Dear Bestfriend,
Sorry Bert. Hindi ako pumunta. Gusto ko kung alam mo lang. Hindi na 'ko nagreply na hindi ako makakapunta. Wala lang. Kaya sinabihan ko si Mila. Sinabihan ko na siya na lang yung sisipot sa'yo. Sinabi kong sabihin niya sa'yo na masama yung pakiramdam ko. Tama naman yung ginawa ko diba?
Maigi na rin siguro yon para alam mo na, mas maging close pa kayo. Yung closeness na lalagpas sa closeness na meron tayo. Oo aaminin ko, medyo nag-assume ako at umasang baka umamin ka pero naalala ko na hindi pwede at imposible.
Magandang simula na din 'to para sakin. Sasanayin ko yung sarili kong dumistansya sa'yo. Bukod sa may possibility na mawala yung feelings ko sa'yo, mas magiging close pa kayo at mapapasaya ko si Mila.
Tanga ba 'ko? Tama naman diba? Mas magiging tanga lang ako kapag pinili kong huwag lumayo kaysa sa pasayahin yung bestfriend ko at mapanatili yung friendship namin.
Ano kaya yung sasabihin mo dapat? Sana lang hindi ka magalit. Gusto ko lang mawala yung closeness na meron tayo pero yung friendship, wag naman sana. Ibabasura ko na yung feelings ko pati ba naman yung friendship natin?
Nagpaparaya,
Chen
A/N: Comment! Comment! Comment!
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen