Heart (Hard) Talk

1 0 0
                                    

Tumunog na yung bell. It means tapos na yung klase. Kailangan ko ng kausapin si Robert. Inutusan ko yung isa naming babaeng kaklase na si Roxette para papuntahin siya sa garden at huwag sabihin na ako yung nagpatawag. Kukuhanin ko na yung chance na 'to habang may sandaling meeting si Mila sa SSG Office.

Bumaba na agad ako at nauna kay Robert. Maraming students sa garden kasi uwian pero hindi yon hindrance para matuloy yung plano ko. Ang kausapin si Bert.

Maya-maya pa nakita ko narin siya. Nang makita niya 'ko, lumapit siya pero blangko yung ekspresyon niya. "Ikaw ba yung nagpatawag sakin dito?" Tanong niya gamit ang malamig na boses. Parang gusto kong umiyak pero hindi pwede. Mamaya isipin niya dinadramahan ko siya.

"Kung wala kang sasabihin, aalis na 'ko. Marami pa 'kong gagawin." Patalikod na sana siya sakin pero hinawakan ko yung kamay niya. Shocks. Nanginginig ako. "Wait lang. Maupo muna tayo." Binitawan ko na yung kamay niya. Tinuro ko yung bench kung saan nakalagay yung mga gamit ko. Inalapag niya din yung sa kaniya at umupo.

Sa palagay ko, mga dalawang tao yung pagitan namin sa isa't-isa. Nasa magkabilaan kaming dulo ng bench. Sana naman marinig niya ko noh?

Basta kailangan ko ng magstart. Baka mainip pa 'to eh. Short-tempered pa naman 'tong baklitang 'to. "So..sorry nga pala..ka..kasi hindi ako nakasipot sa'yo nung nakaraang  gabi." Kahit nakatingin ako ng diretso, nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin siya sa'kin at muling dumiretso ng tingin tulad ko.

Medyo matagal siya bago nagsalita. "Okay lang. Wala kang 'yon. Yun lang ba yung sasabihin mo? Aalis na 'ko." This time, napatingin ako sa kaniya kasi tumayo na siya at nagsuot na ng backpack niya.

Tumayo na din ako. "Bakit ka ganiyan? Kung hindi ka galit, bakit parang may galit ka sakin. Lalo na nung nga nakaraang araw. Masyado ka na atang namemersonal kahit sa room napapahiya mo ko." Hindi ko na napigilan yung bibig ko at kung ano na lang yung nilabas nito. Medyo malayo pa rin yung agwat namin kahit nakatayo na kami pero alam kong sapat lang yung lakas ng boses ko para marinig niya yung sinabi ko.

"Ano bang pakialam mo? Eh sa ayaw na kitang makita't maging kaibigan. And that wasn't my fault, kung hindi ka gumagawa ng hindi maganda. Hindi naman kita sisitahin. Big deal ba 'yon sayo?"

Bakit gano'n? Parang feeling ko sinasaksak yung dibdib ko kahit hindi naman? Mainit. Naramdaman ko na yung mainit na likidong tumutulo mula sa mga mata ko pababa sa pisngi ko. Agad ko 'tong pinunasan.

Saan niya kinuha yung mga sinabi niya? Ayaw niya na kong nñmaging kaibigan? Pero... Oo lalayo ako sa kaniya DAPAT but it doesn't mean na pati yung friendship namin ibabasura ko.

Bakit bigla siyang nagbago? Anong problema niya?!

"Sa..sabagay. Hindi nga pala big deal sakin yon..So sinasabi mong simula ngayon hindi mo na ko kaibigan?" Wala na hindi ko na napigilan yung sarili ko. Patuloy yung pagpunas ko sa mga luha ko kasi patuloy din sila sa pagtulo. Nasa bag ko pa naman yung panyo ko. Mamaya mukhang dugyot na 'ko dito.

"Hi Chen. Are you crying? Okay ka lang? Anong nangyari Robert?" Wala na kahit na anong pahid ko halata parin sa itsura kong umiyak ako. Napatingin ako kay Bert. Blangko pa din yung ekspresyon niya. Naiinis na nagagalit ako sa kaniya sa totoo lang.

"Wala may naalala lang siguro si Gretchen na nakapagpaiyak sa kaniya. Tara alis na tayo?" Sinunggaling kang baklita ka. Tumango naman si Mila at nagpaalam na sakin na mauuna na daw sila ni Robert. Kita ko sa mata niya yung saya samantalang ako mistulang undas. Sinabihan lang ako ni Mila na mag-ingat daw ako sa pag-uwi at sa pupuntahan ko.

Gusto ko na lang umuwi ngayon. Parang gusto kong magsulat ng magsulat sa diary ko ngayong araw.

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon