Dear Bestfriend,
Bakit ganon? Sa tuwing napapatitig tayo sa isa't-isa parang may ewan talaga eh. Ako lang ba nakakaramdam non or ikaw din? You know what? Thankful ako kasi feeling ko hindi nahahalata ng mga tao sa paligid natin yung feelings ko para sa'yo sana talaga hindi. Paktay kapag nalaman nila at syempre kapag ikaw.
Alam mo 'yon? Ang gaan mo sa pakiramdam kasama. Hahahah. Pero seryoso ako don. Nung English time kasi,(Tuwing English talaga ako pinakakinikilig kasi katabi talaga kita.) sobrang nilalapit mo yung mukha mo sakin habang nagsusulat ako. Buti na lang hindi ganoong kastrict si Maam Santos eh. Inaasar-asar mo kasi ako tungkol sa crush kong 4th year. Hindi ko na nga kasi yon gusto. Kasi ikaw na. Pero seryoso,nung nalaman ko kasing may girlfriend siya,tinantanan ko na yon. Pero heto ka parin asar ng asar. Kaya ayon! Kinurot tuloy kita! Hahahaha.
Basta Bert,palagi nalang bumibilis bigla yung tibok ng puso ko sa tuwing nagkakatitigan tayo or sobrang lapit mo sakin. I wonder if naririnig mo yung heart beat ko sa tuwing sobrang lapit mo sakin.
Kanina nga eh nung hinawakan mo yung kamay ko which is accidentally at hindi ganoon katagal. I think seconds lang,bigla agad nanlamig yung buong katawan ko. (Patay na ata ako! Sayo lol) Kainis ka bakit ba ganito epekto mo sakin. Hindi ka naman masyadong showy as a gay,hindi ka naman nagmamake-up,even acting like a girl,may pagkaOA minsan este palagi. Pero if hindi kita kilala? Hindi ko maiisip na you're a gay kasi hindi naman halata sa physical appearance mo.
Kapag chineck nila yang heart mo. Booom! Si Jasper.
Hay Bert. Sana mas maging close pa tayo .
P.S: Mafafall ka din sakin. Mark my word.
Love,
Chen
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen