Dylan's POV
Tapos na laban. Grabeeeee. Sulit yung pagpa-praktis namen ng matagal, sulit lahat ng pagod. Kasi CHAMPION KAMI!!! Orayt. Hahaha. Ilang araw din ako nawalan ng time kasi grabe talaga nagbabyahe pa kami ng one hour para sa place ng event. Nung first day nag parade lang kami tapos nanood ng anong tawag sa may mga baton? Basta yon. Haha.
Second day, dun na nag start yung laban tatlong team yung sunod sunod na kinalaban namen grabe nakakapagod pero sulit kasi kahit papano may mga nag eenjoy panoorin kami tapos may mga nagchi-cheer din samin pero shet, ayoko ng chinicheer natatawa kasi nawawala ako sa focus maglaro pag ganon. Hahaha. May mga nanguha din ng number ko pero di ko binigay kasi ayoko. Wala namang dahilan para ibigay ko. May Colé naman na ako e. Speaking of Colé ghad I miss her so muchhhhh. 😞
Last day na ngayon awarding nalang. Nakakatuwa lang talaga kasi lakas ng hiyawan ng mga babae pag kami yung team na tinatawag. Haha.
After awarding balik na kami sa school. Nalaman ko na di pala pumasok si Colé pero nakasabay din namin siya umuwi nakakainis nga lang kasi naka shorts siya. Haaay pero yaan na wala nako magagawa e.
At last di na rin ako busy, lagi kong kasama si Colé/Cols nalang tawag ko sakanya para mas cutie. Hahaha. Sabay kami kumain pag break time sabay din kami umuwi.
Si Paula? Wala na ako as in pakealam don ni hindi ko na nga siya kinakausap e. Naiirita na ako, ayaw akong hiwalayan hindi ko na nga pinapansin.
Alam niyo yung nakakabadtrip? Nalaman ko na inaway away pala ng Paula na yon si Colé na inaagaw niya daw ako sakanya WTH. HINDI NIYA AKO PAG MAMAY ARI! Galit na galit ako sakanya. Nagagalit din siya kasi daw inaagaw ni Colé si Lj sakanya na best friend niya. E ayaw na nga siya. Si Lj naman kasi ni hindi manlang sabihin kay Paula na tama na itigil na niya. Alam naman niya yung samen ni Colé e.
"Cols, ano ba nangyari sa away niyo ni Paula noon? Hindi ko alam yun e. Kwento mo naman oh."
Kahit ayaw niyang ikwento napilitan siya kasi syempre kailangan ko din malaman yun.
COLÉ'S POV
Kung kelan matatapos na yung week saka naman ako nag kasakit. Kakagagaling ko ng hospital para sa check up ko. Nag trigger na naman kasi yung asthma ko. Dumiretcho kami ni mommy ng school para kumuha ng absent slip ko para wala na akong iisipin next week pag pasok ko. Saktong mag reretire na ng flag nung makuha ko ang slip. Dumiretso ako sa linya ng section namin.
"Magaling ka na ate Colé?" Bungad sakin ni Oj. Halatang halata yung pagka excite sa muka nya. Baka may bago na naman syang kwento.
"Oo. Papasok nako sa monday." Sagot ko habang itinaas ko ang slip ko pruweba na papasok na nga ako.
Mabilis na tapos ang mga araw at sumapit na nga ang monday. Back to normal na naman ako matapos ang long weekend ko dahil nag kasakit ako. Nakakainis lang kasi kung kelan kapapasok ko ulit ay may nangyaring hindi maganda.
From: Unknown Number
Mang aagaw ka na ng best friend pati ba naman si Dylan? You whore.
Literal ako natigilan sa nabasa ko. Hindi nako mag tataka kung kanino nanggaling to. Si Paula lang ang alam kong may galit sakin dahil napalapit ako kay LJ at kay Dylan.
To: Paula
As far as I know si Dylan ang lumalapit sa akin. At walang masama kung maging kaibigan ko din si Lj.
Pakiramdam ko nag iinit ang pisngi ko sa sobrang galit. Sabihan ba naman ako ng whore? Buto nalang talaga meron si Jonas para pakalmahin ako.
DYLAN'S POV
Naiirita na ako lalo kay Paula, after namin mag hiwalay ni Colé tinext ko na si Paula.
To: Paula
Ayoko na. Let me go. I don't love you. I never love you.
Fr: Paula
NO!! Please Dylan. Please. Wag naman.
To: Paula
Ah basta. Ayoko na. Bahala ka sa buhay mo.
Sht lang kasi ayaw pa akong pakawalan e. Tumatawag siya pinapatay ko tapos nagtext nanaman na hindi daw kami mag bebreak. Not today, not tomorrow, not until she give up daw. Bahala siya sa buhay niya. Ewan ko na bwisit. Ayoko namang pagsabayin sila ni Cols, nakikipagbreak na ako pero ayan siya iyak ng iyak tapos si Lj pa ayaw niya na iwan ko si Paula naaawa daw siya. Hay bahala siya sa buhay niya. Basta ako kay Colé lang ako. Kung may tao man na pwede umangkin sakin si Colé yon wala ng iba.
Ilang araw nalang malapit na pala birthday ko. Di ko ba alam kung mae-excite ako o ano. Hahaha.
Jan 22
Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Naaawa na ako kay Paula kasi lagi nalang umiiyak sakin. Parang feeling ko magpapakamatay na yun dahil saken e. Nakakatakot lang kasi grabe. Pero si Cols mahal ko. Mahal na mahal ko siya. Medyo natatakot din kasi ako baka hindi din sesryoso si Colé sakin kasi lagi kami magkaaway dati hindi lang basta away inis na inis pa siya saken. Iniisip ko baka pinagtitripan niya lang ako, haay. Kakausapin ko siya mamaya. Lunch kasi wala sila nila Ollen di nga ako nakasama kasi si Lj kasama ko e.
Pag pasok nila sa room nakita ko agad yung bear na hawak ni Jonas expected ko ng ibibigay sakin ni Colé yon. Di ko alam shet. Nahihirapan ako siya naman talaga mahal ko e. Naawa lang ako kay Paula tang ina kasi di pa mag let go e.
"Colé."
"Hmm?" Tangna. Pano ba to? Haay.
"Ah, kasi.. Ano.. Ano e. Kasi.."
Tang ina! Parang dinudurog yung puso ko.
"Ano nga yon?"
"Kasi hindi ko alam kung ano.. Kung itutuloy ko pa ba manligaw sayo."
"Ah okay."
Tangna gusto ko ng umiyak nasasaktan ako ng sobra.
"Basta bukas malalaman mo kung ano sagot ko. Okay? Sorry."
Di na niya ako kinausap. Alam ko kahit di niya sabihin nasaktan ko siya nakikita ko sa mata niya. Nagkakasakitan kami. Sht na buhay to.
Birthday ko na. Hindi ko alam wala ako sa mood. Napagalitan ako ni mommy hindi niya ako pinapansin tapos binato pa sakin ni daddy yung pera kasi nga sabi ko cash nalang yun nga lang wrong timing ako manghingi kasi nagmamadali siya ayaw pa naman niyang may umiistorbo sakanya pag ganun. Hindi ko nalang pinansin.
Papasok na ako ng school pag dating ko wala pa si Cols baka late siya uuwi nalang din ako haay. Malapit na ako sa gate nung nakasalubong ko si Colé tapos inabot niya sakin slipper ko hiniram niya kasi nung nag praktis kami. Nung nakita ko siya gumaan pakiramdam ko and I know na kung ano dapat gagawin ko.
"Colè, hindi ako titigil ligawan ka."
Nag smile lang siya sakin. Pero okay na yun. Babalewalain ko nalang talaga si Paula wala naman akong pake don bahala na siya sa buhay niya.
Nung break time binigay na sakin ni Colé yung bear. Naks, ang sweet naman. Haha. Hindi nako makapag hintay na maging girlfriend ko na tong babaeng to. Kasi real talk, sakanya palang sobrang saya ko na. Never kong naexperience yung ganitong kasiyahan kahit kay Aly.
A/N: Ayan guys, binigyan ako ni girlfriend ng POV niya sa nangyare. Hahaha. Baka magtaka kayo kung bakit alam ko e. Comment na guyss. Pampa-inspire!
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...