Dear Bestfriend,
So ganire itechiwa. Hahaha chos! Natapos na yung sembreak lahat-lahat hindi ka parin humihingi ng sorry. Nakapagperform na tayo ng final task sa English na Speech Choir wala pa din. Wala lang sa'yo. Pashneya ka! Gusto mo bang ilabas ko pa ang brilyante ko at ibato sayo matauhan ka lang? Ang MANHID mo! Sobra!
Kanina humiram ka pa sakin ng ruler tapos hindi ka man lang nagsorry. 1 week na nakalipas simula ng sabihan mo ko ng mga ganoong salita tapos parang wala lang sa'yo?! Grabe! Bilib na talaga ako sa kamanhidan mo.
"Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?!"
"Galit ako sayo! HINDI MO BA NAHALATA! ANG MANHID MO TALAGA!"Ayan dapat sasabihin ko sayo kaso hindi naman ako totally tanga para gawin yan. Bahala ka nalang konsensyahin.
Hinawakan mo pa kamay ko kanina nung hinila mo ko papunta sa unahan kasi gusto mong samahan kitang magreport. Yung totoo? Nananadya ka ba?
Nakakaloka! Nabalik ko na sayo yung 1/4 paper na may nakasulat na kalandian mo kay Jasper. Masaya ka na? Tsss. I hate you! Yes I really do 'cause I also do love you.
Isang sorry lang. Yung kakikitaan ng sinseridad,masaya na ako doon. Mababaw lang naman akong tao. Simpleng salamat lang ayos na 'ko. Syempre hindi salamat sasabihin mo! Hindi ka naman siguro bobowistik para magpasalamat matapos mo kong sabihan ng mga salitang yon.
P.S: Triva: May konting punit 'tong pahina ng diary ko. Itong page na to. Paano ba naman sobrang kalmado ko habang nagsusulat. Tipong halos maputol na yung ballpen ko dahil sa higpit ng hawak ko at mapunit lahat ng page sa diin ko magsulat.
Kalmadong-kalmado,
Chen

BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Novela JuvenilDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen