CHAPTER 11

3.3K 152 3
                                    

Chalin's Pov

Buti nalang at madaling gumaling yung sugat ni Nathan sa ulo , at madaling gumaling yung pilay niya kaya eto ako ngayon sa bahay ni Nathan para Magpractice , araw araw ako dito kaya naman , hindi na malungkot si Tita , minsan dito din ako natutulog...kung ginagabi na ako.

"Tita , mukhang kaylangan ko na po umuwi , pagabi na po eh ^_^" sabi ko , pagkatapos namin mag practice ni Nathan kanina , tinulungan ko si Tita na Magluto , kaso pagabi na kaya kaylangan ko ng umuwi.

"Ah! dito kana kumain anak , ayaw mo ba tikman itong niluto natin?" Sabi ni Tita habang hinahalo yung Niluluto niya , minsan hindi ako makatanggi kay tita kaso , sabi ni Mom maaga ako umuwi para sabay sabay kami ngayon dahil maaga raw uuwi ng bahay si Dad.

"Ah Next time nalang po Tita ,kasi sabi ni Mom na maagang uuwi si Dad kaya dapat raw po sabay sabay kami kakain" Nakangiti kong sabi , nilingon ako ni Tita tyaka ako niyakap.

"Ang Bait mo talaga na bata , sige ingat ka ha? gusto mo bang ipahatid na kita kay Nathan?" Ani ni Tita , nilingon ko naman si Nathan na ngayon ay nilalaro yung Minion na stuff toy.

"Nako Tita ,tignan mo abala po siya sa paglalaro nun oh" sabi ko sabay pigil ng tawa.

"Nako! ito talagang bata na to? Nathan? ihatid mo na si Charlin sa bahay nila" sabi ni Tita kay Nathan nilingon naman kami ni Nathan , nilapag niya yung Minion at naglakad palapit sa amin.

"Tara na" bulong niya , tinignan ko naman si Tita na nakatayo sa tabi ko at kinilig pa, siniko ako ni Tita tapos sabay bulong niya sa akin ng...
"Cge na"

tahimik lang kami ni Nathan sa buong biyahe , pagbaba ko ng kotse ni Nathan , nakita ko napaparating na ang kotse ni Dad , tinignan ko si Nathan na nakatingin din sa kotse ni Dad...

"Dad," -Ako

"Kasama mo pala si Nathan , Ijo pumasok ka dito kana kumain" sabi ni Dad , tinignan ko si Nathan na nakatayo sa tabi ng kotse niya...

"Dad , baka po hinihin--"

"Sige po" Putol ni Nathan sa sasabihin ko , bakit parang iba ngayon si Nathan , waahh~~ may nakain kaya siyang masama ang lasa T^T

"Neyt? bakit ka pumayag" tanong ko na pabulong lang , papasok na kami ng bahay at si Dad na una nang naglakad sa amin.

"Tito , mukhang ayaw po ako--afghdvajb"

"Ano ka ba Nathan , wala akong sinabi" bulong ko habang nakatakip parin sa bibig niya yung kamay ko.

"Bakit yun ijo?" nakatingin na pala sa amin si Dad , kaya agad ko binitawan yung bunganga ni Nathan.

"Dad wala po yun , hehe ^_^" pagsisinungaling ko , tinignan ko si Nathan na tahimik lang at walang expresyon ang mukha.


Ano ba naman , bakit ang saya nila Mom na kausap si Nathan , eto namang si Nathan ngingitingiti pa , hmmmft! kapag ako naman kausap niya hindi naman ngumingiti , parang laging may dalaw nga eh?!

*^*

"Oh? Anak? bakit ka nakasimangot?" Lahat na pala sila nakatingin sa akin , yumuko ako at kunyaring kakain nalang.

MR.GENIUS MEETS MS.STUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon