Chapter 17

36 2 0
                                    

OJ's POV

Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang 1st year palang kami, wala pa kaming kamuwang muwang sa mundo. Ngayon 3rd year na kami ilang taon na rin lumipas. Syempre kung itatanong niyo ako kung kami na ni Nami, malamang naging kami pero nag break din kami. Saklap diba? Kung itatanong niyo din si Stephen, Christian, at Garry wala na rin akong balita. Nabuwag yung banda simula nung nawala si Aly.

Kung itatanong niyo kung bakit malamang dahil kay Dylan, simula kasi nung nawala si Aly hindi na namin siya madalas nakakasama tuwing lalapitan namin siya hindi siya masyado umiimik. Malaki rin nag bago kay Dylan dati ayaw na ayaw niyan sa mga may bisyo pero nagulat nalang kami nung nakita namin siyang naninigarilyo malapit sa school namin tapos minsan nakikita ko rin siya na umiinom. Tapos balita ko rin papalit palit mga nagiging babae niya ginagawa niya lang collection lahat. Parang hindi ko na siya kilala, ganun din naman siya sakin. Nakakalungkot nga lang isipin talaga sayang yung pinagsamahan. Halos siya pa naman yung naging best friend ko. Di ko na rin kasi siya naging classmate nung 2nd year kami. Naging varsity na rin siya ng volleyball akalain mo yun may tinatago din palang skill si gago. Haha.

Nandito ngayon kami sa gym naghihintay ng announcement para sa magiging classmate namin at section. Ang tagal naman ng pangalan ko bwisit. Mala-last section nanaman ba ako? 😡

"Colé Chazzle Ricafort" Sabi nung teacher sa harap na mukhang masungit. Parang kilala ko yun? Narinig ko na ata yun e.

"Oj Teng"

Buti naman natawag na ako akala ko last section ako e. Hahaha buti nalang 2nd to the last lang. Orayt. Hahaha.

Uy, ang ganda naman netong nasa harap ko eto ata yung Colé e. Magpapapansin nalang muna ako. Haha.

"Hi!" Masayang bati ko sakanya. Aba hindi manlang ako kinibo isnabera si ate. De waw.

"Dylan Chandler Vaughne"

Sabi nung nag a-announce aba ayos! Kaklase ko ulit siya. Kamusta na kayo to? Tagal ko ng di nakausap to e.

"Oy pare, kamusta? Kilala mo pa ba ako?" Pabiro kong sabi sakanya.

"Loko, oo naman. Okay lang ako ikaw ba kamusta?"

Uy, nakakausap na siya siguro okay na to. Hindi na madrama sa buhay.

"Ako? Ayos lang naman. Sino pala girlfriend no ngayon?" Pahabol kong tanong.

"Ay oh, chismoso ka rin talag no? Haha. Di mo kilala bro taga ibang school."

Iba din karisma ni gago kahit sa ibang school nakakabingwit. Sabagay varsity e. Naglalakad na kami papuntang classroom ng mapansin ko si Dylan na pasimpleng tumitingin kay Colé at iiwas ng bigla akong may naalala na sinabi sakin ni Dylan dati.

"Meron nga pala akong nakilala. Ganda niya. Crush ko na nga ata siya e." Eto yung panahon na kadarating niya sa room.

"Landi neto. Ano pangalan?" Tanong ko sakanya.

"Colé Ricafort. BH2. Sayang nga e, ang layo."

Aha tang inang yan. Kaya pala familliar sakin yong pangalang yon crush niya nga pala yon! Putspa, ano kaya magaganap? Hahaha.

Dylan's POV

Woah, hindi ako makapaniwala na naging kaklase ko yung matagal ko ng crush. Yea yea, kahit na kami ni Aly dati crush ko pa rin si Colé di niyo ako masisisi maganda siya e. Parang anghel.

Nandito na kami ngayon sa classroom at isa-isa ng nagpapakilala. Halos lahat ng kaklase ko kilala ko yung iba lang hindi mga bagong mukha. Nandito nanaman tayo sa pakilala pakilala buti nalang wala ng expectations yung gusto lang mangyare sa loob ng room. Nakatingin lang ako sa mga nagsasalita sa harap hindi ko na tinatandaan yung mga pangalan nung iba. Katamad.

"Oj Teng here, pogi ako. Yun lang."

Tukmol talaga yon feeling pogi parin. Hahaha. Nakakatuwa naman na kaklase ko ulit to ngayon medyo kailangan ko din bumawi sakanya. May kasalanan din ako e. Pero ngayong okay na ako at naka-move on na ako sa madilim kong nakaraan kailangan kong bumawi. Naging gago din kasi ako e. Natuto ako mag bisyo at manggago ng mga babae pinangako ko sa sarili ko na hindi ako titigil sa panggagago hanggang hindi ko nagago yung pumatay kay Aly. Kaya sa tuwing may nagkakagusto sakin pinapafall ko pag nafall na iwan ko na wala akong pake sakanila di sila mahalaga sa buhay ko.

"Cj Gregorio. Be nice to me or else I'll kill you. Hahaha. Jk!"

Medyo siraulo to pero feeling ko matapang to.

"Jonas Espiritu, just be good to me."

Tang ina. Hahahahaha. Parang kambal ni Oj parehong mapayat at mukhang butiki hahaha.

"Tyra De Vera, small but terrible here. Beware."

Parang abnoy naman yang babaeng yan. Zzz

"Cathy Rivera, sana maging close tayo lahat."

Mukhang bitch itsura ng isang to.

"Judy Galang. Pakabait kayo sakin please."

"Julie Galang. Oo, kambal ko yon si Judy. Wag na kayong mag tanong pa. Obvious naman."

Nice, may kambal pa kaming kaklase mukhang parehas na tahimik yung dalawa.

"Ken Miguel. Sana hindi sumakit tiyan niyo sa katatawa sakin. Hahaha. Joker ako e. Lol."

Kahit ngongo tong si Ken mukhang masarap siyang kasama. Hahaha. Tsaka naiintindihan naman yung salita niya.

"Angelo Carreon. Wala akong pakealam sainyo kung ayaw niyo sakin ayoko din naman sainyo."

Zzz. Ang yabang talaga ng gagong yan. 1st year palang bwisit na bwisit na ako diyan e. Kairita.

"Colé Chazzle Ricafort, Colé nalang tawag niyo. Sana maging mabait kayo sakin."

Hay, ang lambing ng boses niya. Sarao sa tenga. Tinde ng babaeng to. Simula first year ako crush ko na to. Hanggang ngayon crush ko parin.

Ako na pala susunod magpapakilala. Naglakad na ako papunta sa harap pero nakatingin parin ako kay Colé.

"Dylan Chandler Vaughne, Dylan nalang."

Yun lang sinabi ko tapos diretso na ako sa upuan. Nagpakilala na din adviser namin tapos nagpa-activity lang siya ng kung ano-ano tutal first day palang naman. Maaga rin kami dinismiss dahil wala pa daw gagawin pero nagpa-assignment na siya para bukas daw mag start na ng discussion tinde!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon