CHAPTER 3

5.6K 190 8
                                    

CHARLIN'S POV

Nakaupo kaming lahat ngayon sa dinning table , kasalukuyan kasi kaming kumakain ngayon. Napabuntong hininga ako at muling nagsubo ng pagkain. Dahil sa sobrang tahimik hindi ko magawang lunukin ang pagkain ko. Hindi ko alam pero sobrang awkward ngayon. Walang imikan ba dito pag oras ng kainan? Hindi naman sila ganito katahimik dati ah?

Bigla ko tuloy namiss si Mommy at Daddy.  Kumusta na kaya sila? Sana naman ok lang sila. Napansin ko kasi nitong nakaraang araw wala siyang balita tungkol kay Mom at Dad , pero naiisip ko nalang na busy din siya.

"Siya nga palaㅡkanina , nakita ko ang Mommy mo Charlin.  Tinatanong niya kung ok ka lang ba , ang sabi ko naman you're doing well. Ahh! Oo , may pinapasabi pala siya sa 'kin. . . bukas wag mo daw kalimutan na pumunta sa puntod ng Grandfather mo." Basag ni Tita sa katahimikan. Nakahinga ako ng maluwag ng magsalita si Tita , para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"S-Sige po , Tita" Nakayuko kong sabi.
Namimiss ko na si Mom , hindi niya ba ako namimiss ? huhuhu. Waahhh! Bakit ba di niya maisipang dalawin ako? Ang bad naman ni Mommy sa 'kin.

"Bilisan mo , aakyat na ako ...sumunod ka nalang" sabi ni Nathan pagtayo niya sa hapagkainan.

ehh?! ang bilis naman niyang kumain.
"Neyt?" o.o"

nakakatakot naman siya, hehe...
"ok po... aye aye (^-^)/ "
at binilisan ko ng kumain.

pagpasok ko , nakita kong hawak niya yung.

O_O waahhh?!!! halos tumayo lahat ng balahibo ko nung nakita kong hawak niya yung , letter ko sa kanya.

"na..nabasa mo?!" sigaw ko , sabay hablot ng envelope na hawak niya.

"ano naman kung nabasa ko , para sakin lang din naman yan diba?" parang wala lang niyang sabi , nakakasar , hindi ko naman kasi sinabi na basahin niya eh?

"Diba hindi mo naman tinanggap , bakit may sinabi ba akong basahin mo?!!"

"ba..bakit yun Nathan , bakit Charlin?" natatarantang tanong ni Tita , pagpasok niya ng kwarto ko...

"Dear Nathanㅡ Hi , Neyt ? unang araw palang ng school year , nagustuhan na kita.
Naaalala ko pa yung nag speech ka sa harap nung first day of school at noong nag speech din noong Closing ceremony , mas lalo akong nainlove sayo. Alam kong hindi tayo bagay. Peroㅡgagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako at mapansin mo. Pinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba. . . Nagmamahal, Charlin Javier. Tama ba ako? Wala akong kulang?" Nakangisi niyang sabi na parang nagrerecite pa siya sa klase. Nakakaasar! Parang wala siyang pakealam kung anong mararamdaman ko.  Hindi ko namalayang nasampal ko na pala siya kaya tumakbo nalang ako pababa at lumabas ng bahay.

Nakakaasar naman! Hindi ko naman sinabi na basahin niya 'yon eh? Hindi naman niya 'yon tinanggap kaya wala na siyang karapatan para basahin 'yon. Hmpft? Saan ako ngayon pupunta? Ayaw ko naman na pumunta sa bahay. Baka mag-away na naman sila pagbumalik ako doon.

Sa 'king paglalakad may nakita akong isang pigura ng tao sa 'di kalayuan. Nang ma-aninag ko siya una kong napansin ang suot niyang damit. Nakasuot siya ng kulay itim na trench coat at may suot din siyang kulay itim na mask. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko alam kung saan nanggagaling. Lalake siya at kung titignan ko ng mabuti nasa Mid-aged na siya.  Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang tumakbo. Nako po?! Hindi kaya manyakis siya!

Kumaripas ako ng takbo para 'di niya ako maabutan. Kung saan-saan na ako ipinunta ng paa ko , pero nakasunod parin siya sa akin. Waahhhh!!! Mom !!! tulong!!

MR.GENIUS MEETS MS.STUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon