Ilang minuto na lang kami na yung magrereport sa Araling Panlipunan. Yung grupo na namin. Pero ang dami pa ding problema.
"Dikitan niyo na sabi ng mga scotch tape yang mga visual aids niyo! Kapag tayo nabawasan ng score sa preparation, hay nako!" Hindi naman malakas pero ma-awtoridad na utos ni Robert sa aming mga kagrupo niya. Sinunod ko yung sinabi niya at gano'n din yung iba. Pagkatapos magreport nang grupo na nagpeperform ngayon, kami na next. Hindi ko naman na pinoproblema yung mga idedeliver ko mamaya kasi naaral ko na siya kagabi. Although parang hindi mawala sa isip ko yung huling sinabi ni Bert sa'kin kagabi. Speechless ako kaya hindi na 'ko nakapagreply.
Napatingin kami kay Bert nang lumapit siya sa likod kay Mr. Orlando. May sinabi ata siya. Matapos no'n pinatayo niya kaming mga kagrupo niya at sinenyasan niyang lumabas. Sumunod naman kaming lahat.
Nang makalabas kami ay nagkumpulan sa likod ng pintuan ng classroom. Buti nakasara kaya hindi ma-iinterupt yung grupong kasalukuyang nagrereport. "BAKIT KULAY YELLOW YUNG VISUAL AIDS NIYO?" Halos mapatalon kami sa gulat nang sumigaw si Bert.
"Robert, ano ba! May nagrereport sa loob." Sita ni Aaron. Mukhang natauhan naman siya pero hindi pa nawawala sa awra niya yung parang galit na lion.
"Sinong nagsabi sa inyo na yellow ang visual aids? Diba napag-usapan na natin na color white?! Ikaw Chen, diba nagpm pa 'ko sa'yo kagabi? Bakit yellow din yang sa'yo?" Napatingin naman sila sa'king lahat. O! Bakit ako na naman?
"Actually, nakabili na kasi yung iba ng color yellow na cartolina at majority yon ng grupo na'tin, kaya nagtanong kami kay Gretchen kung okay lang ba na magyellow na lang din siya kasi ma-" Hindi na hinayaan pa ni Robert na matapos si Thania.
Totoo yung sinabi ni Thania. "So are you saying to me na itong si Gretchen na yung leader niyo? Huh? Kung ayan yung gusto niyo, magsama-sama kayo! Ito na yung last groupings natin na kasama ako sa grupong 'to. Makikipagpalit ako. Si Gretchen na yung gawin niyong bagong leader tutal, hindi niyo ko kayang sundin." Hindi kami nakapagsalita hanggang sa pumasok na si Robert sa loob ng classroom. Naiwan kaming gulantang sa inasal ni Robert. Lalo na 'ko. Bakit ba parang ang init ng dugo niya sa'kin?!
Naramdaman ko yung pagtapik ni Aaron sa likod ko. "Don't worry Gretchen, hindi naman ikaw yung may kasalanan. Dahil pa nga sa nangyari, nalaman nating maumy unity ang grupo natin" I faked my smile to him. Nag-agree naman yung iba din at sinabing wag kong sisisihin yung sarili ko sa nangyari.
Pumasok na rin naman agad kami sa loob kasi kami na yung magpeperform. Natapos yung reporting namin na seryoso. Oo seryoso masyado. Siguro apektado yung iba sa nangyari kanina lang. Grabe talaga. Oo aaminin ko nabulol pa nga ako kanina at nauutal-utal. Paano ba naman nakatitig si Bert sa'kin? Hindi ko maiwasang mailang. Nakakainis.
Hindi naman gano'n kababa yung nakuha naming score. Okay na 'yon. Nagpaalam si Bert kay Mr. Orlando na makipagpalit ng group pero hindi siya pumayag. Hmp. Buti nga. Masyado kasing mainitin ang ulo. Pasalamat siya naiintindihan namin siya bilang kagrupo namin. May mali ba 'ko? Kailangan ko bang magsorry?
After ng A.P time namin, lunch time na. Kinuha ko yung baunan ko at naglakad papunta sa tabi ni Mila. Nang makalapit ako, "Mila, kain tayo?" Aya ko sa kaniya nang makaupo na ako sa tabi niya.
Hindi niya nagawang lumingon sa'kin kasi busy siya sa pagsusulat sa notebook. Assignment ata yung ginagawa niya. Akala ko hindi niya na 'ko lilingunin. "Sorry Chen, baka hindi ako makasabay sa'yo. Kung gusto mo ikaw na lang muna ang mauna. Hinihintay ko kasi si Bert na nasa faculty ng A.P. Sasamahan ko pa sa canteen mamaya. Sabay kaming kakain." Kamado niyang sabi at agad na itinuon muli ang atensiyon sa pagsusulat
Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko kasi halatang mas nagkakalapit sila o malulungkot kasi parang isinasantabi na ni Mila yung friendship namin.Bumalik na lang ulit ako sa seat ko nang dumating na si Bert. Nagpasiya na 'kong magsimulang kumain. "Pwede ba 'kong sumabay sa'yo, Gretchen?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko na may dalang baunan. "Sige ba." Atsaka siya tumabi sa'kin. Infairness, ngayon lang 'to ah!

BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen