CHAPTER 2

6.4K 180 6
                                    

Charlin's Pov

Bakit ako ang napili ni Nathan , madami pa namang mas matatalino sa'kin diyanㅡ Bakit ako pa?

"Charlin? may problema ba?"

"Wala po tita , kanina ka pa po nandito?" Buti pa sila tita , matatalino pamilya nila , nakakahiya kung ako ang magiging partner ni Nathan . . . mapapahiya lang siya , pati na ang pamilya niya. Sigurado akong pati ang school mapapahiya dahil sa akin.

"Hindi , kakapasok ko lang...hindi ka ba kakain?" Bumangon ako sa higaan ko at nag-indian sit para kausapin si Tita Margarete.

"Hindi po tita, mauna na po kayo kumain" Wala kong gana na sabi kay Tita. Napabuntong hininga lang siya at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Magpahinga ka nalang muna diyan , bumaba ka nalang mamaya 'pag gutom kana , Ok?" Nakangiting sabi ni Tita , tumango naman ako bilang sagot. Nagpaalam na si Tita sa 'kin na kailangan na niyang bumaba, bago niya isinara ang pinto ngumiti muna sa akin.

Nakahinga naman ako ng maluwag at humiga ulit sa higaan ko. Nagpagulong-gulong pa ako para lang kalimutan 'yon ang kaso wala lang din.
Tumigil ako sa pagulong sa 'king kama nang biglang may kumatok. Hindi ako umimik at inantay ko ulit siyang kumatok.

*Knock , Knock* 

"Tita , hindi pa poㅡ"  Napabalikwas ako ng bangon dahil sa taong iniluwal ng pinto.  Halla?!!! Bakit ba siya nandito?! Teka! Bahay niya pala 'to! Pero!

"Bakit hindi ka kakain?" Seryoso niyang tanong sa akin sabay upo sa Study table ko.

"Wala akong gana Neyt" Nakayuko kong sabi. Napakagat pa ako sa pang-ibaba kong labi. Ang totoo niya. . .Hindi ko alam kung pano ka harapin , bakit pa kasi ako ang napili mong partner , wala akong utak bakit ako pa? Tch! Ang lakas din kasi ng saltik mo!

"Kumain ka , pagkatapos mo kumain umakyat ka agad dito at mag rereview tayo" Nasa malamig na tono nitong sabi na nakatingin pa sa mata ko. Napalunok naman ako dahil ang seryoso ng mukha niya.

"Peroㅡ"

"Gusto mo bang masigawan pa o pumunta ka nalang" Tumayo lahat ng balahibo ko sa likod ng leeg ko dahil sa sinabi niya. Waahhh! Nakakatakot naman siya!

"Oo e-eto na kakain na" Nanginginug kong sabi. Pagkababa ko sa kama yumuko ako at naglakad na palabas ng kwarto ko. Palabas na ako ng bigla akong may naalala. T-teka? Bumalik ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Nathan na nakaupo parin sa Study table ko.

"Wag mong pakialaman mga gamit ko ah?"
Sabi ko sa kanya sabay duro sa kanya pinanliitan ko pa siya ng mata bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.

NATHAN'S POV

Ano naman kayang gagawin ko sa mga gamit niya? Tch! Kelan pa ako nagkaroon ng interest sa mga gamit niya. Sa kanya nga 'di ako intresado sa gamit pa kaya.

Dahil sa bored nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya. Napangisi lang ako sa mga nakita ko. Urgghh? Pink stuff? May mga picture din akong naka-frame. Naikunot ko ang noo ko dahil sa isang bagay na nahagip ng mata ko.

"Hmmm? That envelope looks like familiar" Sabi ko sa sarili ko. At dahil curious ako , hindi ako nag dawalang isip na tignan at buksan yung envelope na maliit na nakapatong sa mga Books ni Stupid girl.

Dear Nathan ,

  Hi , Neyt ? unang araw palang ng school year , nagustuhan na kita.
Naaalala ko pa yung nag speech ka sa harap nung first day of school at noong nag speech din noong Closing ceremony , mas lalo akong nainlove sayo , alam kong hindi tayo bagay. Pero , gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako at mapansin mo. Pinapangako kong ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba.

MR.GENIUS MEETS MS.STUPID Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon