Dear Bestfriend,
Hindi ko naman 'to sinasadya eh. Hindi ko naman inakala na makikita kita na higit pa bilang isang kaibigan. Bakit mo kasi ako pinakilig eh? Bakit mo ko binibiro na crush mo 'ko o di kaya'y sasabihin mong bagay tayo as a couple tapos bigla kang magsiside comment ng eeew. Nasasaktan kasi ako sa tuwing kinikilig ka sa crush mo. Nasasaktan ako sa tuwing masaya ka kapag nagkaka-usap kayo. Nasasaktan ako kapag mas gusto mo siyang kausapin kaysa sa'kin. Nasasaktan ako sa ibang bagay na nagdudulot sa'yo ng kaligayahan.
Kailan mo ba ko makikita? Tulad ng kung paano kita nakikita? Tama bang ganito ako na umaasang susuklian mo yung nararamdaman ko? Ang tanong,tama ba? Ano namang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo? Matutuwa? Magugulat? Magagalit? Iiyak? Hay nako.
Oo mahal na ata kita kahit na hindi mo kayang suklian 'to. Napakahirap palang ma-inlove sa isang bestfriend noh? Lalo na kung may iba na siyang nakikita and sad to say,hindi ako yon.
Love,
Chen
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen