Groupings 103

2 0 0
                                    

"I'm sorry..."

I didn't ask why. Though he dudn't explain it but still I he's already forgiven.

Medyo napakalma ko na yung sarili ko. Naghiwalay na din kami sa pagkakayakap matapos ang halos ilang minuto kaming magkayakap. Bakit gano'n? Pakiramdam ko nawala lahat ng sakit dahil lang sa yakap na 'yon?

Kapwa kami bumalik sa pagseserch pero this time nag-uusap na kami. "Kamusta na kayo ni Jasper? Ayieee." Panunukso ko sa kaniya. Ayan ka na naman Chen, nako! Mag-ala martyr ka lang diyan at sagadin mo para mapatayuan ka na ng monumento.

Ang monumento ni Gretchen Lim. Ang isa sa mga libong babaeng martyr.

Binaling ko yung tingin ko sa kaniya na busy pa din sa pagsesearch. Akala ko hindi na siya iimik. "Binuntis niya 'ko." Gaga talaga. Kitams? Bakit ba 'ko nainlove dito? Eh mas malandi pa sa'kin 'to!

Siguro pinagsisisihan niyang katabi niya lang ako kasi nakurot ko na siya sa braso niya. "Ang landi mo pa rin." Sabi ko pagkatapos ko siyang kurutin. "At ikaw, sadista ka pa rin. Pero infairness ah, namiss ko 'to" Ani niya habang hinihimas-himas yung braso niyang kinurot ko.

Bigla na namang umandar yung malikot kong isip. Yung kurot ko namiss mo pero ako hindi? Syempre 'di ko yan sinabi. Ayoko namang sagadin yung pagkashunga-shunga ko noh. Tama na yung 1/4 lang. Chos.

"Ah gano'n? At dahil namiss mo yung kurot ko..." Ngumiti ako ng parang may binabalak na masama kahit meron naman talaga. Nakita ko yung paglaki ng dalawang mata niya. "H'wag kang magtangkang ituloy yung bina-AARAAAAAY"

Kinurot ko siya sa braso at sa iba pang parte ng katawan niya habang patuloy siya sa pagiwas. Palipat-lipat siya ng pwesto sa kama at ako naman panay ang habol sa kaniya makurot lang siya. Kinurot ko siya sa iba pang bahagi ng katawa niya. Sa binti, hita, braso, balikat, kamay, pisngi, ilong at likod.

Nang mapadpad na naman kami sa headboard ng kama niya banda, "Ayaw mong tumigil ah!" agad niya kong hinawakan sa dalawang kamay at isinandal sa headboard ng kama.

Dug.dug.dug.dug.dug.dug

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko gano'n din ang katawan niya sa katawan ko. Parang naestatwa naman ako't hindi alam ang gagawin kasi isang maling galaw lang...

Pwedeng magkahalikan kami.

"Ano, mangungurot ka pa?" Mahina ngunit mapang-asar na tanong niya. Ramdam ko yung init ng hininga't bango na amoy nito. Kahit nagkatitigan na naman ang mga mata namin, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa labi niya.

Shocks. Wag naman sana ako magkasala nito.

His reddish and kissable lips is tempting me right now. Oh Gosh! Help me!

"Tignan lang natin kung kurutin mo pa 'ko after nito." He said confidently.

Anong binabalak niya?

Kahit parang umuurong yung dila ko, pinilit ko pa ring makapagsalita. "A-..anong ga...gawin..mo?" Pagkatanong ko sa kaniya'y unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya habang hawak pa din ang dalawang kamay ko't isinandal sa headboard ng kama. Gez! Walanjo ka Robert! Sinapian ka ba? My Gosh. Gusto kong sumigaw at magprotesta sa sitwasyon namin ngayon pero may nagproprotesta sa loob ko't gusto rin yung nangyayari.

"I swear, you will never forget this." OhMyGosh! Kung pwede ko lang sabihin lahat ng mura kahit iba't-ibang lenggwahe pa sasabihin ko ngayon! He's gonna kiss me! Oh yes. Hindi ko talaga 'to makakalimutan. Isang inch na lang halos ang lapit ng mga labi namin. Idinikit niya na yung noo niya sa noo ko at gano'n din ang ilong namin.

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon