Chapter 2

105 7 3
                                    

Dylan's POV

One week nalang mag start na ang klase. Kaya heto ako ngayon kasama mommy ko bumibili ng gamit para sa pasukan. Syempre napagalitan nga pala ako kasi nag enroll ba naman ako ng walang paalam e. Hahahaha. Pero no choice na din sa huli kasi nakpag enroll na ako e.

Medyo nakakatuwa lang isipin na parang kelan lang ang bata bata ko pa. Nakikipag laro ako ng holen, text, at trumpo sa labas ng bahay namen. Tapos eto ako ngayon high school na. Buhay nga naman ang bilis ng takbo.

Habang bumibili kami bigla siyang nag salita.
"High school ka na. Mag tino tino ka na. Hindi ka na bata. Tinutubuan ka na ng bulbol."

Parang ewan talaga si mommy kailangan oang sabihin yun. "Ma naman. Do you really need to tell that? Oo naaaaa." sagot ko nalang.

After namin bumili ng mga gamit at nag patahi ng uniform umuwi na din kami.

Bilis ng oras. Pasukan na hindi ko manlang namamalayan at dahil first day todo gising naman sakin yung nanay ko. Baka daw ma-late ako hay nako. Masyadong excited e. Miss atang mag aral. Hahahaha.

Habang nasa school ako ang daming tao. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong room ko. In short, WALA AKONG KAALAM ALAM. Hanggang sa may nag salita sa speaker na nakapaligid na pumunta daw kami sa assembly area. Syempre dahil hindi ko din alam kung saan yon sumunod nalang ako sa kung saan nagkukumpulan mga students.

Maya maya pa nag start ng mag flag ceremony tapos nag sabi na pumunta daw sa gym dahil dun sasabihin kung sino mga magiging kaklase namin, sino teacher namin at syempre kung anong room namin. Dahil alam ko naman kung saan yung gym dahil nga nakapaglibot ako nag punta na ako don.

Maya maya pa nagsidatingan na rin yung ibang estudyante. At shet, sobrang dami. Samantalang sa school ko dati ang konti namen. Syempre hindi ko rin maiwasan tumingin ng magaganda. So ayun, tingin tingin lang hanggang sa may nakita akong magandang babae. Di ko alam pangalan niya kaya hinayaan ko nalang. Maya maya pa nakita ko din yung ibang kaklase ko dati. Si Crizza, Novy, Charm, Gabriel tapos si Patrick. At dahil ayokong ma-OP nilapitan ko sila tapos naghintay kami na matawag pangalan namin.

Maya maya pa natawag na din pangalan ko. Kaya pumunta na ako sa linya ng mga magiging kaklase ko. Tapos napatingin ako sakanila wala manlang akong kakilala tapos yung iba mukhang ewan pa. Yung ibang lalake naman ang aangas napatingin din ako sa teacher ko mukhang masungit. Katakot. Kahit ngumiti masungit parin. Ano ba yan.

Habang naglalakad kami papuntang room namin tahimik lang ako wala naman kasi akong kakilala para makipag usap o ano.

After ng ilang lakad nakarating din kami sa room namin medyo malayo sa gym tsaka 2nd floor pa kami. Napasilip ako sa taas ng pinto MH4 (Maroon Hall) yung nakalagay. Meaning yun yung room namin. At pagkaupong pagkaupo namin, grineet agad kami ng teacher namin ng good morning, we greeted her back bilang respeto.

Nagpakilala siya her name pala is Eden. Parang yung sa cheese. Hahaha. Inexplain niya rin samin yung mga rules and regulations pati sinabi niya rin na wala daw section section dahil heterogeneous daw ang sectioning dito sa Pink University. Except sa first section daw.

After niya magpakilala. Syempre ayun na, kailangan din namin magpakilala. Kailangan sabihin daw name, age, birthday, saan grumaduate, talents, expectation sa classmate, sa teacher, tsaka sa studies. Daming alam eto pa naman ayoko sa lahat. Paki-pakilala. Isa-isa ng nagpapakilala yung mga kaklase ko. Tapos nung ako na, tumayo nalang din ako at nag punta sa harap.

"My name is Dylan Chandler Vaughne, 12 years old, January 23, 1998, I graduated from Black College, I know how to play drums, piano, guitar, bass, but I don't sing and dance. I expect na sana maging close tayo and I'll learn a lot from you ma'am." mabilis kong sagot.

Ganun kasi ako mag salita. Lalo na sa harap ng maraming tao mabilis pero hindi naman parang nag rarap. Hahahaha.

At sa wakaaaasssss. Nag uwian din. Medyo boring palang kasi wala pa naman kakilala tsaka wala pang nakakausap.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon