SPC: Korvin & Aly

198 7 0
                                    

I just missed how cute Korvin and Aly's tandem whenever they're together. Kaya napasulat ako ng special chapter nilang dalawa. May nakita din kasi akong couple na kasing sweet nila habang nakasakay sa bus. :"> <3

Hope you'll enjoy. ;3

Oh wait! Don't mind the multimedia! Kkkk~

Alyssa Marie dela Fuente's POV

"Korvin!"

Humiyaw ako mula sa malayo at kumaway sa kanya. Inilagay niya ang kamay niya sa taas ng kanyang mata upang tanawin ako. Nasisilaw siya mula sa sinag ng araw at nakapikit ang isang mata. Ngumiti siya ng makitang naroon ako sa bench at nakaupo habang pinapanood siya. Pumunta ako dito pagkatapos ng klase ko dahil nangako akong panunuorin ko siya sa hapon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Umirap kaagad ako at tumayo para maglakad. Ayoko sa lahat ay iyong binibiro ako ng ganun lalo't nageffort ako na puntahan siya para manuod ng practice niya gayong marami akong gagawin. Kung hindi lang ako nangako ay wala sanang problema. Nakaka-tatlong hakbang pa lang ako ay agad niya akong inakap.

"Ito naman joke lang!" Tumawa siya at ramdam na ramdam ko ang pawis mula sa braso at jersey niya.

"Bitaw! Ang lagkit mo puro ka pawis!!" Pumiglas ako pero hindi siya nagpaawat sa pagakap sa akin.

"Ito naman sa isang linggo isang beses lang tayo halos nagkikita tas ganyan ka pa?!" May bakas na pagtatampo sa boses niya. Ay nako ano ba naman tong hinayupak na to! >__<

"Ang baho mo kaya!" Pinalo ko siya sa braso pero no vail.

Sa dalawang taon namin sa kolehiyo naging isang kaaya-ayang lalaki ang boyfriend ko. Ehem! Yep. 2 taon na kaming dalawa. Ang bilis ng panahon parang dati high school lang kami. Marami kaming pinagdaanan sa dalawang taong iyon. On and off kami madalas pero kadalasan nagkakabalikan din naman. Marami kaming pinagawayan kagaya ng schedules sa school, complication sa mga times na magkikita kami, school activities, ang practice niya, di niya pagsipot nung monthsary namin, yung time na ayoko siyang bigyan ng chichirya pati yung kung sino sa amin ang magdridrive. Minsan kung anong kulay ang susuotin namin kapag magdadate kami o kaya naman kung saan kami kakain (na hanggang ngayon madalas parin naming pag-awayan), kung anong movie ang panunuorin and thank God kahit minor problems lang yan di kami nagpabuwag. Sapakin ko lang siya pag nangyari yun diba?

"Naks my support team?" Ngumiti sa amin si Raey, kasamahan ni Korvin sa team.

"Oo sa boses nito kahit mag-isa parang isang team na." Tumawa si Korvin kaya kinurot ko siya.

"Aw! Joke lang!" Nagpout pa bwisit and cute!

"Tangna pare umayos ka para kang bading!" Tumawa si Raey ganun din ako. Umirap si Korvin at hinarap si Raey.

"Sus! Palibhasa loveless! Loner!" Sumigaw si Korvin at umiling na lang si Raey at umalis.

"Tara date!" Ipinaypay niya ang jersey niya at kumindat pa.

"Okay lang basta maligo ka. Ang baho mo na." Umirap ako at inakbayan na naman ako ng bwisit na to pero defense mechanism na ng kamay ko na hampasin siya.

"Sus! Lika na samahan mo na ko." Hinaltak niya ako at nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the?

"H-hoy! Anong pinagsasasabi mong samahan kita?!! Ang halay mo." Kumunot ang noo niya at biglang tumawa.

Ang Prinsesa Kong Eng-Eng (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon