Medyo nakahinga ako ng maluwag ngayong araw. (Kahit hindi naman talaga) Kasi pumayag sila Mila at Bert sa suggestion ni Aaron na gumawa na lang kami sa iisang place dahil last day na namin 'to na magprepare para sa reporting bukas. Though alam ko naman kung bakit ginawa 'yon ni Aaron which is to help me.
Kaya ngayon, nandito kami sa isang park malapit sa village nila Robert. Hapon naman na kaya hindi na mainit at kakatapos lang ng klase namin dumiretso agad kami dito. Actually kararating lang namin kanina.
Lumapit si Mila sa'kin at nagulat ako sa ginawa niya dahil habang nakaupo ako dito sa isa sa mga bench, niyakap niya 'ko. Sino ba namang hindi magugulat eh parang nung isang araw kung makatingin siya sa'kin parang ginagawa niya 'kong karibal kay Robert tapos ngayon naman hayst. "I missed you Gretchen. Hindi na kasi kita napupuntahan sa bahay niyo kasi madalas kaming may lakad ni Robert tuwing weekend." Hindi niya naman na kailangang sabihin 'yon kasi alam ko na 'yon at matagal ko ng naintindihan 'yong bagay na 'yan. Nakikita ko kaya palagi yung pictures nila sa Instagram. Hindi niya na kailangan pang ipamukha ulit.
Nung kumalas na siya sa pagyakap sa'kin, I just smiled at her slightly. Naiwan kasi kaming dalawa dito. Kumuha kasi sila Aaron at Robert sa bahay ni Bert ng mga karton para paggawaan namin ng props at visual aids. Nakakahiya naman sa mga nanay namin kung uupo na lang kami basta sa semento.
Bumalik yung atensyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon. "Anyways, kayo ba ni Aaron? Nanliligaw ba siya sa'yo? Alam mo kasi lately napapansin ko parang close kayo masyado. I was jealous kasi siya na yung bago mong bestfriend instead of me."
WOW! As in WOW! Ako pa? Binabaliktad niya ata yung mundo. Sino kaya yung nagpaiwas ng isang tao sa isa niyang matalik na kaibigan na gusto niya just to express herself to that guy? Sino kaya 'tong unang nagbalewala? Nakakainis kasi ako dapat yung nagsasabi sa kaniya niyan hindi siya ang nagsasabi niyan sa'kin.
I smiled again at her. "You know what Mila, why do you want to know if I'm dating with Aaron? Is that bad? Sa pagkakaalam ko kasi wala akong kaibigang iniwan just because may gusto ako sa isang guy." Nakita ko sa expression niya yung pagkagulat sa sinabi ko. Hindi niya siguro inexpect na sasabihin ko 'yon.
"We-well I'm just willing to give up everything for the one I love." May halo na ng pagtataray ang boses niya kahit nakangiti pa siya ngayon, alam kong naiinis na siya. Hindi ko talaga inexpect lahat ng 'to. Ang bestfriend ko? tatalikuran ako just for a guy? Paano kaya kung gano'n din ang ginawa ko? Hindi ako umiwas kay Robert? Magiging ganyan ba sila kaclose ngayon? Tss. I don't think so. I don't know though nangingibabaw yung pagkamiss ko sa dating MILA, kaso ngayon mas nangingibabaw yung inis ko sa ginawa niyang pag-iwan sa'kin sa ere.
I was about to say something to her but I saw the boys. Napansin niya na din yon kaya tumayo na kami at lumapit sa kanila.
I'm wondering if nag-usap si Aaron at Robert. Hindi naman sila close eh. Alam mo naman 'tong si Bert diba? Allergic sa ibang guy maliban na lang kay Jasper.
Nilapitan ko si Aaron at kinuha ko yung isang hawak niyang karton. Nilatag na namin yung apat na malalaking karton para magsilbing working place namin. "How are you?" Mahinang tanong sa'kin ni Aaron. Kaming dalawa kasi yung nag-aayos ng dalawang karton tapos si Mila naman at Robert sa isa. "Okay lang ako noh. Don't worry." Tumayo na 'ko nang matapos kong maayos yung karton para umupo sana ulit sa bench kasi sobrang naiinitan ako. Ewan. Papasok na rin kasi yung summer kaya siguro ganito kainit kahit hindi mataas yung sikat ng araw, mainit pa rin. "Wait Chen!" Pagkatayo ko pa lang, hinawakan ni Aaron yung kamay ko ngayong nakatalikod ako sa kaniya't nakatayo. Kaya napaharap ako sa kaniya habang nakaluhod siya sa karton. I saw a clue-less expression para sabihin sa kaniya through my expression if why did he called me.
Tumayo siya at may kinuha sa bulsa niya. Isang face towel. "Basa na yung likod mo. Baka magkasakit ka pa." Nagulat ako nang ipasok niya yung kamay niya sa likod ko at maayos na inilagay yung face towel. Inipit niya pa nga sa bra ko. Nakakahiya nakauniform pa naman ako. Hindi ko naman na siya napigilan kasi nagulat ako sa ginawa niya.
"Awww you're so sweet" Mas nakaramdam ko ng hiya nang makita sila Mila at Robert sa harapan namin na nakaupo sa inayos nilang karton at nakatingin samin. Nang mapunta yung mata ko kay Robert agad niyang iniwas yung tingin niya. Parang mag naramdaman akong tumusok sa chest ko.
After no'n, nagdecide kaming magstart na. Sila Aaron may power point presentation na ginagawa buti dala nila yung mga kailangan nilang gamit including laptop. Nandito na 'ko ngayon sa kartong inayos nila ni Mila at katabi ko si Robert. Malaki yung space sa pagitan namin. Magkabilaang dulo kami ng dalawang kartong pinagdugtong.
Naaalala ko na naman yung nangyari kagabi. Hayst. Focus Chen! Focus!
Tapos ko ng itake down notes yung formulas na nasearch ko kahapon. Ewan ko kay Robert kung siya tapos na din. Pagtingin ko sa orasan ng phone ko kanina, 4 pm na. Meron na lang kaming almost 2 hours para matapos 'to.
Naka-indian seat kaming dalawa. Kailangan kong malaman kung tapos na ba siyang magtake down notes ng examples para maisulat na sa visual aids. Nasa isip ko na magtanong pero nauna na siyang nagsalita kaya 'di ko na natuloy. "Tapos ka na ba? Para sana makabili na tayo ng vis-" I didn't let him to finish his words.
"Tapos na rin ako." Pagputol ko sa sasabihin niya. Infairness hindi ako nautal. Diretso ko lang na sinabi. Tumayo siya. "Bumili na tayo ng visual aids." He said with a cold tone. Tumango lang ako at ibinulsa yung phone ko.
Nagpaalam na kami sa dalawa. Nagpresinta pa nga si Aaron na sumama pero pinigilan ko kasi sabi ko maiiwang mag-isa si Mila at yung mga gamit, walang magbabantay. Buti nakumbinsi ko naman kaya heto kami ni Robert at naglalakad papunta sa pinakamalapit na bilihan ng cartolina para sa visual aids namin.
Magkalayo kami habang naglalakad. Nasa unahan siya, ako nasa likod lang niya. Hindi ko kayang sabayan siya. Nako.
Mukhang tatawid pa ata kami kasi nasa kabilang kalsada pa yung isang tindahan ng school supplies.
Lumalayo na yung distance namin kasi tumunog yung phone ko kaya kinuha ko 'to sa bulsa ko. Nagtext si Mommy. Habang nirereplyan ko siya, diretso lang akong naglalakad kasi diretso lang naman papuntang tawid.
The next thing I saw was a light. I saw his expression.
"Ro-Robert..."
"GRETCHEEEEEN!"
-----****-----
A/N: Ano kayang nangyari? Enjoy reading guys! Don't forget to comment and vote. I hope you to support this story. God bless you. Abangan ang mga susunod na mangyayari! Higpitan ang kapit sa upuan! Chos! Sorry for the supeeeer lateeee update. Bawi ako this time :)
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Fiksi RemajaDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen