Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung pasukan. Akala ko nung una magiging boring kasi wala akong kakilala. Akala ko wala akong magiging kaibigan pero ayos naman kasi meron.
Break time ngayon pero dahil maraming tinatapos mga kaibigan ko naisipan ko nalamg puntahan yung mga kaklase ko nung Elem ako. Dahil medyo malayo room nila nakakapagod mag lakad buti nalang nakasalubong ko na sila.
"Oy Crizza. Kamusta?" sabi ko kay Crizza.
"Ayos naman. Ikaw ba?"
"Ayos naman. Daya nga napag iwanan niyo ako nandito kayo lahat. Sa BH (Blue Hall) santalang ako MH. Haay."
"Hahaha. Kawawa ka naman. Kaklase ko nga pala si Colé Chazzle Ricafort pero Colé tawag namen sakanya o kaya Cols" pagpapakilala niya sa kasama niya.
Tapos tsaka ko lang narealize na may kasama nga pala siya and sht. Ang ganda niya. Di siya ganun ka-perfect but hell, ang ganda niya. Crush ko na ata siya. Hahaha.
"Ay hello. Dylan Chandler nga pala. Dylan nalang." sabi ko sabay shake hands at shet. Ang lambot ng kamay niya. Halatang tamad. Hahahahaha. Jk. Halatang mayaman tsaka di nauutusan sa bahay nila.
"O pano Dy, una na muna kami. Gutom na ako e." sabi ni Crizza.
"Ay o sige. Pasabay nalang din ako, wala kasi akong kasabay e."
Naglakad na kami papuntang canteen. Habang naglalakad di ko maiwasang mapatingin kay Colè. Ewan ko ba, ang lakas ng tama ko agad sakanya. Mangkukulam ata to e. Nagayuma agad ako. Hahaha. Tapos nung nasa canteen na kami bumili lang kami tapos bumalik na rin sila sa room nila kaya no choice ako bumalik nalang din ako sa room namin.
Pagkadating ko sa room nilapitan ko yung mga kaibigan ko para makipag kwentuhan sandali.
"Oj!" sabi ko sa kaibigan ko. Katabi ko rin upuan niya kasi maka alphabetically arrange. Teng kasi last name niya.
"Oh Dylan san ka galing?"
"Dun lang sa dati kong kaklase." sabi ko. Sabihin ko kaya na may nakilala ako? Hmm. Wala naman sigurong masama.
"Ah. Di pa ako kumain. Dami kong tinatapos. Penge ako." sabi niya.
"Sure sure. May nakilala nga pala ako kanina. Ganda niya. Crush ko na ata siya. Hahahaha." sabi ko.
"Ay malandi. Hahaha. Sino naman yon? Anong room?" tanong niya habang tinatawanan ako.
"Colé Ricafort. BH2 room. Sayang nga e. Ang layo."
"Utot mo. Hahaha tang ina neto kalandi mo."
Wala talagang kwenta kausap yang gagong yan. Hay nako. Minura pa ako. Bawal na ba magka crush ngayon? Haay. Hahaha.
After nun hindi na kami nag usap kasi nag time na. Tsaka dumating na yung teacher namin kaya nakonig nalang kami hanggang sa nag uwian na.
Pag dating ko sa bahay gumawa lang ako ng mga assignment dahil sinisipag ako tapos kumain tapos natulog na.
A/N: Hanggang dito nalang muna. Kapag may nag like, comment, at vote kahit 3 lang itutuloy ko pa. Medyo mahirap kasi gumawa ng story lalo na kapag walang pumapansin. Huhuhu.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...