Chapter 73: OPTION

228 6 0
                                    

Chapter

Options.

[Dayne's POV]

"F*ck!"

Di ko maiwasang magmura sa sobrang pagmamadali. Tae! Bakit ngayon pa kasi ako nalate ng gising? Sa lahat naman kasi ng gagawin ay paglalaro pa ng Xbox ang naisipan kong gawin kagabi. Kung hindi ba naman tanga't kalahati din ako eh!

Ngayon ang entrance exam ko sa isang prestigious school dito sa Pilipinas. First Batch pa kasi ako. Amp! Room 309 ang room na pag-eexaman ko and 9 ang simula at look at the time 9:15 na! 15 minutes akong late. Langya talaga!

Dali dali akong tumakbo para umabot! I need to pass this exam. Hingal na hingal ako sa harap ng pinto. Pagkapasok ko sa pinto saktong iaabot ko na yung Examinee number ko biglang may tumulak sakin. Amp naman badtrip ako wag niyo ng dagdagan.

"Ha-Ha-Ha.. Yuri Sarmiento po." Hingal niyang sabi at inabot ang Examinee number niya. Tumango lang ang teacher na proctor at pinaupo kami sa loob. Parang lula ang babaeng to.

"Saan kaya maganda umupo! Meanie Meanie Maini Mo!" At itinuro yung upuang bakante sa gilid ko. So dun nalang ako sa kabila -_-

Sabay kaming umupo at inabutan ng Examination Slip at dahil late kami di na kami inorient kung paano gamitin ito. Kasalanan naman namin tyka sisiw lang to. Tanga nalang ang di makakagets. Nasa number 15 na ako ng napansin kong namimili parin ng lapis ang babaeng kasabay ko kanina. Isang Pink at Blue na lapis ang gamit niya hindi Monggol. Di siya makapagdecide kung alin ang gagamitin.

Weird. (¬_¬)

"Pink kaya o Blue?" Nagiisip siya ano ba! Nagaaksaya siya ng oras sa ginagawa niya!

"Mas maswerte kaya pag pink? O baka naman blue?" Hindi siya papasa. Nasa 19 na ako ng di ko na kinaya at sumagot ako.

"Blue" at tiningnan naman niya ko. Tae sumagot ka nalang. Ano ba!

"Tingin mo?" Tanong pa niya sakin. What the--

"Just answer! you're running out of time!" Pabulong kong sabi.

"So it's blue then? Alright!" At nagsagot na siya. For God sake salamat at naisipan din niya!

Habang nagsasagot hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. She's pretty no-she's actually gorgeous. Petite, Long Brown Hair, Almond Shaped Eyes, Kissable Lips the actual cute girl any boy want to court kaso nga lang she's weird. I can also see her uttering and asking herself.

"Alam ko to eh. Ahhhh-" see? She's a total weirdo.

Para siyang bata. She looks like some 'bata' sigurado ba silang she's entering college? She look like 14 for me. (¬_¬)

Patapos na ako ng makitang parang kampante lang siya nadadalian ba siya seryoso? O_O

A total Weirdo.

Ang hirap ng exam sh*t lalo na sa Math! Tae parang pagsisisihan kong pinili ko dito mag-aral pag nagkataon. Hayy! Sana pumasa! At sana umabot sa quota yung score para sa course na gusto ko. I'm planning to take up Architecture sana talaga pumasa.

Lumingon ako sa kaliwa ko.

"Chocolate o stawberry" tanong na naman niya sa sarili niya. Di na naman siya makapagdecide kung anong flavor ng lollipop ang kakainin niya. Geez! She's totally weird! -___-

"Ikaw what do you think?" Tanong niya pabalik.

Lumingon ako sa likuran ko walang tao so ako ang tinatanong niya?

"Strawberry" simple kong sabi.

"Why?" Inosente niyang tanong.

"Uhh. I don't know. Maybe mas masarap ang strawberry kesa sa chocolate?" Walang kagana gana kong sagot.

Ang Prinsesa Kong Eng-Eng (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon