A/N: Hindi ko na lalagyan ng POV kasi puro ako nalang to. Pasensya na medyo matagal nakakatampo kasi e. Walang pagka-comment. :(
--
Christmas party na bukas hindi ko pa alam kung ano susuot ko. Syempre diba pag christmas party dapat pogi ka, dapat maganda ka, dapat dabest ka hahaha. Ganun na naging motto ng halos lahat ng estudyante diba. Kaya para naman hindi ako ma-OP kailangan ko rin mag ayos though alam kong pogi na talaga ako. Hahaha.
Kung kakamustahin niyo ako kung kamusta ako, okay lang ako. Kung kakamustahin niyo relationship ko ayon, nagsasawa na ako. Di ko talaga siya kayang mahalin. Pero tuwing binabalak ko siyang iwan lagi akong pinipigilan ni Lj kaya ayun. Nakokonsensya na nga ako e.
Kung kakamustahin niyo naman ako at si Colé? Ayon, okay naman kami. Medyo close na kaso yun nga may umepal na Angelo, ayun palagi parin silang magkasama nakakaumay na nga sila e. Palagi nalang silang magkasama. Kaasar.
Makapunta na nga lang sa mall nababadtrip lang ako pag naiisip ko yun.
Di ko parin alam kung anong isusuot ko. Ugh. Bahala na.
Diretso na ako ng Dept. Store, ang dami dami ko ng nasukat pero wala akong mapili. Ano ba yan. Sa bench na nga lang.
Pota ganon din wala din akong nagustuhan di ko na talaga alam. Last na sa Penshoppe, pag wala pa ayoko na.
Tingin dito. Tingin don then boom!
Yun na nga lamg black pants nalang ako na medyo ripped. Lol tapos mag long sleeve nalang me na white and then balik nalang ako ng dept store may nakita kasi akong shoes dun e. Ultra boost na white yun. Para matapos na. Di ko naman kailangan maging sobramg pogi e. Hahaha. Natural na.
Medyo malaki rin nagastos ko ngayon. Yaan na nga christmas gift ko na rin sa sarili ko.
After ko bumili umuwi nalang din ako, wala rin naman ako kasing magawa. Naghihintay nalang akong mag umaga para Christmas party na.
KINABUKASAN...
Hindi ako excited sa mga ganito. Kaya okay lang sakin kahit malate ako. 8 na nung nagising ako tapos idlip pa ulit, hahaha. Tapos nag bihis na tapos punta ng school.
Nandito na ako school. Sabi ko na nga ba may fashion show na magaganap ngayon dito e. Hahahaha.
Diretso nalang ako sa school pag tingin ko sa mga kaklase ko tind mga brad akala mo a-apply sa mga modeling agency e. Hahahaha. Lingon lingon ako hanggang sa makita ko si Colé na pag dating. Shet. Ang ganda niya talaga. Bakit ganun?
Simple lang din suot niya. See through na yellow, pants, tapos oxford shoes. Sht, dabest. Sa lahat ng babae dito siya talaga pinaka maganda e.
"Naks! Ganda natin ngayon a."
Syempre dapat kahit papano mabati ko rin siya, para may sense naman na nagpapogi ako. Hahahaha.
"Thank you. Ikaw din ang pogi mo."
Shet. Kikiligin na ba ako? Hahaha.
"Ikaw naman alam ko na yon tagal na."
"Hahahaha. Baliw ka talaga."
Sus siguro crush din ako neto. Hahaha.
"O asan yung aso mo?"
Himala kasi di naka buntot si Angelo doggy sakanya.
"Ha anong aso?"
"Haha. Si Angelo lol."
"Baliw. Haha. Baka na-late lang yun."
Lol, sana di nalang ako nagtanong. Hahaha. Dun din naman sa Angelo na yun bagsak niya e. Ts. Badtrip.
"Ah, okay. Punta muna ako sa labas."
Wala talaga ako sa mood medyo nahurt ako don.
"Uy Dylan, I mean it. Ang gwapo mo ngayon. Hahaha. Boyfriend muna kita haaa?"
Woah! Ano daw?! Shet.
"Baliw. Sige lang."
Kalmahan natin wag tayo pahalata.
After nun ayun lakad lakad kami. Sarap lang sa feeling kasi minsan nakakapit siya sa braso ko lalo na pag naglalakad kami kulang nalang isigaw ko na "Hoy! Girlfriend ko to at future ko to!" gagawin ko e. Kaso wala namang kami sadla. Haay.
Maya-maya lang nabadtrip nanaman ako. Pano naman kasi may asungot nanamang umepal. Sila nanaman magkasama. Ang matinde, sabay pa kumain. Magkatabing magkatabi. Sht lang. Nakakagago kasi ewan, nasasaktan ako ngayon. Sobra. I don't know why pero siguro malakas na nga talaga tama ko kay Colé pero wala akong magawa tang inang buhay na to. Wala na akong gana.
Mabilis nalang natapos yung Christmas party, sila nag enjoy ako nabadtrip. Ewan ko ba. Lagi nalang ganito tuwing si Colé ang usapan tapos may mga asungot. Di ko naman alam kung pano ko siya liligawan kasi hindi ko maintindihan ugali niya. Mamaya mabait siya, mamaya masungit na, mamaya close kayo, mamaya hindi na, mamaya sweet kayo, mamaya wala na. Masakit umasa sa wala. Di ko alam kung pano gagawin.
*toot* may nag text pa sino naman kaya to.
From Lj:
Bro, labas tayo. Kain tayo mcdo daw. Sige na bro. Christmas gift mo na kay Pau. Dito na kami.
Eto nanaman po kami sa ganyan. Tangna naman.
To Lj:
Ok. Punta nako.
Ayoko lang kasi kasama si Pau mamaya para nanamang tuko na kakapit kapit ayoko pa naman ng ganun.
Pagdating ko ng mcdo, nandun si Lj, Pau tapos yung volleyball player sa ibang school si Dj.
Ang alam ko may type to kay Paula bakit di nalang kasi ligawan e. Tsk.
"Kamusta bee?"
Zzz. Bee bee sht.
"Ice lang."
"Tara kain na tayo guys!" Lj. Nakahalata na siguro tong wala ako sa mood.
Ayun kain kain lang kami, kwentuhan konti tapos uwian na. Nakakapagod sobra tong araw na to tapos yung pain na nafifeel ko dahil kay Colé at sa aso niya nandito parin tae.
--
A/N: Medyo mabagal ako mag update ngayon kasi nag aaral na po akong mabuti para sa future namin ng baby ko. Yie. Hahaha. Pasensya na po sa story kung medyo boring wala pa kasi sa climax pero papunta na po malapit na.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...