CHAPTER 35

2.7K 117 10
                                    


♡ C H A P T E R  35 ♡

[GOOD BYE SANDER]




CHARLIN'S POV

"Tita , babye po muna" pagpapaalam ko kay Tita paglabas ko nang pinto...

"Ok sige ...mag iingat ka" pahabol na sabi ni Tita.

"Opo" sigaw ko kasi medyo nakalayo na ako sa bahay.

Nasa isang funeralya na malapit sa hospital nakalamay si Sander...sabi ni Jana.
magkita nalang daw kami doon , kasi nauna na silang nakarating.

Nung nakasakay na ako nang Taxi , tinawagan ko si Jana... para sabihin na nakasakay na ako at papunta na ako.

kasama daw ngayon si Harry , at Si Julius... Si Julius Ang nagkwento sa amin lahat lahat.

nakakaawa naman si Sander , pinatay ng sarili niyang kapatid.

ang sabi ni Sander mabait yung kuya niya ... pero bakit siya pinatay.

makita ko lang yan... sisipain ko siya.  grabe siya!

Habang nasa biyahe , sinusubukan kong hindi tumulo ang luha ko... dahil habang palapit ng palapit ako sa lugar kung saan nakalamay si Sander , nakakaramdam ako nang pagsikip ng dibdib ko... naiiyak ako dahil nagfaflash lahat nang ala ala namin ni Sander.

pagdating ko , nakita ko na nakatayo sa entrance sila Jana at Harry...
pagbaba ko , lumapit silang dalawa sa akin at niyakap ako ni Jana niyakap ko rin siya at tuluyan nang tumulo ang luha ko...

"tara na?" sabi ni Harry.

"Sssshh... wag ka na umiyak.. ayaw ni Sander na nakikita kang umiyak" sabi ni Jana... tumango nalang ako kahit hindi ko kaya pigilan ang luha ko..
pero kakayanin ko.

"Sander?" bulong ko habang naglalakad papasok na nang Funeralya...pagpasok namin nakita namin si Larissa at Mommy Ni Sander na nakaupo sa tabi nang kabaong niya.

"Condelence po" sabi naming tatlo at umupo kami sa tabi nila Larissa.

"Ikaw ba si Charlin" bulong sa akin ni Larissa.

"Oo bakit?" -Ako.

hinawakan niya ang kamay ko at nagumpisa na siyang umiyak.
"Alam mo bang... bago ako.. ikaw ang una niyang minahal?" Umiiyak na sabi sa akin ni Larissa.

"Larissa" bulong ko at hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko , pakiramdam ko... ang sama sama kong kaibigan.

Alam ko na minahal ako ni Sander , pero hindi ko man lang pinansin ang nararamdaman niya... nakakaasar! ngayon ko lang naisip kung gaano kasakit nang mawalan ng kaibigan.

sana kahit isang saglit lang pinasaya ko siya... sana kahit isang saglit naparamdam ko na mahal ko siya bilang isang kaibigan.

"Jana... ang sama ko" bulong ko habang nakatingin kay Sander ngayon.

"Hindi ka masama" sabi ni Jana... nilingon ko naman siya at kumunot ang noo ko.  "bakit naman?" kunot noo kong tanong.

"Kasi... kahit papano. naging masaya siya nung magkasama pa kayong dalawa" sabi ni Jana na nakatingin ngayon kay Sander.
tinuon ko rin ang pansin kay Sander na nakahiga ngayon sa kabaong niya.

Ang gwapo niya , pero ang ipinagtaka ko... malungkot siyang namatay.

nabanggit sa akin kanina ni Larissa bago kami iwan...na nagtapat nang nararamdaman sa kanya si Sander.

MR.GENIUS MEETS MS.STUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon