kay Aly bakit ayaw na ayaw niya sakin? Dati naman okay kami. Best friend kami, pero ganun ba talaga yon? Hanggang dun nalang? Wala akong ibang nakikita na nanliligaw sa kanya kaya hindi ko alam kung may gusto na ba siya o ano. Sobra akong nasasaktan everytime na pinupush niya ako palayo. Alam ko namang may naging kasalanan ako sakanya. Pero sana hindi niya naman gawing dahilan yun para maging ganito kami ngayon.

Habang naglalakad ako papuntang cr may nabangga ako hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko.

"Sorry pare, hindi ko sinasadya." Paumanhin ko dito.

"Ay ayos lang bro. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko." Sabi nito. Parehas pala kami.

"Sige bro, Alexis nga pala." Sabay lahad ko ng kamay ko.

"Dylan, mauna na ako ha?" Pagpapaalam niya.

Tumango nalang ako bilang sagot at nag diretso na sa CR.

Dylan's POV

"Sige bro, Alexis nga pala." sabi niya. So Alexis pala ang pangalan niya. Mabait din naman siya hindi malabong magkagusto din si Aly dito.

Chineck ko phone ko at nag text sakin si Aly, ano naman trip neto at hinahanap ako. Hindi ko nalang muna pinansin. Ayoko lang muna kumausap ng ibang tao. Medyo nasasaktan parin kasi ako e.

Di ko alam kung dapat ko na bang itigil to o ano. Pero ako nalang muna iiwas.


Almost one month na simula nung umiwas ako kay Aly sa tuwing nakikita ko siya lumalayo ako hindi ko alam pero ayaw mawala ng feelings ko, minsan magtetext siya, tatawag siya. Pero hindi ko yun pinapansin gustong gusto ko man siya replyan pero pinipigilan ko.

Sabihin na nating ma-pride ako pero ayoko lang talagang masaktan.

6:00pm na pauwi palang ako kasi naman tumambay pa ako sa quadrangle hindi ko alam pero ganito na yung nagiging routine ko. Nagmadali na ako kasi parang uulan na.

Habang naglalakad ako yun na nga bumuhos na yung ulan tumakbo nalang ako hanggang makarating ako sa hallway. Naghihintay lang ako magpatila ng ulan para makaalis na ako. Sobrang lakas pa naman.

Habang nakatulala ako bigla nalang may humawak sa balikat ko. Tang ina! Natakot ako, umuulan, madilim tapos biglang ganon. Paglingon ko shet si Aly, yung taong iniiwasan ko bigla nalang nandito. Basang basa ng ulan pag tingin ko sakanya halo-halong expression nakikita ko sa mata niya. Tuwa, lungkot, sakit. Ano kaya nangyari dito?

"Ikaw pala. Basang basa ka na. Ano bang ginawa mo." Hinubad ko nalang yung polo ko tsaka ko pinatong sakanya nakasando naman ako sa loob.

"Galing kasi ako sa music room pauwi na sana ako kaso umulan naglalakad ako para maghanap ng masisilungan tapos nakita kita."

"Ah."

Tahimik lang kami, nagpapakiramdaman. Hindi ko alam kung ano sasabihin. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na nga talaga tong babaeng to. Pero ewan, siguro naman masaya na siya kay Alexis.

"Dylan." Tawag niya saken.

"Hmm?"

"Iniiwasan mo ba ako?" Malungkot niyang sabi.

"A-ah, ehhh... Hindi! Hindi no. Bakit naman sana kita iiwasan?" Pagpapalusot ko.

"Kasi hindi ka na sumasama samin, hindi ka na rin nag tetext, kahit sagutin man lang tawag ko." Ang lungkot ng mga mata niya.

Pero mali to. May Alexis siya hindi tama na makisawsaw ako sa relasyon nila. Masama yon.

"Ah yun ba, busy kasi ako e. May nag alok sakin na sumali sa banda. Nagpapraktis kami madalas." Totoo yun, may nag alok sakin ng banda balak daw nila na tumugtog kami sa darating na foundation.

"Ah ganun ba, sige."

After 5 min. wala ng nag salita saamin sakto naman at tumila na yung ulan. Kaya sabi ko sabay na kaming lumabas ayoko namang iwanan siya dito mag isa.

Pumara na kami ng tricy nung makalabas kami sa school tapos pinauna ko nalang siya ihatid.

Habang papunta kami sa bahay nila sumandal siya sa balikat ko, hindi ko alam pero ang sarap sa feeling. Gusto ko siyang yakapin. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko sarili ko diba? Kahit ngayon lang.

Inalalayan ko na yung ulo niya tapos pinatong ko sa dibdib ko sabay yakap sakanya. Di naman siya nagulat. Tumingin lang siya sakin.

"Thank you Dylan. Nilalamig kasi ako sobra. Pasensya na." Nginitian ko nalang siya.

Nung makarating na kami sakanila nag paalam na siya sakin. Nginitian ko nalang siya. Nakalimutan niya na rin ata ibalik polo ko. Sa totoo lang ginawin pa naman ako.

Napangiti nalang din ako pero last na yun. Ayoko na umepal pa sa buhay niya masaya na siya kay Alexis.

"Girlfriend mo ba yun?" Tanong sakin nung driver.

"Hindi po kuya."

"Sus deny pa ading. Halata naman e. Hahahaha." Halla si kuya abnoy.

"Hindi po talaga."

"Sabi mo e. Sayang naman ganda pa naman niya mukhang anghel bagay kayo."

"May boyfriend na po yun." Saktong pagsabi ko nun nandito na kami sa bahay.

"Kung ako sayo, aagawin ko yun. Sa nakikita ko gusto ka niya." Pahabol ni kuya bago umalis.

Napailing nalang ako na pumasok. Ako? Gusto nun? Sus.

Pagkatapos nun nag shower nalang ako tapos kumain at natulog na.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon