Charlin's Pov
"uyyy? sama na ako sayo" sigaw ko kay Nathan na papalayo na sa aming dalawa ni Harry , nilingon ko naman si Harry na nakatayo sa tabi ko ,
ngumiti naman siya at tumango nalang , "ingat ka sa pag uwi Harry" sabi ko bago ako tumakbo , papunta kay Nathan..
"Nathan?" tawag ko sa kanya , hindi man lang kasi umiimik kanina ko pa tinatawag ehh?
"Neyt?" ayun lumingon din ... akala ko naman nabingi na eh?
"What?" kunot noo niyang tanong , ngumiti naman ako at naglakad palapit sa kanya.
"wala lang" nakangiti kong sabi ...
pagdating namin , may nakaparada na kotse sa labas ng gate ng bahay nila Nathan. siguro may bisita sila...
pamilyar sakin yung kotse.."andito na po kami Tita"
sabi ko habang pinapasok sa shoe rack yung sapatos ko..."Mom , we're here" sabi din ni Nathan , sabay kami napatigil nung makita namin kung sino ang bisita nila Tita at Tito...
"Dad?" bulong ko , nakakatuwa naman , dinalaw ako ni Dad kahit nagkita lang kami sa Company ilang araw lang ang nakakalipas...
"thank you sa pagaalaga kay Charlin" nakangiti hanggang tenga na sabi ni Dad...
"walang anuman .." nakangiting sabi ni Tita at Tito. at nagkatinginan pa silang dalawa.
eto kami ngayon lahat sa Salas , nasa Kanan ko si Dad nasa kaliwa ko naman si Tita , tapos sa tabi ni Tita si Nathan sa tabi ni Nathan si Cholo sa tabi naman ni Dad si Tito.
mahaba haba din ang pinagusapan nila , at halos karamihan sa pinagusapan nila tungkol sa Business , dito na din kumain sa bahay nila Nathan si Dad , pagkatapos kumain nagpaalam na din Si Dad na umuwi na
at baka raw magalit lalo si Mom sa kanya .. heheheKinabukasan ...
woah? ang ganda naman ng binili ni Dad para sa akin na Long Cocktail Dress na kulay Pink , tapos 4 Inches Sandal Na kulay White naman , woaaahhh~ excited na akong suotin to.
"Charlin , may bisita ka" sigaw ni Tita sa Baba ,
"sino po tita?" sigaw ko sabay balik ng mga binili ni Dad sa Paper bag.
pagbaba ko nakita ko si Jana na nakaupo sa sofa sa salas , at umiinom ng Juice.
"Jana? bakit?" tanong ko sabay upo sa tabi niya."samahan mo naman ako bumili ng dress ko na gagamitin sa party ng Dad mo" nakanguso niyang sabi , at pacute pa
"Ok madami pa namang oras eeh?" nakangiti kong sabi...
pagbaba namin ng taxi , O.O wah!!!
"Yung... yung bag ko" sigaw ni Jana.
halla!! agad naman ako tumakbo at hinabol yung kumuha ng Bag ni Jana...waahh~ pagod na ako sa kakahabol nasan na ba yun? asar bakit ba naman kasi kinuha pa niya yung bag ni Jana ,
nakasimangot akong naglakad pabalik kung saan ko iniwan si Jana kanina."Jana--"
"its ok , bilisan natin at malelate na tayo sa Party" sabi niya, nagbihis na din si Jana , at doon na din nagpaayos ng buhok at nagmake up , nauna na akong umalis para makapag bihis na din ako ,
pagbalik ko ng bahay , nakita ko na nakaupo si Nathan sa Sofa at nagbabasa ng Libro , woah? naka Black Coat at naka Blue na Necktie si Nathan at ang ayos ayos ng buhok niya , nakaslocks na Medyo fitted sa kanya...
BINABASA MO ANG
MR.GENIUS MEETS MS.STUPID
Teen FictionCharlin Javier is just an ordinary and cheerful girl who's really good at making friends but for Nathan Perez she is a walking disaster, stupid and clumsy. Pagdating sa katalinuhan si Nathan agad ang naiisip ng mga tao, he only cares about his grade...