"OKAY! 15 minutes break!"
Pagkasabi ni Ma'am Cruz ng break ay kanya-kanya ng alis ng mga kaklase ko sa loob ng dance room para siguro bumili ng makakain sa canteen. Habang ako ay umupo na lang sa tabi ng bag ko.
Busy akong nagkakalikot ng phone ko nang bigla syang tumabi sakin. "Chen hindi ka bibili?" Bakit kapag ba sinabi kong oo sasamahan mo ko? Hay na ko Robert.
Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagiiscroll sa facebook. "Bili tayo? Para may energy tayo mamaya sa pagsayaw."
Nagkunwari parin akong walang narinig kaya naman nagulat ako sa sunod nyang ginawa. "HOY IBABA MO NGA AKO!" binuhat nya ko na parang bagong kasal. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang nagdidiwang yung puso ko at gustong kumawala sa loob ng katawan ko.
Sa wakas ay ibinaba nya na 'ko matapos ko syang kurutin sa braso. "Ayaw mo kasi akong pansinin. Kanina pa ako nagsasalita dito parang hangin lang ako sa'yo." Ay ganon? Sumbatan time ba 'to?
"Bakit ako kailan mo ba 'ko napansin? Huh? Mas okay na yung parang hangin kaysa naman ako sa'yo na kaibigan lang." Hindi ko alam kung saan ko hinugot yung nga salitang lumabas sa bibig ko. Tila may sariling buhay yung bibig ko at kusa nalang nagturan ng mga ganoong salita. Kita ko naman ang gulat at pagtataka niyang reaksyon dahil sa sinabi ko. Hay. May mali ba doon?
"Joke lang! Oo na tara na bili na tayo!" pambabawi ko sa sinabi ko dahil medyo nakaramdam ako ng awkwardness dahil doon. Ano ba kasi yung mga nasabi ko kanina? Hayst. Nauna na kong lumabas ng dance room at naramdaman ko namang sumunod din sya dahil sa mga yabag ng sapatos niya.
"LIM AND DY! KANINA PA KAYONG DALAWA! DIBA SINABI KO NAMAN SA PART NA MABAGAL NA YUNG KANTA MAGDIDIKIT DAPAT YUNG MGA MUKHA NIYO? KAPAG ISA PA TALAGA AT HINDI NIYO NAGAWA 'YON MALILINTIKAN KAYO SAKIN MAMAYA! SIGE FROM THE START!"
Nakakabwisit tong si Ma'am Cruz ang sarap ilibing ng buhay eh. Kanina pa kami pinapagalitan dahil nga doon. Ano bang magagawa niya? Eh sa naiilang ako. "Ako nalang unang hahakbang papunta sa'yo para maglapit agad yung mukha natin huh! Kaya natin to! Ayusin na natin para di na magalit si Ma'am. Nakakainis eh." isa pa tong kutong lupa na 'to eh. Tumango nalang ako bilang tugon sa sinabi nya dahil nagsimula ng patugtugin yung music.
I met you in the dark, you lit me up
Hinawakan nya na yung kaliwang bewang ko at inilagay ko naman yung kanang kamay ko sa balikat nya. Yung kaliwang kamay ko at kanan nyang kamay namin ay ngayo'y isa na. Pakiramdam ko nanginginig nanaman buong katawan ko na tila dinadaluyan ng bolta-boltaheng kuryente. Nagpakawala siya ng isang ngiti at binawi din agad ito ngunit nagdulot ito upang magwala yung puso ko.
You made me feel as though, I was enough
Hindi ko nga alam kung pangwaltz pa ba tong kantang pinili ni Ma'am Cruz. Nagandahan daw kasi siya syempre ako din. Paborito ko 'tong kanta.
Hindi ko inasahan yung sunod niyang ginawa. Hinawakan nya yung likod ko at inilapit nya ko sakanya. Sa tingin ko hindi na hihigit sa apat na pulgada yung lapit ng mga mukha namin. Walang patid na naghuhuramintado yung puso ko. Bert ano ba tong ginagawa mo? Lalo mo lang pinapalala yung nararamdaman ko sayo.
Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone cold sobber
I pulled you closer to my chest...Ngayon, hindi na maalis yung mata namin sa isa't-isa. Tila may mga sarili itong bibig na nangungusap sa isa't-isa. Bert mahal kita. Ramdam mo ba yon?
Hindi ko naman nagustuhan tong feelings na to eh. Hindi ko gustong malagyan ng malisya yung tingin ko sayo bilang isang kaibigan.
Ngayon alam ko na, sa lahat ng part ng pagiging inlove, ang pinakamahirap ay ang mainlove sa isang kaibigan.

BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Genç KurguDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen