Chapter 12

32 4 0
                                    

Dylan's POV

Houh! This is it! Ngayon araw na yung battle. Medyo kinakabahan na ako pero mamayang 5pm pa siya mag start. 10am palang. Nandito palang kami sa tabing ilog nagpapraktis.

"O guys, uwi uwi muna. Good luck satin mamaya! Manalo, matalo pogi parin tayo! Okay?!" Stephen.

"Orayt!" Us.

"Oh Dylan wag ka ng uminom ng malamig baka biglang mawala boses mo." Oj.

"Naks, ang sweet mo naman po fafa Oj. Pakiss nga." Pabiro kong sabi. Hahaha.

"Gunggong ka talaga."

Habang pauwi ako biglang may nag text sa phone ko kaya binasa ko muna.

From: My Everything

Good luck!! I'll watch you later pogi. 😍

Tang ina. Biglang tumalbog talbog yung puso ko na parang bola. Hahahaha. Akala ko galit to saken. Buti nalang hindiiiii. Mareplyan nga.

To: My Everything ♥

Naks. Thank you ganda. 😊

After a minute nag reply agad siya. Aba, parang hayok na hayok naman to na makatext ako. Haha. Di bale, the feeling is mutual. Hahahaha.

From: My Everything ♥

Nasan ka? Let's talk after lunch. Pwede?

Ano naman kaya pag uusapan namin? Pero puta, angal pa ba ako? No na syimpriii.

To: My Everything ♥

Bahay me. Okay, okay. Sa rooftop nalang po ha? Para solo kita. 😉 De jk, para mas makapag usap ng maayos feeling ko maganda pag uusapan natin e.

From: My Everything ♥

Baliw ka talaga. Haha. Sigi, I'll eat lunch muna. Ikaw din kain ka na. 😊

Hindi na ako nag reply baka mamaya di pa siya makakain sa kilig. Hahahaha. Ang piling ko talaga. Makaligo na nga lang at makapag ready na at makapagpapogi na rin. Hahaha.

Nandito na ako ngayon sa rooftop. Naitext ko na rin siyang nag punta na ako dito. Nakakahiya naman kung siya pang babae ang maghihintay sakin diba. Gentleman ata to. Haha.

After 15 min. dumating na siya. Ang ganda niya, simpleng white shirt, black pants, at vans lang suot niya pero lakas ng dating niya. Nakaka inlab lalo. Hart hart. Hahaha.

"Hey! Ganda natin a."

"Heh. Bolero ka talaga." Bigla siyang namula. Ayan nanaman sa pamumula niya, may sakit ata to e.

"Namumula ka nanaman. May sakit ka ba?" Nag aalala na ako.

"Wala hindi. Baliw ka."

"Hmm, ano pala sasabihin mo?" Pag iiba ko nalang ng topic. Wala naman daw sakit e.

"Ah, kasi. I know kahit di mo sabihin iniiwasan mo ako. I just wanna ask kung ano ba problema?" Malungkot niyang tanong.

"Yun ba, pasensya ka na. Kasi diba may boyfriend ka na ayoko naman manghimasok." Sabay iwas kong tingin pero binalik ko rin agad tingin ko sakanya.

Biglang kumunot noo niya. Haha. Ang cute niya. Kunwari hindi ko alam na hindi naman talaga sila ni Alexis syempre gusto ko lang malaman kung ano sasabihin niya

"Ha?! Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi kami nun no! Baliw ka ba?!"

"Chill, chill. Nagagalit ka naman agad e. Oo na hindi na kayo. Pero ano yung narinig ko dati na "baby" pa tawag sayo sa tapat ng room niyo tapos yung "okay na tayo ha" ganun nung naglalakad kayo."

Gusto ko ng tumawa. Hahaha. Di na kasi maipinta itsura niya parang anytime sasabog na. Pero dapat hindi ako mahalata.

"Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita kong naglalakad patalikod e. May gusto sakin yun si Alexis pero hindi ko siya gusto, parang kapatid na tingin ko sakanya. Yung nag so-sorry naman siya at tinatanong niya kung okay na kami, nag away kasi kami after nung narinig mong tinawag niya akong baby tapos hindi ko na siya pinapansin kasi naiinis ako, hindi ka pa nagpaparamdam sakanya ko naibuhos lahat ng galit ko. Tapos nagkasalubong kami at sinabi niya sakin na may girlfriend na daw siya promise niya daw na hindi na siya mangungulit kaya yun okay na daw sana kami." Mahabang paliwanag niya. Aasarin ko muna to para may thrill. Hahahaha.

"Ah. Okay. Yun lang ba pag uusapan natin?"

"Bakit parang nagmamadali ka? Ayaw mo na ba akong kausapin?"

"Di naman. Bakakasidikomapigilansarilikomahalikankita" sabi ko ng mabilis. Hahaha.

"Ha? Ano?!"

"Wala sabi ko, ano pa ba pag uusapan natin?" Pagsisinungaling ko. Haha.

"Ah, kasi. I just wanna tell you that I like you." Namula nanaman siya pagkasabi niya non. Srsly?! Bakit ba siya laging namumula may sakit ba siya? Pero syempre aasarin ko muna siya.

"Ha? Bakit ako? Pano mo nasabe?"

"Hindi ko rin alam e. Basta bigla ko nalang naramdaman na gusto na kita. Lalo na pag ngumingiti ka, tumatawa ka, tapos kumakanta ka. Alam ko ang awkward kasi kababae kong tao ako yung umaamin."

A/N: Okay! Hahaha. Pabitin na muna medyo nag aaway kami ni girlfriend susuyuin ko muna. Comment comment din kayo para naman may idea akong makuha sainyo. Thanks thanks! 😍

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon