Hindi mapigilan ng dalaga na tignan si Nathan , habang ang kanyang kaibigan ay masayang nakatingin sa Araw na papalabas na . . .
"Charlin?? Ayun na~ palabas na!!!" dahil sa tuwa na makita ang araw na palabas pasigaw na sabi ni Jana sa kanyang kaibigan iyon , nilingon ni Charlin ang direksyon na tinitignan ngayon ng kanyang kaibigan . . .
"waaahh~ ang ganda" masayang sabi ni Jana , habang si Charlin ay walang emotion na nakaukit sa kanyang mukha. . .
nilingon ni Jana si Charlin , dahil sa hindi man lang umimik ang kanyang kaibigan .
"ok ka lang? ---hayaan mo na muna yun , nakakaasar na siya kaya ko din yun nagawa" sabi Ni Jana , na kadahilanan ng pagngiti ng mapait ni Charlin."Sa Tingin ko panahon na para sumuko ako , meron na siyang mahal . . . sila na siguro ni Audrei kaya niya na din ako lalong iniiwasan" nakayuko at nakanguso na sabi Ni Charlin kay Jana.
"Charlin" yun lang ang tanging nasabi ng kanyang kaibigan at niyakap nalang ito . . .
<~ ~ ~♡ ♡ ♡ ~ ~ ~>
"Sir? Bakit Po absent si Nathan pati po si Audrei?" tanong ng makulit na si Harry ,
"I don't know. . . sa tingin ko may Valid reason naman sila kaya pareho silang absent." explain ng kanilang Adviser bago lumabas ng classroom.
napasabunot naman ng buhok si Harry bago ---lumabas ng kanilang classroom para pumunta ng Room nila Jana At Charlin. . .
"bakit?" tanong ng babae na nakasuot ng makapal na eyeglass. . . na dati ay naging classmate niya din.
"Mae , nasaan sina Jana At Charlin?" sabi ni Harry habang nakatingin sa loob ng classroom at parang may hinahanap.
"Ah? sila ba? nasa Outing raw sila. . . pinapasabi ni Jana na ikaw nalang muna mag recess magisa mo raw muna" sabi ng Mae na kausap ni Harry. . .
hindi na nakapag salita si Harry dahil lumabas na ng classroom si Mae para Pumunta ng Cafèteria . . .Napabuntong hininga nalang si Harry at naglakad nalang papuntang Cafèteria. . .
"saan naman sila nagouting ?" sabi ni Harry sa sarili niya habang naglalakad papuntang Cafeteria. . .
"Ang ganda naman ng Pics na bagong upload ni Audrei. . ."
"teka? si Nathan ba yung kasama niya?"
"look . . . nakikita mo ba yung girl sa likod nila? "
"yeahhh~"
"Si CHARLIN!!!"
agad naman nagpanting ang tainga ni Harry at napatigil siya sa paglalakad. . .
lumapit siya sa mga babae na naguusap na may hawak na cellphone at agad niya ito inagaw. . .
"si...si Charlin at Jana yun oh?" nauutal na sabi ni Harry sabay Turo niya sa Dalawang babae na nasa likod nila Audrei At Nathan. . .
BINABASA MO ANG
MR.GENIUS MEETS MS.STUPID
Teen FictionCharlin Javier is just an ordinary and cheerful girl who's really good at making friends but for Nathan Perez she is a walking disaster, stupid and clumsy. Pagdating sa katalinuhan si Nathan agad ang naiisip ng mga tao, he only cares about his grade...