Pagkatapos ko nang magayo ay umupo muna at tumingin sa twitter, instagram, at facebook. Siyempre ang email ko na rin... Ang dami naghahanap sa akin para sa shoots, ang daming offers! Sayang! Pero nagkataon na may isang email ang nakakapansin.
SCHOLARSHIP CONFIRMATION - Paris School of Fashion and the Arts
Shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko dito! 5 months pa ang offer noong binigay sa akin ang invitation for scholarship. 3 months ako pwede magisip. Ngayon, iyong 1 month nalang ay wala na! Ano ba gagawin ko?Kasisimula pa lang ang relasyon ko kay James tapos agad ko rin siya iiwan? Hindi ba ang unfair? Pero ang offer na to' ay makukuha once in a blue moon. Paano na? Itinabi ko ang mail na yun at binura ang iba pa na hindi naman importante. Kakausapin ko sila Mommy! I need her help. Si Kath na rin. Si Dj na rin.
Nakarecieve rin ako ng text galing sa kanya. Pinapalabas niya ako ng bahay na ito! Bakit? Inayos ko ang blue off shoulder top ko at ang shorts ko at tsaka tuluyang pumunta sa labas ng bahay. Wala naman siya roon sa pool. Si Tito at Lauren nasa sala at nanonood. Bumaba ako para tumingin sa dagat, tama ako, nandoon siya! May dalawang poste ng ilaw at saktong nakatapat sa pwesto niya. Bumaba ako ng mabilisan.
"Pinaghandaan mo nanaman ito! Ang galing mo talaga." I commented.
"Of course. You have the most handsome and loving boyfriend in the world." He said proudly.
"Did you feel that? Ang lamig ng hangin! Ang lakas pa!" Natatawa kong sabi.
"Aminin mo, Naddie... I'm the most handsome and loving boyfriend ever. In the world." He said.
"Oo naman! Charms mo yan eh." Natatawa kong sabi.
"Aw, patay na patay ka talaga sa charms ko-"
"Don't ruin the moment! Bakit mo to' ginagawa?" Sambit ko.
"I wanted our first out of town trip together to be memorable, Naddie." He reasoned out.
See? Paano ko siya maiiwan kung patuloy siya nagiging ganito. Ang swerte ko na talaga sa kanya. Ngumiti lang ako. Nakalibot sa amin ang mga talulot ng rosas. May dalawang pagkain naka handa sa lamesa, Pinaupo muna niya ako tsaka siya umupo sa tapat ko.
"Thank you." Bigla kong sabi.
"Ang ganda mo talaga." He complimented in straight tagalog. Kahit kailan talaga, ang cute niya mag tagalog.
"Ikaw rin ba ang nagluto nito?" Pag-iiba ko ng topic.
"Yup. Mahilig ka daw sa filipino foods sabi ni Tita, I thought that I'll cook Adobo for you."
Ngumiti ako. He's really thoughtful. Nagawa niya pa na itanong kay Mommy kung ano ang gusto kong pagkain... At tama nga si Mommy, mahilig ako sa Filipino Foods.
"Ang sarap. Infairness!" Natatawa kong sambit.
Matagal kami nagkwentuhan. Siyempre, hindi ko pa rin sinabi sa kanya ang email na nakuha ko at baka problemahin namin iyon.
"Balik na tayo?" Tanong niya sa akin.
"Yup. But, can we watch movies?" I asked.
Maaga pa naman pero sigurado akong maaga siya matutulog dahil maaga kami aalis para bukas at medyo mahaba ang biyahe pabalik ng Maynila.
"I mean, can I watch?"
"Yup. Of course." Sagot niya.
"Hindi, ako nalang, James... Maaga pa tayo bukas. Kailangan mo ng tulog!" Sabi ko.
"You can always replace me and handle the wheel, babe." Natatawa niyang sabi.
"Eh! Hindi naman ako sanay mag drive. Sige na, James... Ako nalang ang manonood." Sambit ko.
Pinagsikop niya ang mga kamay namin at nagsimula maglakad pabalik sa kwarto namin. Minsan ay ihahalik niya
kamay ko ng walang rason at dahil doon ay kinikilabutan ako. Yan. Yan ang epekto niya sa akin!"Nag impake ka na?" Nagtataka niyang tanong nang buksan niya ang ilaw ng kwarto namin.
Tumango lang ako. "Para hindi aksaya ang oras para bukas." Sagot ko.
Tumango lang siya. He went to his bag and grabbed a pair of joggers and a shirt at pumasok sa loob ng banyo. Ako naman ay nagmadali na ipalit ang top ko sa isang shirt at shorts. Mabuti nalang at hindi niya ako naabutan na magpalit, kung hindi, nakakahiya! Linigpit ko ang aking damit sa bag ko at kinuha ang remote ng tv para pagbuksan iyon, sakto naman na The Longest Ride 'iyong palabas. The scene where the guy was in the hospital and the girl refused to go back to New York just to get back to him.
Paano kaya kung si James at ako yun? Would I leave him for my career? Would I stay for him and just continue to be a photographer? Hindi ko talaga maisip.
Sakto naman na lumabas na siya ng banyo. Ready na siya matulog... Napangiti ako. Ang cute niya.Humiga siya sa tabi ko... "Would you leave for your career or stay with me here?" He asked.
"Huh?"
"Yung character niya diyan. She stayed and refused to go to New York because she got a call. Would you stay or leave?" Tanong niya.
Sakto naman ang tanong! Pero, paano niya nalaman yun?
"Paano mo nalaman yan? Nanood ka?" Tanong ko.
He nodded. "Si Lauren actually. Pinilit niya ako. That was the time when she was still heartbroken." Sagot niya at natawa.
Hindi ko maisip na naging heartbroken si Lauren. She's really cheerful and all smiles! Kaya pag kasama mo siya, wala kang mararamdaman na lungkot. Sinisigurado niya lagi na dapat masaya ka.
"Ahhh." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya.
"So? What's your answer? Stay or Leave?" Tanong niya muli.
Sobrang torn ako. Pwede ba ako manatili pero aalis rin?
"Uhm... Stay." I said finally.
Nakaramdam ako ng kurot sa puso nang sinabi ko yun. Am I really willing to stay for him?
"Really." He said. Mukhang na shock siya sa sagot ko. He knows that I'm really determined to pursue my dreams na kahit anong mangyari tutuloy pa rin ako. Gagawin ko ang lahat.
"Hindi ka makapaniwala?" I asked.
"Kinda. I mean, babe..." He said and chuckled. "You're a goal digger. You'll do everything to achieve every tiny detail of your dream." He explained.
"Kilala mo na talaga ako." I whispered. He kissed me gently on my forehead.
"I would understand if you'll leave me for the right reasons. I'll wait." He says.
Sana.
END —
Hope you'll like it. Paparating na yun peak nung story hehe. Keep voting!
BINABASA MO ANG
Laro ng Tadhana - JaDine Fanfic
FanfictionMany are so afraid to be inlove, to love, and to feel what love is. One of them is Nadine, a fragile, innocent girl, she's one of a kind, full of heart, and selfless, A guy's find, Very ideal. She may be hopeless romantic, unexperienced in relations...