Her Diary

3 0 0
                                    

"Hi-hindi ko pa naman nababasa yung nasa loob..."  Nakita ko yung nanlilisik niyang mga mata. Hala! Galit ba siya?!

Awtomatiko akong napahiga sa kama ko. "WALANGHIYA KA! SABI KO NA NGA BA EH! GUSTO MO RIN SI ROBERT! WALANGHIYA KA! MALANDI KANG BABAE KA! AHAS KA!" Nakaramdam ako ng pananakit ng pisngi ko nang sampalin niya ako habang nakapaibabaw siya sa'kin. Halos hindi ako makahinga't makapagsalita nang sakalin niya 'ko.

"Ta-..ta..ma..na..." Pinilit kong magsalita para lang patigilin siya sa pananakal sa'kin. Feeling ko tuloy konti na lang malalagutan na 'ko ng hininga.

Nanlilisik pa rin ang nga mata niya na parang nasapian ng demonyo. Akala ko tapos na kasi umalis na siya sa ibabaw ko at lumapit sa lamesa ko. Pinilit kong makatayo kahit nahihirapan akong huminga nang makita kong kinuha niya sa study table ko ang gunting.

Tumakbo agad ako sa pintuan nang marahan siyang lumapit sa'kin. "Hindi ka na makakatakas sa'kin! Papatayin kiya! AKIN LANG SI ROBERT! AKIN LANG SIYA"

Malapit na malapit na siya pero hindi ko mabuksan yung pintuan para makalabas.

"WAAAAAAAAAAAAAAAG"

"HOOOY GRETCHEEENN! Anong hwag? Sabi ko amin na yan para makauwi na 'ko." Napatingin naman ako sa babaeng nakatayo malapit sa pintuan ng kwarto ko. Hay. Ano ba mga naiimagine ko? Akala ko totoo na.

Agad-agad naman akong lumapit sa kaniya at iniabot yung notebook. "So-sorry may naisip lang ako...hehe.." Tumawa ako ng hilaw. Akala ko pagkabigay ko aalis na agad siya pero lumapit siya sa study table.

Don't tell me?

Hindi. Nababaliw ka na ba Chen? Hindi totoo yung kanina, okay?

Oo. Tama. Hindi yon totoo.

Kinalma ko yung sarili ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama ko. Nakatalikod pa rin siya sakin kasi parang may hinahanap siya sa study table. At maya-maya lang humarap agad siya.

May hawak siyang gunting.

OhMyGosh!
Baka papatayin niya 'ko?

Hindi. Hindi. Hindi. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Hinahawak-hawakan niya pa yung tulis ng gunting habang papalapit sa'kin.

Dug.dug.dug.dug.

"Ba-...bakit mo..ha-..haw..hawak ya..yan?" Nakita ko naman yung pasimple niyang pagngiti. Umupo siya sa tabi ko at ako naman 'tong unti-unting lumalayo sa kaniya habang hinawakan niya parin yung talim ng gunting.

Dug dug.dug.dug.

"Hi..hindi ko..na...naman...a..aagawin..si...si Bert..sa-...sayo... Wala..na-naman akong...gu..gus...gusto sa..ka..kaniya..." Hindi ko na talaga matago yung kaba ko. Lalo pa 'kong kinabahan nang tumawa siya ng malakas.

Katapusan ko na ba?

"Ano bang nangyayari sayo Gretchen? Alam ko naman na 'yon. Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" Sa puntong yon ay lumapit pa siya sakin at akmang hahawakan yung leeg ko pero tinabig ko yung kamay niya.

"Aalis na rin ako,don't worry. Gugupitin ko lang yung price tag sa sapatos ko. Hahaha. Nakalimutan kong tanggalin kahapon nung binili ko." At tulad nga ng sinabi niya, yumuko siya at ginupit yung  price tag sa sapatos niya. Nagsasabi ba siya ng totoo? Baka hindi? Baka modus niya lang yon tapos sasaksakin niya na 'ko?

"Thanks. Aalis na 'ko." Pagkasabi niya no'n akmang ibibigay niya sakin yung gunting kaya nakatapat sakin. Baka sasaksakin niya na 'ko?

Tumawa ulit siya tapo napailing atsaka inilapag na lang yung gunting sa study table.

Gretchen. Ano ba! Nababaliw ka na naman? Kalma. Kalma. Kalma.

Inilagay niya na yung notebook sa dala niyang itim na small bag. "Gusto ko kasi kapag kami na ni Robert, ibibigay ko 'tong notebook sa kaniya." Dahil sa sinabi niya medyo kumalma naman na 'ko. Ano ba yan. Kailangan ko na ba magpacheck-up?

"Ano ba yang notebook na 'yan?" Tanong ko. Don't tell me diary niya yan? At tulad nga ng hula ko, diary niya. "Dito ko sinusulat yung mga gusto kong sabihin kay Robert." Gano'n din ako sa diary ko ah! Ginagaya niya ba 'ko?

"And gusto ko ikaw yung maglalagay nito sa bag niya. Para kapag gusto ko ng umamin though hindi pa kami, through this na lang. Oh diba? Ang romantic?" Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. Oo sa'yo romantic,sa'kin tragic.

Wala pang ilang sandali nagpaalam na rin siya. Tinanong niya nga ulit ako kung pwede ko ba siyang tulungan kay Robert syempre alangan namang humindi ako.

Pagkaalis niya, nagdecide akong mag-online sa messenger ko. Nung nakita kong online si Robert, nag-offline na agad ako. Kakapromise ko lang kanina kay Mila na hindi na ako masyadong lalapit kay Bert though bestfriend ko siya. Oo masakit pero kasi ayoko namang mawala sa'kin si Mira.

Childhood bestfriend ko siya at ang layo na ng pinagsamahan namin. Hindi naman pwedeng itapon ko lang yon dahil sa isang lalaki este babaita. Babae ba o lalaki? Hay. Ewan. Basta.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba yung pagkakataon sa'kin. Nagtext si Robert.

Pwede ba tayong magkita mamayang 10 PM sa harap ng school? May sasabihin kasi ako.

Pupunta ba 'ko or what?
Anong sasabihin niya? Hindi ba pwedeng itext niya na lang or chat? O di kaya tawag? Bakit sa personal pa?

Pupuntahan ko ba siya o hindi?

Pero kasi nagpromise na 'ko kay Mila.

Okay lang bang pagbigyan ko yung sarili ko kahit ngayon lang? Kahit last na 'to? Is it okay to be a selfish bestfriend for the last time?

-------------

A/N: Enjoy Reading! God bless you!

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon