Dylan's POV
After ng ilang buwan mas nagiging maganda at nakakairita ang takbo ng pag aaral ko dito sa PU. Nung una lang talaga hindi ko alam yung ibang rules. Meron kasi one time nawala yung baon ko lalabas sana ako kaso sabi nung guard di daw pwede lumabas kaya ayun, wala akong kinain maghapon. Super gutom na gutom ako pag uwi. Tapos tama nga ako na masungit yung adviser namen. Grabeee!!! Lagi nalang ako pinag iinitan ang sarap isipin na buntis siya at ako pinaglilihian dahil ang gwapo ko kaso hindi e. Sadyang masungit lang talaga. Lalo na yung bakla kong teacher. Nakakabadtrip sagad. Haay.
Papunta na akong school ngayon ang masaklap first subject ko Math. Yung teacher kong bakla nanaman. Male-late na ako. Bwisit! Kinakabahan na akoooo.
Nasa labas palang ako ng room tangna ang lakas na ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Tapos nung nasa tapat na ako ng room. Ayan na nagsalita na si sir.
"Late ka na Mr. Vaughne! Go to the POD and get a late slip or else I will not allow you to enter my class." Nakakatakot niyang sabi. Kaya dali-dali na akong pumunta ng POD tapos pag dating ko don ang dami pang pila. Kabadtrip.
After 10 min. Nakakuha na ako ng late slip at binigay ko na sakanya buti nalang di na siya nag salita.
Pagkaupo ko nasa harap ko yung kaklase kong babae na nakakalandian yung kaibigan kong si JC. Tapos nakipag kwentuhan ako maya maya tinanong ko siya "Uy Ava. Inaaya mo daw makipag date si Jc? Naks. Ibaaaa."
Bigla ba namang nagalit tapos sabi "Ang ingay ingay mo naman kung ano ano sinasabi mo. Sir si Dylan oh!"
"Ano nanamang kabalbalan ginagawa mo diyan Mr. Vaughne?! Get out!" Namumuro na talaga tong teacher ko na to. Bwisit. Pati na rin yung kaklase ko nakakairita!!!! Sobra!
Nung palabas na ako may pahabol pa si sir. "Late ka na nga kung ano-ano pang pinag gagagawa mo sa klase ko."
Great. Just great. First period na first period ganon inabot ko. No choice ako nandun lang ako sa labas ng room hanggang matapos klase niya. Buti nalang yung next period ko maganda teacher ko. Hahaha. Si Ma'am Trisha sobrang ganda niya grabe ang galing pa mag turo.
Nung next period na hindi pala kami magkaklase sakanya kasi mag p-PSEP daw kami yun yung mag sasalita kami sa harap it's either impromptu or memorize or babasahin namin yung nasa manual. Ayoko pamandin yun dahil pag nasa harap na ako tawa lang ako ng tawa dahil pinapatawa ako ng mga kaibigan ko.
Isa isa na silang nag sasalita sa harap tapos after ni Chester ako na. Medyo kinakabahan ako kasi di ko talaga alam pag ganito e. Maya maya pa ako na pupunta sa harap.
Nung ako ma hindi ko maiwasan tumawa kasi napapatingin ako mga kaibigan na nag me-make face para matawa ako. So habang nag i-start ako natatawa ako.
"Tim T-tarantino a fil-ipin-o hi-gh scho-ol stud-ent..." natatawa kong simula.
"Dylan could you please take it seriously?!" sabi ni ma'am.
"Tim.. Tarantino a filipino high school *laugh*" hindi ko na mapigilan kasi si Oj nilalabas niya dila niya habang pinapalaki butas ng ilong tapos tumatawa siya pati na ibang kaibigan ayan napatawa na ako.
"Okay that's it! Sit down Mr. Vaughne you got zero today!" ayan galit na rin si ma'am.
"But ma'am"
"I said sit down!" ayun no choice na ako. Umupo nalang ako haay. Wala na bang mas mamalas pa sa araw ko?! Umupo nalang ako sa upuan ko habang hinihintay mag break time.
Nung breaktime na umalis na ako mag isa sa room kasi sobrang badtrip na ako. Habang naglalakad ako papuntang canteen nakita ko si Colé. Naks. At least may isang taong nakapag paganda ng mood ko. Pero dahil di niya kasama si Crizza hindi ko siya nilapitan. Aba, marunong naman akong mahiya kahit papaano. Ang saklap nga kasi first and last talk namin nung nagkakilala kami di na ulit kami nag usap. Kaya lagi ko nalang siyang tinitignan sa malayo. Hoping na balang araw sana makausap ko din siya.
After ko pumuntang canteen pabalik na ako sa room namin tapos napadaan ako sa MH1 meron kasing sinasabi sila Patrick dun na maganda daw. Alyssa daw yung pangalan kaya triny kong makita kung sino siya and totoo nga sila maganda siya. Buti nalang may kapitbahay ako na kaklase siya kaya naitanong ko kung sino siya.
Habang tumatagal napapansin ko na madalas si Alyssa ang ganda niya kasi talaga. Maputi, matangkad, tapos ang amo ng mukha niya. Kaya lagi akong pumupunta sa room nila kunware si Gale ang kausap ko yung kapitbahay namen. Tapos ayun yung mga kaibigan ni Gale pinakilala na rin ako mababait sila tapos mostly mga babae kaibigan niya sila Nami. Minsan sakanila na rin ako sumasabay papuntang canteen tsaka kumain ng lunch may karinderya kasi sila Nami.
One time biglang lumapit sakin si Alyssa syempre nakakagulat kasi crush ko siya tapos biglang lalapit sakin. Tinanong niya kung anong pangalan ko syempre nagpakilala ako mabait naman ako e. Tapos habang tumagal medyo nakakasama ko na sila pumasyal pasyal mabait naman kasi sila. Tsaka maayos kasama funny din.
Minsan napag planuhan nila na pumasyal daw sa Shrine. So syempre it's an opportunity na makasama ko sila kaya ayun sinabi ko na sasama ako.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...