Entry#19

1 0 0
                                    

Dear Bestfriend,

Dalawang week na yung nakalipas. Ang bilis ng araw, isang buwan na lang bakasyon na. Summer na at matatapos na 'yong school year na 'to. Yung school year na 'to na masaya, nakakastress, nakaka-excite at nakakalungkot. Masaya kasi akalain mo 'yon, nalagpasan natin lahat ng projects, exams, at activities ngayong school year. Nakakastress lalo na 'yong nga times na hindi natin alam kung uunahin ba 'yong groupings or magrereview na lang para sa Long Test the next day, kung paano tatapusin sa loob ng isang gabi yung mga assignment at pagrereview. Nakaka-excite kasi heto, after nito, Grade 10 na tayong lahat! Yehey!

Nakakalungkot kasi ang kapal at ang taas na ng pader. Ang lawak na ng space. Ang layo muna. Hindi kita maabot. Ika nga, So close yet so far ang situation natin. Kapag nagkakasama tayo sa iisang grupo, mabibilang na lang yung mga sentence na binabato natin sa isa't-isa. Kapag may reporting, walang kibuan, wala lang. Parang hindi magkakilala. Parang back-to-first-day-of-school treatment. Magkakilala tayo pero parang hindi. Natututunan na din kitang iwasan tulad ng ginagawa mo. Kapag alam kong pwede tayong magkasama sa iisang place o situation, ako na yung gumagawa ng way para mahiwalay ako sa'yo or 'di kaya iiwas ako.

Hindi ko nga alam kung napapansin ba 'yon ng mga tao sa paligid natin. Dati kasi halos palagi tayong magkadikit, tapos ngayon para tayong tubig at langis. (Movie ata 'yon ah? ''Tubig at Langis" Lol) Thankful naman ako kasi parang wala namang pumupuna no'n siguro nahihiya din sila or talagang wala silang pakialam. Hay ewan.

Kamusta na kayo ni Mila? You know what, nung nakaraang week, thankful siya kasi mukhang tumutupad ako sa usapan naming lalayuan kita. Pero yung isa niyang favor na hinihingi, ang maging tulay sa inyong dalawa? Hindi ko kaya. Tama na 'tong ginagawa 'ko atsaka baka lalo lang din akong mapalapit pa sa'yo kapag ginawa ko 'yon. Buti naintindihan niya naman ako do'n.

Namimiss ko na din si Mila. Feeling ko kasi simula nang nilayuan kita, parang nagiging malabo na din yung friendship namin. Syempre ikaw na yung palagi niyang kasama. Halos asarin na nga kayo ng mga kaklase natin eh pero tinatawanan niyo na lang. Sinasabi mo na mas malandi ka pa kay Mila kaya hindi mangyayari 'yon. I miss Mila. Kahit tuwing weekend, niyayaya ko siyang magMoMa (Movie Marathon) sa bahay namin o 'di kaya sa bahay nila sinasabi niyang may pupuntahan kayong dalawa, may gagawin kayo, etc. Bilib din ako sa'yo Bert. Dahil sa sobrang pagmamahal sa'yo ng bestfriend ko, parang binabalewala niya na lang din ako. But trust me, I'm not blaming you because of that. I was just disapointed dahil sa kayang gawin ng love kay Mila. Ang ibasura ang friendship over love. Love wins? Tsss.

I felt that I lost my bestfriend and ofcourse you. Parang balewala lang yung ginawa kong pagsacrifice ng feelings ko sa'yo para sa friendship namin ni Mila. Kasi kahit na ipinanalo ko 'yon over my love for you, siya naman 'tong isinuko 'yung friendship para sa love. Kamusta na kaya kayo? Hindi ko na kayo nakakausap maliban na lang kapag mga groupings pero sobrang tipid talaga ng conversation natin. Hay. Miss ko na kayong dalawa.

Thanks to Aaron. Why? Because he's always here for me as a friend. Dahil sa kaniya, nararamdaman kong hindi ako mag-isa although wala kayong dalawa. Akala ko talaga mag-isa na 'ko or outcast kapag nawala kayong dalawa pero hindi niya 'yon naparamdam sa'kin. Parang siya na nga yung bago kong bestfriend eh. Akala ko mayabang siya pero hindi naman pala. Mas nakilala ko pa siya ngayon. Wala pala siyang girlfriend since birth. Hahaha. Pero wag ka. Bestfriend lang kami and ayokong lagyan ng malisya yung friendship namin tulad ng nagawa ko sayo. Ayokong mangyari 'yon. I have learned something out of that mistake. Thankyou pa'rin sa'yo, Bert.

If you're going to ask myself, Am I still inlove with you? To be honest? Yes. And I hate myself about that. I hate myself for still being inlove with you despite of what's happening between us. I hate my heart for still choosing you. I hate my eyes for still looking at you the same way I've done before. I hate my mind for still having you inside of it. I hate bedtimes for still dreaming about you. It's just making me fall for you over and over again. Geez.

I miss you. I'm missing you, badly. I'm always missing you.
I love you.

Still inlove with you,
Chen



Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon