Chapter 69: Groove

232 4 0
                                    

(Chapter 69:

Groove.

**

[James Kristoff Aquino's POV]

Halos dumaan lang si Korvin sa ospital dahil kina-umagahan ay nadischarge din siya dahil sa pagpupumilit na lumabas. Napaka tigas ng ulo niya kaya naman sinunod na. Pumayag naman ang doktor kaya nakahinga ng maluwag si Tita.

"Doc, okay naman po na magparticipate ako sa HipHop Competition sa Friday di ba?"

Iyan agad ang unang tanong ni Korvin ng makarecover siya sa pagkakacollapse.

"Oo iho. As soon as magkakaroon ka ng 24 hours rest you can go. Huwag mo munang biglain ang sarili mo"

Nakahinga ng maluwag ang pinsan ko after that.

"Cool" yun lang at akala mo walang nangyari kahit na halata sa itsyura niya ang pagod at hapo.

"Oh insan umuwi ka na wala ka paring tulog. Sorry naabala pa kita. Si Mommy talaga! Tss".

"Gago ka! Tingnan mo ko Korv nakapanjama pa ako! Mula kanina wala kayong ginawang mga pinsan ko kung hindi bulabugin ako! Di ko man lang naidlip ang mata ko!"

"Langya insan! Kala ko sasabihin mo 'okay lang yun, ikaw pa!' Pero talagang sinisi mo ko?! Hahaha. Iba ka talaga!" At binatukan niya ako pero halatang nanlalata na to.

"Ikaw ang magpahinga! Sinabi naman kasi sa iyong huwag magpagod eh." Umiling iling pa ako.

"Eh gusto kong bumawi kay Aly. Gusto kapag nanuod siya sa Competition lahat iyon ipapanalo ko. Lahat iyon para sakanya" lumumanay naman ang boses niya.

"Oo na! Pero hindi naman siya sinabing magpakapagod ka! Alam na ba ni Aly?" Tanong ko sakanya pero umiling lang ito.

"I'll tell her. You should learn your lessons"

Wala pang 10 minutes mula ng natawagan ko si Aly dali daling pumasok ng kwarto ni Korvin si Aly at laking gulat namin ng naka-pajama lang din ito at naka-cardigan.

"HOY KORVIN!!!" Bulyaw agad ni Aly.

"B-BAKIT?" Ngatal na sabi ni Korvin. Hahah. Under talaga.

"Sabi ko ingatan mo yang sarili mo diba?! Sabi ko huwag kang magpapakapagod diba? Ang gusto ko manalo ka pero hindi ko naman sinabing mag-check in ka muna sa ospital bago manalo ah! Malinaw naman yung sinabi ko saiyo na magiingat ka diba?! Sabi ko saiyo dapat MVP ang walanghiya kong boyfriend sa University Meet diba? Hindi ko naman sinabing magpaka VIP ka sa disoras ng gabi para magpaospital! Alam mo bang nag-aalala ako?!"

Tahimik lang ako sa gilid habang nakatayo si Aly hawak hawak ang kwelyo ng damit ni Korvin na nakaupo sa kama. Pamaya pamay suminghot na si Aly.

"Tan*ina mo lang Korvin Shaun dela Torre! Pinag-alala mo talaga ko! Sana naman namatay ka ng walanghiya ka para di na kita nakita!"

At isang mahigpit na yakap ang pumalit sa murang sinabi ni Aly. Alyssa Marie Dela Fuente may kakaiba ka talagang way ng pagiging sweet.

Tumingin si Korvin sakin at cue ko na iyon para lumabas. Nag-salute lang ako at umuwi na sa bahay. It's 3 in the morning. Mabuti nalang at excused kami sa classes kaya makakatulog pa ako.

Ang Prinsesa Kong Eng-Eng (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon