Dylan's POV
3 weeks nalang mag start na foundation. Sobrang busy namin kasama yung banda ko kasi makiki battle kami. Hindi ko na masyado nakakasama mga kaibigan ko tsaka wala na rin akong time sa sarili ko. Kawawa naman ako. 😞While walking papuntang gym nakasalubong ko si Alexis tsaka si Aly na magkasama. Yumuko nalang ako para hindi nila mapansin.
"Okay na tayo ha?" Alexis.
"Oo na nga." Aly.
Wow ha. Ang sweet a. Edi sila na. Ha ha. Dumiretso nalang ako sa gym at hindi nalang sila pinansin. Pagdating ko sa gym nandito na mga kabanda ko.
Si Oj siya drummer namin, kahit patpatin to tsaka mukhang butiki matibay to mag drums, si Christian naman sa bass, Stephen sa rhythm, Garry sa keyboard, tapos ako naman sa lead tsaka vocalist. Minsan nagbaback up sila Garry at Stephen sakin.
Kahit kelan lang nabuo yung banda ang gaan na agad ng loob ko sakanila, makukulit kasi sobra e. Yung mga walang hiya ganun. Haha.
"Dylan, ano ba mga balak mong kantahin. Paiba-iba tayo e. Ang kukulit niyo kasi. Hampasin ko kaya netong drum stick ko e." Medyo naiinis na sabi ni Oj.
Hahaha. Totoo naman kasi every day nga kami nagpapraktis, paiba iba naman ng kanta.
"Ano ba gusto niyo? Ako sure na dun sa Lips of an Angel ng Hinder. Dapat mag OPM din tayo para naman mas maganda." Opinyon ko.
"Oo, tama mag OPM tayo. Kantahin natin yung Isang Tulad Mo ni Tj Monterde tapos yung last song yung Without You ni Aj Rafael." Garry.
"Yun na, bale first song natin yung Lips of an Angel, back up kami ni Garry don pati na sa Isang Tulad mo. Tapos sa Without You solo mo dun Dylan." Stephen.
"Edi kung ganyan sana ang ayos diba?" Oj. Hahahaha. Pikon talaga tong gagong to.
"O sige deal na ako diyan. Tara ng tabing ilog? Dun nalang tayo mag praktis."
Habang naglalakad kami palabas ng school biglang nag salita tong si Oj.
"Dylan, kilala mo ba yung babaeng yun?" Sabay turo dun sa babaeng nakaupo sa ilalim ng puno.
"Bakit?"
"Ang ganda niya pre. Crush ko na ata siya." Nagniningning na yung mata ni Gago. Hahaha.
"Oo, kilala ko yan. Si Nami yan kaklase ni Aly. May number ako niyan gusto mo?"
"Oy best friend, akin na dali." Aba, biglang best friend a. Gagaguhin ko nalang muna to.
"Ulul, ayoko a. Magalit pa yan ay."
"Hindi yan, pogi naman ako e. Sige naaaaaa."
Hindi ko siya pinansin.
"Napakadamot mo naman e. Sige na pleaseeee. Ililibre kita kahit ano! Gagawin ko kahit ano gusto mo!" Desperado ang gago hahaha.
"Talaga?" Hamon ko.
"For my love, yes yes. I will!" Aba. Determinado.
"O sige. Pero saka na yung papagawa ko kapag may naisip na ako, sa ngayon wag muna."
Binigay ko na number niya, feeling ko di naman magagalit yun si Nami tsaka isa pa wala namang boyfriend yun. Hahaha. Kahit naman payatot tong si Oj may itsura din naman to. Mukhang intsik pa, maputi.
"Ano kaya una kong sasabihin?" Oj.
"Sabihin mo "Baby, marry me" tapos pag nag yes. O diba iba?!" Stephen.
Hahahaha. Iba rin talaga mag isip tong ungas na to.
"Wag ganun, baduy naman! Mag hi ka lang muna. Dun nagsisimula yon pare." Christian.
"Hoy! Luma na yon tanga! Rekta na agad dapat para di na mahirapan. Wag kayong tumulad sa kaibigan natin na girlfriend na sana, pinakawalan pa." Gago tong Garry na to pinapatamaan ako.
"Hindi ko kasalanan na may iba siyang gusto gago." Totoo naman e. Iba gusto niya bakit sana ako eepal diba?
"Sino ba gusto niya?" Oj.
"Yung Alexis."
"Sinong Alexis? Yung maputi na mukhang wala ng dugo? Yung mukhang anak mayaman?" Garry.
"Oo."
"Ay bobo! Ang alam ko boyfriend yun ng kaklase ko e." Garry.
"Gago, tinawag ngang baby si Aly tapos sabay na daw kumain sa canteen tapos nakasalubong ko kanina tinatanong kung bati na sila."
"Bobo ka talaga. Ang alam ko magkababata yung dalawang yun pero walang gusto si Aly dun, si Alexis lang meron pero paulit ulit binusted ni Aly yon." Garry.
"Aba, alam na alam. Tsismoso ka talaga no?" Oj.
"Gago, narinig ko lang yun na pinag uusapan nila Chelsey tapos mga kaibigan niya. Yun yung girlfriend ni Alexis."
"Seryoso ba yan?" sabi ko.
"Oo nga. Tanga tanga mo kasi e. Halata namang type ka rin nung si Aly umaarte ka pa." Garry.
"Lul, malay ko ba kasi."
"Kung ako yan, gagawa na ako ng paraan para maging kami." Stephen.
"Pano? E hindi na nga ako nagpaparamdam sakanya. Baka nga di na ako kilala nun. 2 months na akong walang paramdam. Di na ako gusto nun." Malungkot kong sabi. Hindi ko naman kasi alam. Nasaktan lang naman ako e. Kasalanan ko ba yun?
"Yan kabobohan mo kasi. Gumawa ka ng paraan a. Mag effort ka." Christian.
Tumango nalang kami. Nandito na rin kasi kami sa tabing ilog. Nag set up na kami tapos nag practice na kami. Medyo magulo isip ko kaya minsan nagkakamali ako. Ang bobo ko kasi. Nanghihinayang ako, may chance pa kayo ako sakanya if ever? Tang ina kainis naman.
Pagkatapos namin mag praktis nag siuwian na din kami, magdidilim na rin kasi buti na nga lang at excuse kami sa mga klase namin kaya kahit pagod ako at late ako magising wala akong poproblemahin hindi ako magmamadali na bumangon at abutan yung klase ng teacher kong epal.
Pag dating ko sa bahay nag bihis agad ako sabay hilata nakaka drain ng energy yung mga nangyayari sakin ngayon. Kapagod. Kinuha ko nalang cellphone ko tapos nag soundtrip nalang ako shinuffle ko nalang. Tapos ang nakakagago Tensionado pa yung una yung kay Jm De Guzman. Tungkol kasi yon sa nag break sila tapos nanghihinayang siya, lalo na nung nalaman niyang hindi lang siya yung nanghinayang nung nag away sila tapos nag break. Mas malala pa ata problema ko e, kasi hindi nga naging kami masakit parin naman para sakin yun. Mas nakakapanghinayang.
Haaaaaay! Nakakainis na, hindi ko na alam gagawin kooooo. Bahala na. After ng battle of the bands tsaka na ako gagawa ng paraan. Pangako yan!
Sa pagod ko at kakaisip ko, nakatulog nalang ako.
Pagkagising ko, ganun parin naging routine ko na yung pupunta ng school tapos magkikita-kita kami ng banda tapos didiretso sa tabing ilog para mag practice.
Halos araw araw kami nagpapraktis sobrang pinaghahandaan namin yung battle. Ang bilis nga ng araw dahil sa isang araw battel na medyo kinakabahan ako pero kaya ko to.
After ng battle manliligaw na rin ako kay Aly, ano kayang magandang gawin para sakanya? Bahala na.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
Teen FictionAnong gagawin mo kung pag gising mo yung taong pinangarap mo ng matagal na panahon ay may iba na? Yung taong sobra mong minahal, pinahalagahan, at ginawa mo lahat ng pwedeng makapagpapasaya sakanya ay girlfriend na ng IBA? At ang MASAKLAP AT MASAKIT...