Dear Bestfriend,
I'm soooo happppy! Why? Sembreak na!!! Last day na today. Pero joke lang hindi ako ganoon kasaya. Why? Paano ba naman ang daming school works as I expected hmp! Tapos one week lang yung sembreak? Seryoso sila? Tapos pagbalik natin Periodical Test na? Ayos talaga! BUT there's a bright side. Why? Magprapractice tayo ng speech choir the whole week and ikaw pa yung assistant leader. Naks. Edi walang palya na hindi kita makikita. The whole week makikita't makakasama kita. Naks hahahah. Ang swerte ko naman pala. HUWEEEEEE! Sana talaga maging masaya yung sembreak na 'to (kahit na ang daming school works. RIP tulog!)
Nagulat ako sa'yo kanina kasi bigla mo nalang akong niyakap. Ewan ko ba kung pinagtitripan mo lang ako or gusto mo talaga akong yakapin. Syempre I hugged you back also. Ano? Choosy pa 'ko? Chansing na 'yon eh HAHAHA! I think mga 2 mins din yon habang umiikot ikot tayo. HAHAHA kinilig naman ako don. Halos naestatwa na nga ako sa kinatatayuan ko non habang yakap mo 'ko eh. Alam mo yon? Yung mixed emotions? Ganoon yung naramdaman ko kanina nung ginawa mo 'yon. Hayst. Ano bang ginawa mo sakin Bert?
Sana if ever na malaman mo yung nararamdaman ko talaga sa'yo,hindi ka magalit. Sa tingin ko kasi sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo. Why? Paano ba naman I saw you more than my bestfriend. May halong malisya na yung tingin ko sa'yo samantalang ikaw walang awareness sa totoong nararamdaman ko at baka sabihin mong tinitake for granted kita. Which is no.
Oo nga pala you reminded me a while ago na mag-online sa Messenger kasi may sasabihin ka.
Dugdugdugdugdug
Ito na ba yon? Aamin ka na din? Kasi once na umamin ka Bert,aamin na din ako. Seryoso ako. Hindi ko na din kasi kayang magpakaplastik sa harapan mo at sa harap ng ibang tao na parang wala lang sakin lahat pero sobrang nilalagyan ko na pala ng malisya. Ang sama ko ba? Hindi ko naman ginustong maramdaman to eh. Lalo na at sayo pa na kaibigan ko. Ang hirap. Sobra.
P.S: I'm so nervous geeez.
Love,
Chen
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen