Entry#2

29 3 0
                                    

Dear Bestfriend,

Naiinis ako sa'yo kanina. Bakit? Paano ba naman kasi hindi mo 'ko niyayang bumili sa canteen. Si Mila yung niyaya mo sa halip na ako. Kaya naman nagselos ako. Alam ko namang bestfriend din natin si Mila pareho pero sana naman ako ang mas pansinin mo. Selfish ba? Eh mahal nga kasi kita. Madali akong magselos sa mga bagay-bagay. (Though wala akong karapatan kasi walang T-A-Y-O)

Kinikilig ka siguro kanina nung Filipino time noh? Nung inakbayan ka ni Jasper. Inaasar-asar pa nga kita sa kanya eh tapos yung ngiti mo hanggang galaxy na. Namumula pa yung mga pisngi mo.
Bakit alam ko? Simple lang. Ganyan din kasi ako sayo. Kung paano ka kiligin sakanya,kung paano ka ngumiti at magsalita kapag siya yubg kausap mo,ganoon din ako sayo. Ganon na ganon. Ewan ko kung bakit pero basta. Parang sayo lang ako gano'n tulad mo na sakanya ka lang din ganoon.

Bakit ka pa kasi kay Jasper nainlove? Wala namang kamahal-mahal sa taong yon kundi yung itsura nya. Ang playboy nya nga diba? At ang lakas mangtrip. Bakit ka nagpapakatanga don? Nandito naman ako ah? Maging lalaki ka lang,sinasabi ko sa'yo. Hindi mo ko pagsisihan (Eew parang maniac yung dating ko hmp)

Woy Bert! Sana naman mapansin mo 'ko noh? Teka! What if ako nalang ang gumawa ng paraan para mafall ka? Hmmm.

P.S: Whatta Brilliant idea nga naman oh! Humanda ka Robert este Bert! Mafafall ka sakin! Sisiguraduhin ko 'yan. 99.9% yan. BWUHAHAHAHA!

Love,
Chen

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon