NARRATOR'S POV

7 0 0
                                    

Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ni Robert nang makita si Gretchen na malapit nang masagasaan. At tatakbo sana siya papunta sa dalaga pero huli na.

Aksidenteng nasagasaan si Gretchen ng isang itim na van dahil hindi niya 'to nakita nang patawid na siya dahil sa kaniyang paggamit ng cellphone.

Agad na isinugod ng nakasagasang van si Gretchen sa pinakamalapit na ospital. Buti na lang at kasama si Robert papuntang ospital. "Sorry Gretchen...Sorry Chen... Sorry..." Sinisisi niya ang sarili habang nasa kandungan niya ang dalaga't duguan. Nagsisisi siya dahil nauna siyang maglakad sa dalaga.

Nang makarating sa ospital, sinugod agad sa ER (Emergency Room) si Gretchen na walang malay.

"WALANGHIYA KA! KUNG ALAM KO LANG HINDI SANA AKO NAGPAIWAN!" Sabay suntok ni Aaron sa pisngi kay Robert. Hindi niya iniinda 'yon sapagkat alam niyang kasalanan niya naman kung bakit nangyari 'yon. Hindi niya napansing malayo pa pala sa kaniya si Gretchen nang makatawid siya.

Nanginginig niyang tinawagan kanina si Mila at sinabi ang nangyari kaya agad namang pumunta ang dalawang naiwan sa parke. Nakaupo si Mila sa waiting area sa labas ng ER habang umiiyak. Si Aaron naman ay hindi napigilan ang galit at nasuntok sa mukha si Robert.

Natauhan si Mila't pilit inaawat si Aaron sa pagsuntok kay Robert. "ANO BA AARON! WALANG DAPAT SISIHIN DITO OKAY?! KASALANAN NIYA 'YON, HINDI SIYA NAG-IINGAT!" Pagdepensa ni Mila kay Bert. Habang si Robert, patuloy ang paghingi niya ng tawad kay Gretchen sa isip niya.

"IKAW MILA, WHEN YOU SAID THOSE WORDS IT LOOKS LIKE GRETCHEN IS JUST NOTHING TO YOU! Akala mo ba, hindi ko alam na siniraan mo si Gretchen kay Robert para magalit si Robert kay Gretchen, sinabi mong sinisiraan ni Gretchen si Robert kay Jasper, anong klase kang kaibigan? Kaibigan ka ba talaga niya?"

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat sa sinabi ni Aaron kahit si Robert nagulat din at napatingin kay Mila. "A-ano bang--"

"HINDI KA PA NAKUNTENTONG SAKTAN SI GRETCHEN EMOTIONALLY! PINATAY MO PA! ANONG KLASE KANG LALAKI? TSK. SABAGAY HINDI KA NGA PALA LALAKI! BAKLA! MAS MASAHOL KA PA SA HAYOP!" Hindi makapaniwala si Mila nang makitang napatumba sa sahig si Aaron matapos siyang masuntok sa mukha ni Robert dahil sa sinabi niya. Ang kaninang nakasandal na si Robert sa pader, napaupo siya sa sahig at hindi inakalang magagawa niya 'yon. Pareho na sila ni Aaron na dumudugo ang bibig dahil sa suntok ng bawat isa.

Kinalma ni Aaron ang sarili't pinunasan ang dugo sa kaliwang bahagi ng bibig niya. Matalim niyang tinignan si Robert hanggang sa makatayo siya't nagpasiya muna siyang lumabas ng ospital. Kada nakikita niya kasi si Robert nag-iinit ang dugo niya dito. Ang babae kasing gusto niyang pag-alayan ng kaniyang puso, nag-aagaw-buhay ngayon dahil sa parehong lalaking bumasag din sa puso ng babaeng pinakamamahal niya.

Pagkadating na pagkadating ng mga magulang ni Gretchen, sakto namang lumabas ang doktor mula sa Emergency Room.

"Mr. and Mrs. Lim, I'm sorry to say this,"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon