Chapter 6

39 5 0
                                    

Dylan's POV

Luh. Grabe. Hindi ako pinapansin ni Aly nakakainis naman kasi e. Dapat hindi ko nalang siya inasar kanina. Nakakabadtrip talaga oh. Ang saya saya naman kanina. Minsan bobo ko talaga tumiming e.

Tinititigan ko siya habang kumakain kami. Di ko maiwasang isipin na hinawakan ko kanina braso niya. Fck. Grabe may spark. Para akong nakuryente ang sarap sa pakiramdam tapos parang may gumagalaw sa tiyan ko. Yun ba yung tinatawag nilang butterfly sa tiyan?

Mamaya kakausapin ko na talaga siya hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Ayokong magalit pa siya ng mas matagal saken.

After namin kumain nanguha ako ng rose dun sa may garden. Bawal pumitas but I need this baka sakaling mapatawad na niya ako.

"Aly. Sorry na oh. Eto oh, rose para sayo." nakayuko kong sabi.

"Hay nako. Oo na, oo na." pag tingin ko sakanya nakangiti siya tapos parang namumula. Halla, baka may sakit na siya.

"Huy. Bakit ka namumula diyan? May sakit ka ba?!" sabay hawak ko sa noo niya. Ayan nanaman yung parang kuryente. Ano ba kasi yun?!

"A-ah, e-eh. Wala! Mainit lang kasi. Tama yun. Mainit!" Halla, e bakit nauutal to kung wala?

"E bakit ka nauutal? Sure ka ba? Gamot? Kailangan mo ng gamot?" Nag aalala na ako.

"Naku. Hindi na. Okay lang talaga ako. Baliw." nakangiti niyang sabi.

"Okay. Sabi mo yan e. Number mo nga pala. Hanggang ngayon wala pa akong number mo e." Totoo yun. 2 months ko na siyang kilala wala parin. Hahaha.

"Akin na yang phone mo."

Inabot ko naman syempre agad yung phone ko.

"O ayan sinave ko na number ko. Aly lang sinave ko. Magpakilala ka nalang di ako nag eentertaim ng di ko kakilala e." Papalitan ko to mamaya syempre. Hahaha.

"Thanks. Thanks."

"Hoy love birds. Hahahaha. Tara na. Alis na daw tayo." sigaw samin ni Coleen. Hay nako ang bully talaga ng mga to. Medyo abnoy. HAHAHA.

"Sige. Sunod na kami." sabi ko.

Naglalakad na kami papuntang sakayan ng tricy. Syempre mga bata pa kami kaya hindi pa kami inaallow na mag drive ng kotse. Haha.

Habang pauwi kami tingin lang ako ng tingin kay Aly tapos pag titingin siya syempre titingin ako sa iba. Hahaha. Nung makarating na kami sa bahay. Nagpaalam na ako.

"Oy sige. Ingat kayo!" sabi ko.

"Ingat sila samin kamo!" sigwa naman ni Nami. Baliw talaga mga yon.

Pag pasok ko ng bahay pumasok agad ako sa kwarto tsaka kuha sa cellphone ko papalitan ko yung pangalan niya. Hmm, ano kaya maganda?

Baby? Hindi, masyadong common. Loves? Hindi hindi. Ang baduy nun. Babe? Iss. Korni din yun e. Bee? Hindi naman siya mukhang bubuyog!

Haay ano ba yan. Ang hirap naman mag isip.

After 5 min nakaisip na ako. Hahaha. Text ko na nga siya.

To: My Everything ♥

Nakauwi ka na po? -DylanPogi

Hahahaha. Yea, my everything nilagay ko. For me kasi she's my everything. Naks. Hahaha. Kinikilig ako pota. Ambakla!

From: My Everything ♥

Sl. Opo, kadarating ko po.

To: My Everything ♥

Naks ang bait mo naman po.

Hahahaha ang bait sa text. Akala mo ang galang.

From: My Everything ♥
Edi wag. Tse!

Kita mo tong babaeng to. Napaka moody. Hay nakooo.

To: My Everything ♥

Halla. Kita mo to. Ang sungit sungit mo nanaman. Joke lang e.

From: My Everything ♥

Hahaha. Okay lang. Niloloko lang kita. 😝

To: My Everything ♥

Sama rin talaga ng ugali mo no? Ano na palang oras mo?

From: My Everything ♥

6:23. Wala ka bang orasan diyan? Ano ba yan.

To: My Everything ♥

Meron po. Akala ko kasi oras na para mahalin mo ako e. Hahahahaha. Oh, wag kang kiligin. Joke lang yan.

From: My Everything ♥

Duh. As if naman. Buti sana kung yung crush ko nagsabi kikiligin talaga ako.

Aww. Sakit naman nun. May crush pala siyang iba. Nag eenjoy pa naman ako katext siya tapos biglang ganun. Kailangan ba talaga isingit pa sa usapan yung crush niya? Hayy.

To: My Everything ♥

Ah okay. Sige, shower lang ako.

Nawalan ako ng gana nakakainis. Bakit kasi kailangan pang isali yung crush niya. Respeto sana diba? Haay. Magpapahinga na nga lang muna ako. Bahala na muna siya nagtatampo ako.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon