Masakit 101.2

8 1 1
                                    

"ANO?! MAY GUSTO KA SAKIN GRETCHEN?!"

Kung sinuswerte ka nga naman oh.

Nasaan na ba kasi yung mga takure dito baka may mga ginie don. Kailangan ko magwish kahit isa lang okay na 'ko.

Please alisin niyo ako sa lugar na 'to.

Wala na Gretchen. Buko ka na. Ay hindi pa pala. Hinding-hindi pa. Kung aamin ako kay Mila hindi rin pwede kasi nandito si Robert edi paktay na 'ko. Aamin na ba 'ko? Anong gagawin ko?! Pakitawagan nga yung 911 o 'di kaya yung 8-7000 baka alam nila gagawin?

"Sabi na eh. May gusto ka sakin. Tsk tsk. Ikaw Chen ah. May lihim kang pagnanasa sa katawan ko."

WHAT THE! ANONG GAGAWIN KO SA KATAWAN MO?!

"Hahalayin"-utak

Letse yan! Manahimik ka. Kritikal na nga yung lagay ko ngayon sana naman mag-isip ka kung anong gagawin ko hindi na puro ka parin kalandian.

Haaay. Why am I talking to myself?

"Good Morning Everyone."

Salamat Sir! Salamaaaaat! You're my savior, my knight, my k- okay na yung savior. Period.

Grabe gagawa talaga ako ng kabutihan mamaya. Maglalaglag na 'ko ng piso sa mga pulubi sa daan,maglilinis na 'ko ng kwarto ko tsaka tutulong na 'ko sa ibang tao. Mag-iipon na 'ko at hindi na bibili ng kung anu-ano. Sobrang grabe? Salamat talaga kay Sir Mendoza.

Bumalik na 'ko sa upuan ko. Napatingin ako sa gawi ni Robert na nakangiti ng nakakaloko sa'kin. Hala! Walanghiya siya! Bilib din ako sa self-confidence niya ah. Grabe lang. Nakakabilib. Oo nga errr- g-gusto ko siya pero hindi niya na kailangang malaman pa 'yon noh. Marami lang masisira tsaka may Jasper na siya doon na lang siya.

Napatingin naman ako sa gawi ni Mila na halatang problemado dahil nakabusangot yung mukha niya. Ano bang problema nya? Kailangan na talaga naming mag-usap mamaya.

Natapos naman ng mapayapa ang klase namin kahit na halos magsabaw na yung utak ko sa test sa English. Puro kasi reading comprehension nakakaloka. Cleaners pa pala si Mila and dahil don hindi pa 'ko pwedeng agad-agad na umuwi. "So totoo nga Chen? May gusto ka sakin?" takte. Tantanan mo na 'ko bago pa 'ko madulas and by that Goodbye Philippines na 'ko.

"Ang kapal mo. You're just my
b-estfriend. Tsaka paano kita magugustuhan eh taken ka na nga kay Jasper."

Ano ba pinagsasabi ko? Tama pa ba 'yon? Kaloka feeling ko nagka-earthquake dahil sa pagsagot ko. Hindi kasi sumasang-ayon yung mga words na lumabas sa bibig ko. Okay naman na sigurong paminsan-minsan magsinunggaling. May valid reason naman kasi ako. Okay lang naman siguro diba?

"Bert, paturo sa Math"

"Ayieee." Pang-aasar ko nang lapitan siya ni Jasper at inakbayan pa. Kbye. kailangan ko ng umalis sa eksena.

Nagdahilan ako na magwawalis kahit na hindi ako cleaners. Napatingin ako sa unahan kung saan nagbubura ng mga sulat sa blackboard si Mila. Tinignan ko pa yung iba naming kaklase na kasalukuyang magkukumahog ng lumabas ng classroom dahil marami pang gagawing assignments. Huminto ako sa pagwawalis nang lapitan ako ni Mila. "Hindi ka pa ba uuwi Gretchen?" Tapos naman na akong magwalis kaya itinabi ko na ang walis tambo sa kabinet. Humarap ako sa kanya na ngayo'y nagsusuklay para sagutin yung tanong niya. "Hinihintay kaya kita."

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon