Dear Bestfriend,
Dumaan na yung dalawang araw pero hindi mo pa rin ako pinapansin. Siguro galit ka kasi hindi kita sinipot at si Mila yung pinapunta ko. Tulad kanina, nung groupings natin, hindi mo ko sinabihang may groupings pala sa bahay nila Aaron sa A.P kung hindi ko pa nakasalubong yung isa nating kaklase na may binibiling materials sa tindahan, di ko pa malalaman na may groupings. Bakit hindi mo sinabi sakin? Leader ka pa naman. Namemersonal ka ba?
I admit it! Ang hirap pala. Ang hirap pala ng ganito. Oo gusto kong lumayo sayo at mawala yung closeness natin pero bakit parang ang sakit at ang hirap ngayong ikaw na yung unang gumagawa ng way na dapat ako yung unang lalayo?
Nung uwian din, nagpahuli ka ng uwi para lang hindi kami makasabay sa'yo ni Thania kasi isa lang yung dadaanan natin after groupings kila Aaron. Eh dati naman sabay-sabay tayo.
Pinagalitan mo pa ko kaninang nasa bahay tayo nila Aaron at nagplaplano ng report. Akala mo kasi nagbabasa na naman ako ng Wattpad at hindi tumutulong sa pagbibigay ng idea. Grabe ka. Pinahiya mo pa ko sa ibang kaklase natin. Hindi mo lang alam nagsesearch ako about sa topic ng report natin.
Lumabas ako after kitang makasagutan kasi hindi ko na talaga kinaya. Bigla na lang tumulo yung luha ko na hindi naman dapat. Nakakainis. Ang babaw ko talaga. Kung galit ka sakin sabihin mo naman. Oo alam ko hindi naman na dapat kasi dapat na nga akong lumayo sayo diba? Pero kasi ang hirap. Nasa isang klase lang tayo tapos ganyan pa yung treatment mo sakin.
Mukhang mas nagiging close naman na kayo ni Mila lalo. Dapat kasi sasamahan niya ko bukas sa bookstore kasi may bibilhin akong libro pero nagpaalam na siya na hindi siya makakasama sakin kasi sasamahan ka niya bukas. Hindi niya naman sinabi kung saan. Naks naman. Gagala ba kayo? Ayieee baka magdadate kayo chos.
Sana bukas makausap kita. Gusto ko lang linawin kung galit ka ba. Ang hirap kasi na feel mo na may isang taong may galit sayo. Feeling ko ang sama-sama ko. Hayst. Sige na. Inaantok na 'ko. I miss you.
Still love you though you're mad,
Chen
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Teen FictionDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen