Chapter 14

53 4 0
                                    

Dylan's POV

Naging maayos yung takbo ng relationship namin ni Aly, sobrang sweet niyang girlfriend wala akong masabi sakanya. Sobrang caring pa, napakabait, at napaka thoughtful.

Papunta na ako sakanila susunduin ko na kasi siya ngayon yung araw ng swimming namin with the band.

Nung nakarating ako sakanila nandun naman na siya sa labas kaya hindi na ako nahirapan pang tawagan siya hindi pa kasi alam ng parents niya na kami. Syempre, bata pa naman kami. Secret relationship lang muna kami.

Nandito na kami sa resort kami nalang pala ang kulang dito. Nandito si Christian kasama girlfriend niya o diba may girlfriend si monggi kahit papano. Si Stephen at Garry din may dalang mga babae pero hindi pa daw nila girlfriend yung kasama ni Stephen best friend niya daw pero ang alam ko may gusto siya don. Si Garry naman panibagong chixx niya nanaman siguro dala niya. At si Oj mga pare, kasama niya si Nami. Ang tindi ng kuya mo diba?! Hahaha. Nagliligawan na daw sila syempre with the help of my girlfriend.

Nag set up nalang muna kami, hinayaan lang namin yung mga girls na mag bonding para naman maging close sila sa isa't isa.

"Christian! Kanta ka naman oh. Di ko pa ikaw narinig kumanta e." sabi ng girlfriend niya.

Nagtawanan naman kaming apat. Aba pucha, pag kumanta kasi yan parang uulan palagi e. Hahahaha.

"Baby, sabi ko naman sayo hindi ako marunong kumanta. Kita mo nga, tinatawanan na nila ako oh."

"Please baby? Pag di ka kumanta hindi mo ako mahal. Please, please?"

Hahaha tang ina. Lalo pa kaming nag sitawanan. Kinuha nalang ni Chris yung mic no choice siya e. Hahaha.

"Oh please Lord, wag po sana kayong magalit at pabagsakin ang tubig sa langit. Amen." Nagdasal pa si gago. Kaya mas lalo pa kaming nag tawanan. Hahaha. Pati yung girls tumatawa na rin.

Nung nag start ng kumanta si Christian langya, biglang kumulimlim kaya naka isang verse at chorus lang siya tinigil niya na kumanta. Hahaha.

"Thank you baby, yaan mo kahit di ka magaling kumanta love na love parin kita." Sabay kiss kay Chris sa pisngi ni Bea. Hahaha. Pano kasi hindi mo na maipinta itsura ni Chris. Hahahaha.

"Tara swimming muna tayo guys. Tapos kain na tayo after!" Aya ko sakanila.

Nag sitakbuhan na kami sa shower room tapos nag shower sabay talon sa pool.

"O guys! Laro tayo! Paunahan lumangoy. Girls Vs. Boys per partner tayo pag kaming boys ang natalo lahat pwede niyong gawin samin! Pag kayo natalo ikikiss niyo kami sa lips! Ano deal?!" Sigaw ni Oj.

"Aba hoy! Wag namang ganyan hindi naman ako expert lumangoy mamaya matalo ako magiging kawawa ako." Stephen.

"Naks! Para-paraan Oj. Gusto makakiss kay Nami. Hahahaha." Pang aasar ko. Totoo naman kasi chansing lang si gago. Haha. Pero pabor naman ako sa larong to. Strong ata to.

"Luh, grabe ka naman Dylan!" Nami.

Hahaha. Kinikilig pa niyang sabi. Naks. Halata namang type neto si Oj. Haha.

"Dami niyo naman reklamo e. Ayaw niyo ba o gusto?! Game na! Deal ako diyan." Garry. Isa pa tong chikboy na to gusto lang din chumansing.

Wala nalang silang nagawa kaya ayun nag start na kami.

Tinignan ko si Aly. Kinindatan ko siya sabay sabing

"Galingan mo girlfriend. Haha. Baka matalo ka ikikiss mo ako ng matagal."

"Wag ka nga diyan! Baka ikaw matalo. Yabang mo. Simula bata ako sa resort na ako namin lumaki. Haha. Good luck boyfriend!"

Tang ina parang matatalo ako a. Pero asa! Hindi yan.

Nag start na kami lumangoy. Nung una ako yung nangunguna, syempre kahit naman mahal ko to dapat fair hindi pwede pinagbibigyan dahil masasanay.

Nakakabadtrip. Natapos yung laro na ako natalo saming dalawa. Pota. Si Garry at Oj lang nanalo saming lima e. Ayon puta nang inggit pa! May lahi atang shokoy yang dalawang yan e. Tapos sirena naman yung dalawang tatlong babae. Kainis!

"Hahahaha. Yan kasi boyfriend napaka yabang mo kanina. Ano ka ngayon? Haha." Yabang talaga ng girlfriend ko. Hindi ko na nga lang papansinin. Tampu tampuhan ako kuno.

"Ang pikon pikon mo talaga. Hahaha. Ang cute mo tuloy. Pakiss nga boyfriend."

See? Kaya kahit magalit ako sakanya hindi niya ako natitiis sagad siya manuyo kaya mahal na mahal ko to e. Niyakap ko nalang siya sabay kiss sakanya sa cheeks.

"Aba ang daya naman! Natalo na yan e. Bakit may kiss pa?! Uy, pakiss din ako Claire." Stephen.

"Ungas hindi tayo. Manahimik ka diyan. Utusan kita buong maghapon kaya boss mo ako! Okay?!" Claire.

Tumango tango naman si ungas. Hahaha. Hindi pa sila under na si gago. Pano nalang pag sila na?

"Baby, ako gusto ko kanta ka ulit ng tatlong kanta after nun okay na." Bea.

"Baby naman, nananadya ka ba talaga? Gustong gusto mo na bang maturn off sakin at ibreak ako?" Chris.

Hahahaha lt. Hanep din kasi si Bea kung makasabi e. Hahaha. Wala na ring nagawa si Chris kaya ayun kumanta ng tatlong beses feeling tuloy namin babagyo na iba na yung ihip ng hangin e. Haha.

"Langya ka Chris ang kamandag ng boses mo!" Oj. Nagsitawanan lang kami.

"Grabe naman kayo sa baby ko, Nami wag mong sasagutin yan si Oj. Baby lika nga dito kiss kita." Bea.

"Hindi ko talaga sasagutin to Bea." Nami.

Hahaha. Mukhang engot nanaman si Oj bigla nalang natulala e. Yan gago lakas kasi mang asar e. Haha.

"Huy ikaw naman Aly, pahirapan mo naman yang si Dylan lagi mo nalang binebaby e!" Stephen.

"Oy! Bakit pati ako nadamay dito?! Wag niyo ako tulad sainyo nga!"

"O sige Stephen. Boyfriend, gusto ko akyat ka dun sa may puno tapos sigaw ka ng malakas na "BAKLA AKO! HINDI NA AKO MAHIHIYANG MAG PANGGAP!" dapat with facial expression tapos baguhin mo boses mo pang bakla para mas real na real."

Tumawa naman lahat sila. Grabe naman tong girlfriend kong to. Kakaiba din trip e.

"Halla girlfriend naman, ang hard mo naman masyado sakin. Iba nalang."

"Ay hindi. Pag hindi mo ginawa uuwi na ako. Ngayon din. I'm serious."

Seryoso nga siya. Hanep! Pumunta nalang ako sa may puno at inakyan yon. Sinigaw ko na yung sinabi niya. Hanep talaga sa pogi kong to ganun sisigaw ko. Napatingin nalang ako sa mga babae bigla nalang silang nagtawanan tapos bulungan pero mas matindi mga lalaki lakas makatitig tapos parang sinasabi na "Tang ina bro wag tayo lalapit diyan!" houh. Shet lang nakakahiya yon!

Pabalik na ako sa pwesto ng banda tawa sila ng tawa sakin.

"Thank you boyfriend wag ka na mainis ginawa ko lang naman yun para hindi ka na agawin ng iba sakin e. I love you." See? Ang sweet niya tsaka may reason naman pala.

"Sus lakas makapampalubag loob a. Oo na, I love you too."

Ganun lang ginawa namin maghapon, nag laro, nag asaran, nag tawanan. Sobrang saya. Kung pwede lang hindi na matapos tong araw na to. Hindi ko talaga papatapusin to. Thank God dahil binigyan niya ako ng masiyahin at mababait na kaibigan plus girlfriend na nasa kanya na lahat.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon