♡ C H A P T E R 36 ♡
NATHAN'S POV
"Nathan?" nagtatakang sabi ni Charlin nung nakaalis na si Larissa..
Hinila ko siya papunta sa kotse at ipinasok siya sa loob. "uuwi na ba tayo?" tanong niya pagpasok ko ng kotse.
"Bakit?...bakit hindi mo sinabi ang tungkol dun?" Seryoso kong sabi bago iistart ang kotse.
"Hah? ano yun?" Sabi ni Charlin na nakatingin sa akin... habang ako nakatuon ang pansin sa daan.
"kaya naman pala lagi kanang ginagabi... kaya pala umiyak ka noong nakaraang araw. hindi mo ba alam na nagaalala si Mom at Dad sayo?" Sabi ko na nakatingin parin sa daan.
Hindi mo ba alam na nagaalala ako sayo... baka may mangyari sa paguwi mo. Sabi ko sa isip ko at mas binilisan ko ang pagpapatakbo nang sasakyan."Saan tayo pupunta?... hindi ito ang daan pauwi ahh?" Nagtatakang tanong ni Charlin.
hindi ko nalang siya pinansin...mamaya mainis nanaman ako sakanya."Uyy?" Pangungulit niya.
"Saan--""Alam mo ang kulit mo...pwede manahimik ka na lang" Putol ko sa sasabihin niya.
~ ♡ ♡ ♡ ♡ ~
"Ahhh~ gusto mo lang pala mag ice cream... pfft" natatawa niyang sabi... tinignan ko siya nang masama kaya naman napayuko siya.
"Anong flavor?" Seryoso kong tanong.
"Hah?" tanong niya.
"Haayyy~ .... ang sabi ko anong flavor ang gusto mo?" naiinis kong sabi... naiinis nga ako pero iba talaga pakiramdam ko pag kasama ko si Charlin.
hindi ko maintindihan ang sarili ko... kapag hindi ko siya kasama lagi siyang pumapasok sa isip ko.
kapag meron naman siya...
naiirita ako... pero parang ang saya ko.
"Strawberry" nakangiti niyang sabi... "ok" tipid kong sabi.
"Ms. Dalawang Strawberry" Sabi ko.
"Ok po Sir." Sabi nang nasa counter.
"Diba hindi Strawberry ang gusto mo--"
"Ano ba? wag ka ngang maingay" putol ko sa sasabihin niya sana.
umupo muna kami sa table sa ice cream parlor para antayin ang order namin.
"Ang daming bumibili... siguro masarap ang ice cream nila dito" nakangiting sabi ni Charlin.
"ohh?!!!" sabi niya sabay turo sa likuran ko.
"Si Harry At Jana?" hindi niya makapaniwala niyang sabi. "Neyt? Alis na tayo"
"Why?" Kunot noo kong sabi... nagpapanic na siya habang ako ay nakaupo lang at tinitignan siyang nagpapanic.
"Sir. ito na po ang order niyo" sabi nang waiter...
kinuha ko na ang ice cream at hinila siya palabas.
buti nalang may Cover ang ice cream... nakalagay ito sa isang plastik cup na may cover. kaya naman nakatakbo kami nang mabilis palabas nang ice cream parlor."Akala ko makikita na tayo" sabi niya habang binubuksan yung seal nang ice cream.
umupo kami sa bench na malapit sa isang park.Kanina pa siya salita nang salita... hindi ba to napapagod sa kakasalita?
"Ano naman ngayon?" seryoso kong tanong bago isubo yung ice cream na nasa plastic spoon na maliit.
"Ahh?? Ehh??" -Charlin
BINABASA MO ANG
MR.GENIUS MEETS MS.STUPID
Novela JuvenilCharlin Javier is just an ordinary and cheerful girl who's really good at making friends but for Nathan Perez she is a walking disaster, stupid and clumsy. Pagdating sa katalinuhan si Nathan agad ang naiisip ng mga tao, he only cares about his grade...