Dylan's POV
Araw araw kami magkasama ni Colé, sabay mag meryenda, sabay kumain, at magkatabi. Minsan nakakairita lang kasi hindi ko maiwasang hindi mag selos lalo na pag umaaligid si Angelo sakanya. Wala naman akong magawa di ko pa naman girlfriend pero kahit papano okay lang masaya na rin ako kasi alam kong may chance ako sakanya.
January 27
Ngayon ko na gusto siyang maging akin ng tuluyan. Ano ba dapat kong gawin? Shet. Di ko alam. Nahihiya ako na ewan. Hahaha bahala na.
Tinext ko siya na tumawag siya. Maya-maya lang tumawag na.
Nakakabading. Hahaha. Hindi ko alam kung panong approach gagawin ko shet.
"Bakit?"
Luh. Bat ganun sobrang kabado ako.
"Tayo na. OO HINDI?"
Wtf Dylan! Anong katangahan yan?! Ang galing mo. Idol na kita. 😡
Sobrang kinakabahan nako. Shet.
"Oo"
Oo daw Dylan. A-ano?! Oo daw?! Meaning girlfriend ko na siya?! Teka, teka.
"Talaga?! Talagang talaga?!"
Tang ina. Di ako makapaniwala talagaaaa!
"Oo"
Sarap sa feeling! Grabe na ituuu! Hindi ko ma-take. Grabe talaga. First time kong natuwa dahil sinagot ako ng babae. Grabeee.
"Gawa mo?" Para hindi ako masyado halata. Hahahaha. Lam niyo na hindi ako nasanay na ganito.
"Kagigising"
Ano daw?! Kagigising?! Samantalang magkatext lang kami kanina. Parang feeling ko ginagago niya ako. Haay.
"E? Katext lang kita kanina tapos kagigising mo?"
"Nakatulog ako"
Hindi parin ako naniwala. Ewan ko ba.
"K."
Pinatay ko dahil medyo nabadtrip ako. Pero fck brothers and sisters sobrang saya ko todaaaaay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang kilig ko. Pero pota naalala ko nanaman si Paula hindi ko alam kung pano ko siya i-break. Nakokonsensya ako sobra feeling ko ako na pinakamasamang tao dito sa mundo. Pero bahala na, isa lang ang alam ko MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO SIYA. 💞💞
Hindi ko lang talaga kasi alam kung paano ko ibebreak si Paula dahil ayokong magalit saken si Lj. Alam niyo yun? Nakakainis kasi napilitan lang naman akong ligawan siya kasi yun gusto ni Lj e. Bespren ko yon mau choice pa ba ako? Haay ni hindi ko nga manlang nagustuhan yon e.
Habang tumatagal lalo akong naiinlove kay Cols lalo ko siyang minamahal lalo akong nahuhulog sakanya. I know I'm still young para sabihin to pero sht lang iba kasi e. Pero siya na talaga, nafeel niyo na ba yon? Yung gusto niyo siya na poreber niyo, siya na kasama mo hanggang makapag tapos ng pag aaral, magkatrabaho, magkabahay, magkaanak, at tumanda na magkasama?
Tawanan niyo na ako kung gusto niyo, pero yun talaga gusto ko e. Baduy man, corny man pero ayos lang ganun gusto ko e.
January 30
Orayt. Walang pasok ngayon pero magkikita kami mamaya Nila Colé kasi magpapraktis kami para sa English namen. Ano na kasi tawag don? Basta yun. Hahaha. The Congo yung papraktisin namen e.
Nung nandun na kami sa gym nila Colé iba pakiramdam ko, feeling ko sinusumpong ako ng sakit ko. Di ko ba alam kung ano to pero kasi laging sumasakit yung balikat ko sobrang sakit pa. Nakakainis naman e. Wrong timing badtrip. Pero buti nalang meron akong sobrang bait na girlfriend na inaalagaan ako. Sa simpleng bagay na yun sobrang saya ko na sobrang na-appreciate ko yon. Sobrang saya ko, iba. Ang sarap sa pakiramdam. Ayoko ng matapos pa tong pakiramdam na to.
Maaga nagsiuwian mga kaklase namen tapos naiwan kaming dalawa ni Colè. Nagkaroon na ako ng chance para makausap siya at masolo. Oh baka kung ano isipin niyo, hindi ako manyak. Gusto ko lang talaga siyang nasosolo mas comfortable ako.
Nasa dressing room kaming dalawa nakaupo ako sa lap niya tapos nagpapakiss ako sakanya sa cheeks. Hahahahaha ang sarap ng dampi ng lips niya sa pisnge ko nakakaadik tapos nung pauwi na kami ninakawan ko siya ng halik dapat sa pisngi lang kaso lumingon siya saktong sakto sa lips ko. Tang ina sobrang sarap sa feeling. First time ko to, para akong nakuryente. Grabeee. Naging kami nga dati ni Aly pero hanggang cheeks lang kami nagkikiss.
Nakauwi na ako di ako makatulog sobrang kinikilig parin ako di ko maimagine na nag kiss kami sa lips. 🙈
February 4
Hindi ko na siya kaya lokohin, kahit pa sabihin naten na hindi ko naman na kinakausap si Paula at matagal na akong nakikipag break ayoko parin yung ganito gusto ko kay Colé lang ako. At isa pa ayokong masaktan pa siya dahil kahit hindi niya alam na merong Paula masasaktan ko siya. I decided na ibreak na si Paula kahit ayaw niya, kahit ano pang gawin niya at kahit magalit pa si Lj saken. Hindi ko na kayang saktan pa si Cols, mahal na mahal ko siya e.
Tinext ko na si Paula, sabi ko magkita kami nung nagkita kami tinapos ko na lahat sa amin. Kahit na parang wala lang naman sakin umiyak siya, pero walang dating sakin yon nilayasan ko na siya pagkatapos ang ayokong makitang masaktan at umiyak ay si Colé.
February 6
Hindi ko alam sasabihin ko kay Colé sobra akong kinakabahan, natatakot ako pero ayoko ng patagalin pa yon, hindi ko siya kayang lokohin kaya inamin ko sakanya na kakabreak lang namin ni Paula mas maganda ng ako mag sabi kesa sa iba niya pa malaman baka iba pa sabihin sakanya mahirap yon. Pero hindi ko na sinabi na nung 4 pa kami nag break basta ang mahalaga naging totoo ako sakanya. Akala ko iiwan niya na ako nung sinabi ko yon sobrang natatakot ako parang guguho na mundo ko grabe. Ang nakakagago pa nasa likod namen si Paula at yung mga kaibigan niyang asungot nakakairita.
Nag usap kami, ang sabi niya pagantihin ko siya para makabawi na pero sht lang hindi. Ayoko. Baka mawala pa siya saken di ko kaya. Naiiyak ako sobra. Ramdam ko din yung sakit na nararamdaman niya naiinis ako sa sarili ko pota ayoko siyang saktan pero nasasaktan ko siya ang gago ko, ang bobo ko puta.
After nun, kahit hindi naman masakit likod ko sinabe kong masakit bahala na sana umepek tong pag iinarte ko dito ko malalaman kung mahalaga nga ba ako sakanya at kung mahal niya nga ba talaga ako at kung kaya niya pa ba ako tanggapin.
At kahit ganun nga nangyari, nag care parin siya, tanggap niya parin ako kasi religion subject namen tapos about love topic namen tapos sabi niya
"Kahit na nakagawa man sayo ng kasalanan kung mahal mo siya at tanggap mo siya handa mo siyang patawarin at bigyan pa ulit ng pagkakataon"
Tuwang tuwa ako nung narinig ko yon at ipinangako ko sa sarili ko na kahit kelan hinding hindi ko na hahayaan pang maulit yon. Kahit kelan hinding hindi ako hahanap o titingin sa iba. Hindi ko siya kayang saktan, hindi ko na kaya pang makitang ganun siya, hinding hindi ko na rin hahayaang mawala pa siya saken. Minsan lang ako nagkaganito at nagmahal ng sobra sobra pagkatapos ng nangyari dati.
A/N: Sorry, late update medyo busy po kasi e. Pasensya. Hanggang ngayon wala parin kayong pagka-comment at vote. Grabe. Nakakasad naman. Tulungan niyo naman ako. Huhu. May pustahan kami ni girlfriend dibaaa? Dali na. Treat ko kayo pag nanalo ako. 😂
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...