Kakatapos lang naming apat mag-usap-usap. At dahil iba yung gagawin namin, magkaiba kami ng place. Napagdesisyunan naming kila Mila at Aaron yung mga important infos about Projectile at sila na lang din ang magrereport nito the next, next day. Kami naman ni Robert sa 10 examples nito at ieexplain din namin 'to pati sa formulas kami din.
Aalis na sana kami ni Robert. "Susunduin kita mamaya kila Robert ah! I'll call you." Nasanay ako kay Aaron na hinahatid-sundo na 'ko papuntang school kasi magkapit-bahay kami at magkakilala pala yung parents namin. "Si..sige" Sagot ko sa kaniya at ngumiti. Nasa gate kami ngayon para umalis na sana. Napatingin ako kay Robert. Napansin niya atang napatingin ako sa kaniya kaya iniba niya yung tingin niya.
Aalis na sana ulit kami. "Bert dadaan ako mamaya sa inyo ah, sasabay na ko kay Aaron papunta sa inyo mamaya para kunin yung payong ko. Naiwan ko kasi nung Sunday." Nakangiting ani Mila kay Robert. Pwede namang bukas niya na lang pagpasok ibigay ah? Bakit kailangan niya pang puntahan sa bahay ni Robert? Aish. Pakialam mo ba Gretchen?
Tuluyan na nga kaming naghiwalay ng landas. (Lalim eh noh HAHAHAHA). Sila Aaron kasi kila Mila tapos kami ni Robert (Walang kayo Chen! Wala!) sa bahay niya.
"Chance mo na para halayin siya."-Utak
Bastos. Hindi naman ako gano'ng babae noh! Oo mahal ko siya pero hindi ako desperada. Manahimik ka utak. Mamaya kapag nagfail kang gumana, nako! Dudukutin kita. Chos.
"Chance mo na 'to para umamin. Sabihin mo na yung matagal mong nararamdaman. Palagi mo siyang naiisip, napapanaginipan, na--"-puso
Heeeeeep! Isa ka pa eh. Ayokong sumugal. Hindi ako handa. Mahina pa 'ko. Nako! Ikaw din, kapag ako mamaya nabuking kaya umayos ka din, wag kang magwawala palagi ah.
"Baka dukutin din kita eh."
"Huh? Dudukutin mo 'ko?" Tila gusto ko ng malamon ng lupa, mabaril ng snatcher, masaksak ng mamamatay tao at malunod ay joke. Wala pa lang dagat na malapit dito. Parang nabuhusan ako ng isang baldeng malamig na tubig at nagising sa reyalidad na katabi ko si Robert sa backride ng tricycle papunta sa bahay niya. Katabi ko yung driver tapos siya sa dulo.
Haaay. Sabi na eh. Ipapahamak lang ako ng pakikipag-usap ko sa sarili ko eh. Grrrr. Kailangan ko na bang komunsulta sa psychiatrist? Nakakahiya. "Ah.. Wa-wala... May naalala lang..." Mukhang nakuntento naman na ata siya sa sabaw na sagot ko. Buti naman, kung hindi baka tumalon na lang ako ng dis-oras dito.
Maya-maya nandito na'rin kami sa tapat ng bahay nila. Akala ko bubuhatin niya yung isa kong bag na lagayan ko ng mga libro papasok sa bahay nila pero inabot lang pala sa'kin. Tsk. Wala talaga siyang pinagbago, gentledog parin. (Gentledog- walang genes ng pagkagentleman)
"Diyan ka muna, magpapalit lang ako ng damit. Iconnect mo na din yung phone mo sa WiFi namin. Alam mo naman yung password diba?" Malamig na walang emosyon niyang sabi sa'kin. Kasabay no'n ang pagbaba niya sa sala nila. Naiwan ako dito sa kwarto niya. Baliw ba siya? Nandito yung kwarto niya tapos saan niya balak magbihis? Baliw talaga 'yon. Umupo ako sa gilid ng kama niya. Hindi naman gano'n kalaki 'tong kwarto niya. Sakto lang sa mga gamit at abubot niya.
Naagaw ng atensyon ko yung mga libro sa lamesa niya. Mahilig pa naman ako sa libro. Mahilig siya sa libro? 'Di ko alam 'yon ah. Sa pagkakaalam ko hindi siya mahilig magbasa. Mahilig lang lumandi. Chos.
Ang ganda ng cover ng isang notebook na parang journal kaya kinuha ko 'to mula sa pagkakatayo sa lagayan niya ng mga libro sa lamesa. Ano 'to? Journal niya? Kulay black siya na may gold na garter.
Buksan ko kaya? Okay lang naman siguro diba?
"Bitawan mo 'yan!" Ayan na nga! Nabitawan ko nga sa gulat. Nakapambahay na siya. Denim na tokong at yung P.E t-shirt namin. Agad siyang lumapit sa kinatatayuan ko at lumuhod para magpropose----este kunin yung nalaglag kong notebook.
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Fiksi RemajaDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen