CHARLIN'S POV
"CHARLIN!" Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Jana. Kunot noo akong bumangon sa higaan ko. Noong una hindi ko pa siya makita ng maayos dahil medyo malabo pa ang mata ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jana nakatayo sa bukana ng pintuan ng kwarto ko.
"J-Jana? Bakit ganyan ang suot mo? May okasyon ba?" Nagtataka kong tanong kay Jana. Sinong hindi magtataka doon. Makita ko ba naman siyang naka dress ng kulay pink at mukhang may okasyong pupuntahan dahil ulo hanggang baba sobrang ayos niya. Para siyang a-attend sa Prom sa itsura niya ngayon. Wala naman ako maalalang may okasyon na gaganapin ngayong araw. Kung meron man edi dapat maaga palang sinabi na sakin ni Jana 'yon. Peroㅡbakit parang wala akong kaalam-alam. Yung pakiramdam na parang ilang taon akong natulog.
"Hey! Stupid Charlin, Bakit hindi ka pa nakapalit!" Napatakip ako sa tainga ko ng biglang sumigaw si Jana. Bakit ang aga aga nangbubulyaw 'tong babaeng 'to? Hindi pa nga niya nasasagot tanong ko eh~ Waahhhh! Inaaway niya ako~
"May okasyon ba?" Tanong ko. Hindi naman siguro masama kung tatangunin ko ulit si Jana. Pero isang malakas na kutos ang natanggap ko. Halos maluha ako dahil doon sa ginawa niya. Niaaway niya talaga ako.
"Wag ka ng magtanong tanong diyan , Maligo kana at maghanda kana! Hindi mo ba alam na late na tayo!" LATE! Bakit ngayon niya sinabi na late na kami!
Dali-dali na akong bumaba sa higaan ko at nagtungo na sa CR para maligo. At dahil sa nataranta na din ako , Hindi ko na inisip pa kung bakit kailangan kong magising ng maaga at maghanda para sa hindi ko alam na okasyon.Pagkatapos kong maligo lumabas na ako sa CR. Pagkalabas ko nakita kong meron ng nakahandang damit sa higaan ko. Literal na naghugis puso ang mata ko sa nakita ko. Dress ito na ang kulay ay mint green. Iniangat ko ito napansin kong hanggang tuhod lang ito. "Oh?" Nagniningning ang mata ko habang sinabi ko 'yon nang maagaw ng sandal na kulay peach ang atensyon ko. Hindi ko alam pero ang saya ko dahil doon.
"Magpalit kana , Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?" Nanlaki ang mata ko ng marinig kong magsalita si Jana. Nandito pa pala siya. Akala ko lumabas na siya.
Tinulungan na ako ni Jana sa pagbibihis ganun din sa pag-aayos. Siya na rin ang nag make-up sa akin mabuti nalang at marunong siyang mag make-up kung hindiㅡ nako patay! Pangit akong pupunta doon sa okasyon na 'yon. Pagkatapos non , Bumaba na kami ni Jana at sumakay kami sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay. Hindi na ako nagdalawang isip pang sumakay dito dahil sobrang natataranta na ako dahil kay Jana.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Jana. I pouted my lips. Hindi niya ako pinapansin. Nakatingin lang siya sa bintana ng kotse at tahimik nitong pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.
Mag-iisang oras na pero hindi pa namin nararating ang destinasyon namin. Hanggang ngayon hindi pa ako kinikibo ni Jana. Nalulungkot na tuloy ako. Niaaway talaga ako ni Jana. Pagkatapos ng kalahati pang oras , doon lang kami nakarating sa isang pamilyar na lugar. Bigla akong kinabahan. Gusto kong umiyak sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nilingon ko si Jana. Hindi niya ako tinignan at nauna na itong bumaba ng kotse. Napansin kong bumaba na din yung driver at dali daling binuksan ang pintuan para sa akin.
Nagtataka akong bumaba ng kotse. Napakunot noo ako ng biglang takpan ni Jana ang mata ko gamit ang isang panyo. Hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok nitong puso ko. Para akong tumakbo ng isang kilometro. Inalalayan ako ni Jana sa paglalakad. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.
"Jana~ Sinabi mo sanang sa Beach Party tayo pupunta" Nakanguso kong sabi.
"Edi sana hindi ko na ginamit 'tong sandal ko. Sayang naman nailulubog lang siya sa buhangin! Teka?! Bakit kailangan pang nakatakip ang mata ko? Dahil late ako kailangan may tagu-taguang mangyayari bago mag start ang party?" Sunod sunod kong sabi. Pero kahit isang salita man lang wala akong narinig galing kay Jana. Nababaliw na ako! Wahhhh!
Wala talaga akong ideya kung anong meron. Wala naman akong na-aalalang usapan namin ni Nathan na may date kami. Ilang araw ko na nga siyang hindi nakikita eh. Sabi niya magiging busy siya sa work niya. Tapos ang sabi pa niya pupunta siya sa business trip. Napatigil ako sa paglalakad nang may pumasok sa isip ko.
"Hindi kaya? Patay na si Nathan kooooo! Waahhhh! Kaya siguro tinakpan mo mata ko kasi ayaw niyong makita ko siya na nakahiga saㅡ" Hindi ko natuloy 'yung sasabihin ko dahil bigla akong binitawan ni Jana. Sinubukan ko siyang hanapin gamit ang dalawa kong kamay pero wala talaga.
BINABASA MO ANG
MR.GENIUS MEETS MS.STUPID
Ficção AdolescenteCharlin Javier is just an ordinary and cheerful girl who's really good at making friends but for Nathan Perez she is a walking disaster, stupid and clumsy. Pagdating sa katalinuhan si Nathan agad ang naiisip ng mga tao, he only cares about his grade...