Groupings 104

3 0 0
                                    

"Ikaw"

Wala na. My mouth betrayed its master, me.

I saw his blank expression that made me change my mind.

"I mean, IKAW na yung magrereport ng lahat ng topic kapag inasar mo pa 'ko kay Aaron..." Pagdadahilan ko. Hay. Gretchen, ayon na o! Jackpot ka na eh! Nagkaroon ka na ng courage to confess but you turned that to nothing. Hay.

Hindi ko inexpect yung expression niya but he just smiled after. Ano ba?! Bakit ang hirap niyang basahin? Is he also feel the same  way towards me or ako lang 'tong assuming?

Mas hindi ko inexpect yung sinabi niya. "Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friend na lang." Ewan pero may kaunting sumakit banda sa dibdib ko. Hindi pala kaunti, talagang masakit.

He emphasized the word KAIBIGAN. Ayan na Gretchen! Sinagot niya na. Wala. Walang mangyayari at patutunguhan 'yang nararamdaman mo ngayon.

I feel regret. I regret that I was obvious about what I feel kasi dahil do'n, tinuldukan niya na lahat ng tanong ko. Lahat ng tanong ng dibdib at utak ko.

Never niyang masusuklian yung nararamdaman ko. Never.
"Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friends lang."

His lines made me feel broken, again and again.

He never failed to break my heart.

Nagpatuloy na siya sa laptop niya at ako naman 'tong nakatitig lang sa phone ko after niyang sabihin yung pinakamasakit na sinabi niya. Kulang na lang sabihin niyang I HATE YOU SO GET LOST. Akala ko tutulo na naman yung luha ko sa screen ng phone but thanks to Aaron.

Kinuha ko na yung gamit ko na nasa tabi ng lamesa sa kwarto ni Robert. Hindi ko na nga nacheck kung nando'n ba lahat ng gamit ko kasi ba naman nagkalat pa yung ibang gamit ko sa sahig ng kwarto niya nung pinaghahampas ko siya sa dibdib. Nasipa niya yung bag ko kaya nagkalat yung gamit.

Hindi ko na nga pa napansin si Mila na dumating din kasabay ni Aaron. Basta ang gusto ko na lang talaga ngayon, umuwi at isumbong sa unan ko lahat ng hinanakit ko sapamamagitan ng pag-iyak.

Basta after ng sinabi niya, hindi na ulit kami nag-usap. Nakayuko akong nagpaalam sa Mama niya at nagmadali na kaming makasakay ni Aaron sa jeep.

Sa dulo kami malapit sa pintuan pumwesto para mabilis kaming makalabas. Buti apat lang kaming pasahero. Yung dalawa nandoon malapit sa driver. Kaya hindi ko na pinigilan yung pag-iyak ko. I hugged Aaron while I'm crying.

"Ano na naman bang ginawa niya sa'yo?" Aware na pala siya about sa nararamdaman ko kay Robert though wala akong kinuwento sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Buti napipigilan ko ang paghikbi ko para hindi ako makaagaw ng atensyon ng ibang tao dito sa jeep.

Sobrang sakit ng dibdib ko. Sobra. I hoped that he also feels the same lalo na kanina. Yung mga kulitan namin sa bahay nila. Akala ko nagpaparamdam na siya na mahal niya din ako. Pero hindi pala. Ang tanga ko kasi.

Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Umasa na naman kasi ako. Pinaasa ko yung sarili ko.

"Hindi ko tuloy nabigay yung surprise ko sa'yo. Ililibre sana kita." Bulong niya sa'kin. Para hindi kami marinig ng ibang pasahero. Nawala na yung excitement ko sa surprise ni Aaron dahil lang kay Robert.

Bakit gano'n siya? Bakit hobby niyang saktan ako?

Akala ko wala ng sasakit na makitang mas close na sila ni Mila pero meron pa pala.

At yon ay ang sagutin lahat ng mga katanungan ng puso ko dati pa.

"Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friends lang."

Tinuldukan niya na lahat. Lahat-lahat. Ang sakit-sakit. Sobra.

I'm still sobbing on Aaron's shoulder while we're hugging each other.

Ako yung pinakadulo tapos siya sa tabi ko. Nasa right side kami ng jeepney.

Ayaw pa rin tanggapin ng puso't isip ko pero patuloy na nag-eecho sa'kin.

"Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friends lang."

"Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friends lang."

"Mabuti na lang. Kasi kung ako pala yung mahal mo, hindi ko matatanggap yan at hindi ko tatanggapin. Bestfriends tayo diba? Kaya dapat KAIBIGAN lang. Dapat nga hindi na eh. Friends lang."

Hanggang sa nakababa na kami ng jeep at naglakad papunta sa street namin. Nandito na kami sa tapat ng bahay ko. Kinuha ko na sa kaniya yung bag ko.

Nakakainis kasi umiiyak pa rin ako.

"Thankyou Aaron. Basa na tuloy yung uniform mo." I smiled though I was in tears. Lumapit siya sa'kin. "Anything basta para sa'yo. Don't worry. I'll help you. Just trust me." He kissed my forehead. With that, I felt secured.

"I swear that the next time you'll cry is because of joy not because of him."



Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon