Entry#1

24 3 2
                                    

Dear Bestfriend,

         Ang saya ko kasi kahit na sobrang stress na tayo dahil sa sandamakmak na school works at Group presentations,ito pa yung nagsisilbing tulay para mas matagal pa tayong magsama. Bert,ang hirap mag-adjust. Pinipilit kong isaksak sa isip ko na huwag lagyan ng malisya yung ka-sweetan natin pero hindi ko mapigilan.

        Sa tuwing sasandal ako sa balikat mo,ganoon ka din sa ibabaw ng ulo ko. Tulad kanina,nung English time,medyo sumakit kasi yung ulo ko kaya ko nagawa 'yon. Bigla ngang bumilis ang tibok ng puso ko no'n eh. Ewan pero parang gustong kumawala mula sa rib cage (ANOO DAAAW? LOL)  Corny pakinggan pero totoo yon. Nakakainis ka,bakit kasi sa bilyong tao ikaw pa? Ikaw na bestfriend kong kemerlalu? Hahaha


       Hay nako. Matutulog na nga ako. Madami pang gagawin bukas. Isang araw na lang at Friday na. Haaay.

P.S: Sana hindi ka mainis kasi palagi kitang kinukurot. Ang sarap mo kayang kurutin.Atsaka chansing ko na din sa'yo HAHAHA.

Love,
Chen

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon