* C H A P T E R 32 *
CHARLIN'S POV
Si Nathan , minsan mataray... minsan mabait. ewan ko kung ano talaga si Nathan , pero iisa lang ang masasabi ko sa kanya.
mahal ko siya , kahit na mataray siya ... mahal ko parin siya.
ang saya ko nung araw na nagpicture taking kami , first time kaya yun... nakakatuwa (^_^)
"Charlin , may ginagawa ka ba?" tanong ni Tita mula sa labas nang kwarto ko.
Sabado kasi ngayon kaya eto ako ngayon nakamukmok sa kwarto ko... wala naman kasi magawa kaya naman dito muna ako sa kwarto.
"Tita.. wala po" sabi ko , tumayo ako sa kama ko at pinagbuksan ko nang pinto si Tita."Tara... may pupuntahan tayo" nakangiti hanggang tainga na sabi ni Tita , ako naman ...parang nabigla ang mukha , syempre... hindi naman kasi gaano lumalabas nang bahay si Tita ehh?
"Saan naman po tayo pupunta?"
tanong ko kay Tita , " Basta.. ano maligo kana.. bilisan mo ahh~" sabi ni Tita bago ako iniwan na nakatulala.biglaan naman yata , ano meron? ang alam ko lang naman sa malapit na ang graduation ball namin , pero ano naman...ngayon?
nakabili naman na yata si Nathan ng susuotin niya... hindi naman na yun ang dahilan para magpasama si Tita , hmmm? ano naman kaya?
bahala na...
pagkatapos ko maligo at magbihis nang panglabas na damit , bumaba na ako nang bahay... pagbaba ko.
nakita ko si Tita na nakatayo sa labas nang pinto , huminga ako nang malalim bago lumabas nang bahay.
"Tita.. sorry po pinag antay kita" nakasimangot kong sabi...
"Ano ka ba? ok lang.. tyaka may hihintayin pa tayo.
"sino naman po?" nagtataka kong tanong kay Tita...
"oh?!! ayan na palabas na siya" sabi ni Tita...
nilingon ko naman yung salamin na pinto nang bahay nila at nanlaki yung mata ko dahil sa nakikita kong tao na palabas ngayon.
hindi?! nako?! nako lagit nah?!! ano gagawin ko... ang pangit nang suot ko , kasama pala namin si Nathan na lalabas.
"Alam mo ba... kung hindi ko pa sinabi na sasama ka.
hindi pa siya papayag na sumama sa akin" *pout* sabi ni Tita... nako , buti nalang at hindi narinig ni Nathan yung sinabi ni Tita."Mom? Lets go?" seryoso niyang sabi , tumingin siya sa akin pero umiwas naman ako bigla nang tingin. hindi ko matake toh! kasi naman... ang baduy nang suot ko. nakakahiya kay Nathan.
"Anak? Nathan? ikaw ang mag drive" seryoso na sabi ni Tita.
"What? ano nanaman po ba Mom?" inis na sabi ni Nathan.
"Ano aangal ka ba?" taas kilay na sabi ni Tita...
sasakay na sana ako sa likod nang driver kaso...
"ikaw? Charlin? sa Tabi ka ni Nathan" sabi ni Tita."Mom??" reklamo ni Nathan.
"What? may angal kaba?" taas kilay na sabi ni Tita.
"Ewan ko sa inyo" sabi ni Nathan bago pumasok nang kotse.
"Sige na... dun ka na Charlin" bulong ni Tita bago pumasok nang kotse.
"Nako naman" bulong ko bago naglakad nang mabilis papunta sa passengers sit.
pagpasok ko nang kotse...
"Ok na ba? tara na~" sabi ni Tita , nahalata sa mukha na mas excited pa sa amin.sa totoo lang , masaya ako.
pero kinakabahan at nahihiya.
BINABASA MO ANG
MR.GENIUS MEETS MS.STUPID
Ficção AdolescenteCharlin Javier is just an ordinary and cheerful girl who's really good at making friends but for Nathan Perez she is a walking disaster, stupid and clumsy. Pagdating sa katalinuhan si Nathan agad ang naiisip ng mga tao, he only cares about his grade...